54.JOYCE

1K 39 0
                                    

Araw araw pa din akong pumapasok sa boutique ni Madam Sydney kahit na mag asawa na kami ni Terry.Hindi pa naman ako pinagbawalan ng asawa kong magtrabaho pa din dahil alam nyang mas mababagot ako na nasa bahay lang.Araw araw akong hatid sundo ni Uncle Molly sa sasakyan lalo pat araw araw din akong bumibisita kina Nanay sa bahay namin.

"Naku Joyce,Hiyang ka sa pag aasawa.Pumuti ka at tumaba ng kaunti.
Sabagay,masarap ang pagkain duon at saka aircon.Kamusta naman yung byenan mo,hindi kaba naman minamaltrato ha?_Ate Zeny.Mas pinalaki at mas maayos na ang bahay namin kumpara nuon.Magkasama na din sila nanay at ate Zeny sa bahay kaya hindi ako masyadong nag aalala.

"Bihira naman kaming magkasama sama duon Ate,Palaging nasa trabaho sina Mommy at Daddy.Kapag uwian naman sa gabi,kaming dalawa lang ni Terry ang magkasabay.Sa dami ba naman kasi ng pagkain sa restaurant nila,pag uwi nung mag asawa,nakakain na._AKO.Isa yun sa napansin ko sa mansyon,Masyadong tahimik at halos di na sila nagkakausap usap.

"Ay ganun ba,Kaya pala ang saya saya ni Terry kapag sabay sabay tayong kumakain anoh?Kasi sa kanila pala,hindi nya nakakasabay sa pagkain ang parents nya.Ang lungkot siguro ng childhood nun._Ate Zeny.Kaya pala mas gusto nyang nag i stay nuon sa condo ni TOP,dahil para din namang wala syang kasama sa mansyon nila.

"Ate joyce,Ang sabi ni mama sobrang laki daw ng bahay nina Boss Terry.
Totoo ba?Hindi ka naman nalilito kapag papasok ka sa room nyo?Sabi ni mama,labing lima daw ang kwarto nyo duon eh._Paula.Panganay ni ate Zeny.

"Hahahahha.Medyo.Masyado ngang malaki kaya mahirap maglibot libot.
Tapos kapag aakyat ka sa hagdan,hihingalin ka pagpanhik mo sa sobrang taas ng stairs.Kaya nga di ako masyadong naglalalakad sa bahay,sa kwarto lang ako madalas mag stay._AKO.Si Terry daw ang magsusundo sa akin ngayon kaya nauna ng umalis si Uncle Molly pagkasundo sa akin sa boutique.

"Anak,Hindi kaba pinagbabawalan ng mga byenana mo sa pagta trabaho?
Alam mo na,Baka ayaw nila na may masasabi ang mga tao sa kanila na bakit sa boutique ka lang nagta trabaho._Nanay.Alam kong yun nga din ang inaalala ni Nanay,Minsan kasi naisip ko din yun kaya lang hindi pa naman ako kinakausap ni Mommy Gina tungkol duon.

"Nanay,Wag nyo na pong alalahanin yun.Sa tingin ko naman,okey lang sa mommy at daddy ni Terry na nagta trabaho ako.Kung sakali mang hindi,Sana matagal na akong kinausap ng mommy nya._AKO.

"Sa palagay ko,Nahihiya yang mother in law mo na ipakilala kang manugang.Diba sabi mo,never ka pang isinama at ipinakilala sa family gathering ng mga Guillermo at saka ng Dela Cerna mula pa ng ikasal kayo ni Terry?Ibig sabihin,Hindi ka welcome sa mayamang pamilya nila._Ate Zeny.

"Manong magtigil ka nga dyan Zenaida!Ano ba namang ikinakahiya.Hindi naman siguro ganun ang pamilya nila.Nagkataon lang na busy lahat dahil sa mga negosyo ang mga iyun kaya hindi pa nagkakatipon tipon.Ikaw talaga,Masyadong advance mag isip._Nanay.

"Hahahahha.Nagbibiro lang naman ako Nay.Sympre naman,sa ganda at bait nitong si Joyce,Hindi sila mapapahiya.Tama ka naman dun,Malamang busy nga silang lahat sa mga negosyo kaya walang time ipakilala si Joyce sa kanila.Pero teka nga at maiba ako,Totoo bang kabilang ang pamilya ni TERRY sa iilang Bilyonaryo dito sa bansa ha Joyce,As in ganun sila kayaman talaga?_Ate Zeny.Nasa 20th spot sila bilang BILYONARYONG pamilya dito sa Pilipinas sa forbes magazine.Sa ikalabing lima naman ang pamilya nina TOP at nasa TOP 10 naman ang pamilya nina GD.

"Grabeh naman yun.Ang hirap siguro bilangin ng pera nila Ate Terry dahil bilyonaryo sila.Imagine,Hindi basta Milyonaryo lang kundi Billionaire ha.Ang swerte naman ng magiging anak nyo ate Joyce,Siguradong sa kanya lahat mapupunta ang mga kayamanan ng mga GUILLERMO balang araw._Paula.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka ako napatingin kay Nanay na masayang nakikipagbiruan kina ate Zeny.Masaya si Nanay sa nangyayari sa buhay namin.Alam nyang hindi ako nagkamali sa taong makakasama ko sa katauhan ni TERRY.

"Hello Everyone.Hello Nanay and Hello sa pinaka maganda kong asawa._ Terry.Magiliw ang pagbati nya sa aming lahat pagpasok pa lang sa bahay.
Kasunod nya si Kuya Pol na halatang kadarating din lang galing sa trabaho

"Naku,Andyan na pala ang mga Bossing natin.Hello din Terry,At talagang sabay pa kayo ng kuya Pol mo ha._Ate Zeny.

"Oo nga ate,Nagkita lang kami dyan sa tapat ng gate nyo.Ipapasok ko sana yung kotse kaya lang naunahan ako ni Kuya Pol.Okey na din kasi aalis din naman kami mamaya maya._Terry.Kaagad syang humalik sa akin paglapit nya.May mga pasalubong syang dala para sa lahat at mga prutas para kay nanay.

"Talaga namang nakipag unahan kapa sa pag park sa garahe ng kotse mong bulok ano?Naku,baka magasgasan yung kotse duon ni Terry dapat sya na lang muna ang pinag park mo.Ikaw talaga oh!_Ate Zeny.

"Ayos lang yun ate,Nauna namang dumating si Kuya Pol kaysa sa akin eh.Okey lang naman kung sakaling magasgasan yung sasakyan ko para mapalitan ko na.hahahhaa._Terry.

"Ay ganun ba,Tara sweetheart gasgasan na natin yung kotse nya para mapalitan at baka sakaling ibigay sa atin.hahahahha.Biro lang Terry ha.
_Ate Zeny.

"Halika ng maghapunan at gagabihin na yung mag asawa pag uwi.
Naku,kayo ngang dalawa ay wag ng masyadong araw araw na pumasyal dito.Napakalayo ng bahay nyo dito aba.Imbis na nakaka pahinga na kayo ngayon,naaabala pa kayo ng husto._Nanay.

"Nay Okey lang po yun.Alam nyo naman itong asawa ko,hindi yan mapapakali ng di kayo nakikita araw araw.Mas mahirap namang may katabi akong hindi makatulog at pabiling biling sa higaan kapag di kayo napapasyalan sa isang araw.hahahaha._Terry.Saka sya tumingin sa akin.
May mga times kasi na hindi ako nakakadaan dito lalo na kapag coding yung kotseng ginagamit sa paghatid sundo sa akin.Ayoko namang gumamit ng ibang sasakyan dahil alam kong malakas yun sa gas at saka puro mamahalin.

"Naku Anak,Hindi mo kailangang mag alala ng husto.Bukod sa magaling na ako,May nurse akong kasa kasama dito araw araw.Andito din ang ate mo.Ang asawa mo ang asikasuhin mo,pagod yan sa pagta trabaho at kailangan mo syang pagsilbihan._Nanay.

"Opo Nay,Hindi ko lang naman po matiis na di kayo pasyalan araw araw.
Pero gaya nga po ng sabi nyo,Medyo time consuming din ang pagbyahe mula dito hanggang sa mansyon.Minsan nauuna pang dumating si Terry sa akin kapag inabutan ako ng traffic._AKO.

"Sanayin mo din ang sarili mo na unahin ang asawa mo.Iba na kasi ngayon dahil may asawa kana.Kahit nga isang beses isang linggo lang ang pagbisita nyo ay ayos na sa akin.Kung magka problema naman,Alam nyo naman yang ate Zeny nyo ay nakatawag kaagad sa inyo hindi ba,Kaya wag nyo na akong masyadong alalahanin._Nanay.Niyakap ko na lang sya at saka hinalikan sa pisngi.Pasasaan ba at masasanay din akong hindi na nga pala kami magkasama ni nanay sa bahay at may sarili na din akong buhay.

Matapos ang kaunting kwentuhan at biruan,Nagpaalam na din kami ni Terry na uuwi na.Nasa dalawang oras din kasi ang byahe mula dito hanggang sa mansyon kaya baka gabihin na kami ng husto kapag nagtagal pa.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon