Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Terry habang magkasabay kaming naglalakad sa gilid ng kalsada papalabas ng sakayan ng jeep.Hindi man puno ang laman ng bag sa likod nya,hindi pa din ibig sabihin nun na hindi sya magtatagal sa pupuntahan nya.Walang imposible sa may pera.Kahit dun sa mismong pupuntahan mo pwede kang bumili ng maisusuot at pwede kang makipag transaksyon sa kahit na anong negosyo gamit lang ang laptop mo.Bakit iba ang pakiramdam ko sa bakasyon nyang yun.
"Mag ingat ka na lang sa pupuntahan mo.Hindi na kita masasabayan pa dahil iba ang sakayan nating dalawa._AKO.Saka ako tumingin sa kanya saglit.Hindi ko kayang tagalan na titigan si Terry dahil baka ipagkanulo ako ng mga titig nyang iyon at bigla ko na lang syang mayakap.
"Salamat.Ikaw din mag iingat ka.Wag kang magpapagabi para hindi nag aalala ang Nanay mo sayo.Kung magkaroon man ng problema,Wag mong kalimutang tawagan ako at agad akong darating basta magsabi ka lang._Terry.Ngumiti lang ako ng bahagya at saka nauna ng sumakay ng jeep.Ni hindi ko magawang lumingon dahil baka bigla nalang akong bumaba sa jeep at saka sya pigilang umalis.
Hanggang makarating ako sa mall at magsimula sa duty ko,si Terry pa din ang nasa isip ko.Bakit kaya biglang bigla naman ang pagbabakasyon nya?
May kinalaman kaya iyun sa di nila pagkakaunawaan ng Parents nya?"Hindi na muna kasi tumanggap ng trabaho si Terry para mag direk.
Kasi nga daw,hindi nya maatim na hindi pala sa kakayahan nya lang kaya sy naging direktor kundi dahil na din sa back up ng mommy nya.Yun palang mga endorsement na kumuha sa kanya,kaibigan at kakilala ng parents nya kaya sya ang napili para mag direk.Yun ang di matanggap ni Terry kaya gusto daw munang mapag isa._Dess.Kaya naman pala ganun na lang ang lungkot sa mga mata ni Terry kanina habang papa alis sya.Ni hindi ko man lang sya kinomfort at parang pinagtabuyan ko pang umalis na."Parang same lang sila ng problema ni GD.Bilang tagapagmana,kailangan nilang makasiguro na may magtutuloy sa lahi ng pamilya nila kaya pinipilit talaga silang bumuo ng pamilya at magka anak.Ang kaibahan nga lang,Legal na anak lang ang gusto nila kay GD at hindi kagaya ng sitwasyon ni Terry na kailangan talagang magka asawa at anak._Sally.
Kakaiba talaga ang buhay ng mga mayayaman.Mahalaga ang salin lahi.
Kaya naman ang ilan sa mga pulitiko,padamihan ng mga anak sa ibat ibang babae para mas madami silang taga pagmana ng mga nakukurakot nilang pera."Ang sad naman ng buhay nila noh.Mayayaman nga sila at walang problema pagdating sa pera,pero masalimuot naman pagdating sa lovelife.Mas kawawa lalo si Terry kasi di sya tanggap ng parents nya kung sino sya at kung sinong mahal nya.Alam nyo ba na lahat ng pera at sasakyan ni Terry,binawi ng Mommy nya?_Dess.Saka ako lalong naaawa kay Terry,Alam ko kung anong klase ang lifestyle nya at alam ko din na malaking kawalan sa kanya kapag nawalan sya ng luhong nakasanayan nya.
"Mabuti na lang may mga sinosyohan syang mga negosyo na hindi alam ng parents nya,So far naman daw sabi ni GD kayang kaya pa ding mabuhay ng maluho ni Terry kung gugustuhin nya dahil may sarili syang pinagkakakitaan._Sally.Kasosyo lang sya sa mga negosyo at hindi sya ang may ari,may mga tauhan pa syang pinasu sweldo sa company nya kaya alam kong mahihirapan syang makabangon ng basta basta lang.
"Wag kang mag alala Joyce,Ang sabi ni TOP sa akin.Pag uwi daw ni GD from Hawaii,sususnod tayo sa Ilocos.Para hindi mo masyadong mamiss si Terry.Mabait daw yung Yaya Luding ni Terry at palabiro kaya im sure magkakasundo kayo nun._Dess.Bahagya naman akong namula pero hindi nagpahalatang na excite ako bigla.
"Excited na ngang umuwi si GD dahil dun.Hindi pa din daw kasi sya nakakarating sa Ilocos.For sure daw mag eenjoy tayo duon dahil malapit sa beach ang bahay ng Yaya ni Terry.At saka malaki daw ng bahay nila duon,dahil mula pa sa naipong sweldo ni Yaya Luding mula pa nung baby si Terry ang pinagpagawa sa bahay._Sally.
"Talaga?Ibig sabihin,25years in the making ang pagpapagawa ng bahay na yun?Siguradong maganda nga yun at malaki.Sabagay,sa BAIT at pagiging matulungin ba naman ni TERRY...Deserving si Yaya Luding makatanggap ng malaki at magarang bahay,dahil napalaki nyang mabuting bata ang alaga nya.__Dess.Totoo ngang kahanga hanga ang pagpapalaki ng yaya ni Terry sa kanya,kaya naman ibang iba sya sa parents nya.
"Salamat talaga sa yaya nya!Dahil kung sa nanay nyang matapobre sya nagmana ng ugali,malamang kahit tayo hindi makakalusot para maging kaibigan nya.hahahaha._Sally.Nag apir pa sila ni Dess at saka tumawa. Nakitawa na din ako sa kanila at saka kami sabay sabay ng bumalik sa yrabaho namin.
8pm-12 am ang oras ko sa bago kong trabaho.Hindi naman mahirap ang gagawin dahil sasamahan ko lang naman ang isang VIP para daw mag casino.Depende daw sa takbo ng laro ang oras ng pag babantay ko.Kapag daw nanalo,mas maaga akonb pauuwiin at babayaran kaagad.Pero kapag natalo daw,tatagal ng apat na oras ang duty ko at saka lang ako pwedeng mabayaran.Si Mikah na nag yaya sa akin duon ay halatang sanay na kaya sa kanya lang ako laging nakatingin sa gagawin.
"Miss Mercado,Mukhang swerte ka sa akin tonight ah! Nanalo kaagad ako ng 2Million.Ikaw na palagi ang kukuhanin kong assistant dahil lucky charm na kita mula ngayon.Btw,Eto nga pala ang TIP mo at binayaran ko na din ang TF mo sa manager nyo._Senator Magallanes.Businessman/Politician na kasing edad na halos ng Tatay ko.
"Salamat po ng madami Senador.Congratulation po sa pagkapanalo nyo.
Sana nga po ay swertehin pa kayong lalo._AKO.Ayokong ipalagay ang loob ko sa kanya kaya pormal akong nakikipag usap sa kanya.Kung pwede nga lang di magsalita para wala na kaming madami pang pag usapan."Kapag hindi ako busy next week,ipapatawag na lang kita ulit sa manager mo.Basta,dapat palagi ka lang maging loyal sa akin para magkasundo tayo okey?_Senador.Sinamahan nya pa ng kindat kaya bahagya akong kinilabutan.Hindi ako sanay ng ganun kaya ilang na ilang ako sa may malisyang mga titig sa akin ng senador.Bigla ko tuloy naisip si Terry.
"Naku iha,Ang bongga ng unang costumer mo ha.Galante yan si Senador pero choosey.Kaya kapag ikaw ulit ang ipinatawag nya,wag ka ng magpakipot pa at sumama ka kaagad.Malaki mag tip yan._Baklang Manager ni Marah.Limang libo ang fee ko pero dalawang libo kaagad para sa manager.Sya kasi ang contact ng mga VIP na kakilala nya.
Mabuti na lang at maaga akong nakauwi.Bukod sa tip ko na tatlong libo mula kay senador kanina,meron pa din akong 3k sa talent fee ko sa gabing yun.Kung ganito ng ganito palagi,mas mabilis akong makakaipon para sa pagpapa transplant ni nanay.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomantizmAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...