7.JOYCE

1.3K 52 0
                                    





Nakausap ko ang doctor na tumingin kay nanay at sinabi nya nga sa akin ang kabuuang halaga ng nagastos para lang sa isang araw na pag stay at pagpapagamot kay nanay sa GGH.

"Ano kamo Joyce,umabot sa kulang kulang trenta mil ang halaga ng isang araw nyo dun sa hospital na pinagdalahan kamo sa nanay mo?Aba'y kalaki naman nun._Dess.Naikwento ko kasi ang nangyaring pagsugod kay nanay kahapon sa hospital.

"Pero sabi naman ni Terry sagot daw yun ng sponsor na nilapitan nya hindi ba?_Sally.
Wala namang sponsorship na kaagad agad babayaran ang doctors fee at hospiral bill na hindi na muna kinakausap o bina background check ang pamilya ng pasyente.

"Alam nyo nakakabilib din yang si Terry anoh?Para talaga syang anghel na hulog ng langit sa inyo Joyce.Imaginin mo nga,may libreng gamot na, may pa sponsorship pa.Bihira na ang ganung klase ng tao ngayon._Dess.
Totoo naman yun,napakalaking tulong ni Terry sa amin.Kaya nga mas kailangan ko ng dumistansya sa kanya,hangga't hindi pa kami tuluyang nababaon sa utang na loob sa kanya.

"Sadya lang daw talagang matulungin si Terry sabi ni GD kahit nuon pa.
Kahit nga daw ang parents nya madalas syang pagalitan dahil sa pagtulong tulong nya.Madami din daw talagang charity institution na sinasalihan si Terry kaya madali para sa kanya ang lumapit sa kung kani kanino_Sally.Naalala ko yung itsura ni Terry kahapon ng huli kaming mag usap.Yung mukha ng anghel na parang naputulan ng pakpak.
Malungkot.Kahit naman ako nalulungkot din pero kailangan eh.

"Speaking of GD nga pala guys,Si Top pala hindi na dito sa CK mall maaassign.Sa Cavite na daw sya mag i stay.Mabuti naman,para wala ng mangungulit sa akin kapag may gala tayong magkakaibigan._Dess.
Ewan ko lang kung magkakaron pa ng part two yung pamamasyal namin gayung pinalayo ko na din si Terry sa akin.

"Aysus,Kunwari kapa dyan!If i know crush mo yung si TOP kaya kapag pinag uusapan yung pagkikiss nyo sa bar,todo ang pamumula ng mukha mo.Sasabihin mong walang malisya pero pulang pula ka naman.hahaha._Sally. Kapag yun kasi ang topic,obvious ang pamumula ni Dess gaya ngayon.

"Ano ba,crush ka dyan! Guy nga kasi ang crush ko noh! Saka consistent si Kelvin sa panliligaw kaya may posiblidad na sagutin ko na sya later on._Dess.Masyado syang defensive kapag si Top ang pinag uusapan.


Mabuti na lang at nakalabas na ulit si nanay sa hospital kaya sa bahay na ako kaagad dumiretso.Pero naaalala ko yung sinabi sa akin ng doctor sa GGH na mas mabuti daw na kaagad mapa operahan si nanay para umayos na ang kundisyon nya at hindi na lumala.Kapag daw kasi pinatagal pa, palagi lang din kaming pabalik balik sa hospital para lang pansamantalang malapatan sya ng lunas sa sakit na nararamdaman nya.

"Ano kamo Joyce,Limang milyon ang halaga ng kabuuang magagastos ng nanay kung sakaling mapaoperahan sya?Sang kamay naman ng Dyos tayo kukuha ng ganung kalaking halaga?_Ate Zeny.Palihim ko syang kinausap sa kusina habang masayang nakikipag kwentuhan si nanay sa mga anak ni ate Zen sa kwarto.

"Ate,hinaan mo naman yang boses mo baka madinig ka ng nanay eh.
Kaya nga sinasabi ko sayo,para naman kahit papaano gumaan gaan itong dibdib ko.Sa totoo lang,gustong gusto ko ng gumaling si nanay pero papaano at saan naman ako makakahanap ng ganung kalaking halaga?_AKO.Naikwento ko na iyun kina Sally at Dess.Ganun ako katiwala sa kanilang dalawa at ganun din naman sila ka open sa akin pag dating sa pamilya namin.

"Bakit di mo subukang lumapit dun sa asawa ng tatay mo?Hindi ba ang sabi sa atin nung malayong kamag anak nya,may iniwan sayo ang tatay mo bago pa man sya namatay,baka property o di kaya naman malaking halaga yun,malaking maitutulong yun sa nanay._Ate Zen.May nakapagsabi kasi nuon sa amin na may mana nga daw akong naiwan ni tatay pero kwento lang naman iyun at mahirap paniwalaan.At saka kung sa asawa lang din naman nya ako lalapit,hindi bale na lang.

"Hindi naman tayo sigurado duon ate,sabi sabi lang.At isa pa,alam mo naman kung gaano kainit ang dugo sa akin ng asawa ni tatay,siguradong hindi lang masasakit na salita ang aabutin ko kapag nakita ako nun.Baka kaladkarin pa ako at ipakain sa aso nila.

"Haaaaisssst!Papano na si nanay nyan.Mas lalo lang syang nahihirapan sa pabalik balik nya ng hospital.Tapos kung ano ano pang itinutusok sa kanya.Alam mo ba,nakikita ko si nanay na naglalakas lakasan lang pero kapag mag isa sya,nakikita ko yung lihim na pag iyak nya._Ate Zen.
Minsan ko na ding nakita si nanay sa ganung kalagayan,kaya ramdam ko na nahihirapan sya talaga.

"Wag kang mag alala ate,Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera para maipa opera na ang nanay.Pati kayo ng mga anak at asawa mo hindi na din mahihirapan.Alam ko naman na kahit kayo ng asawa mo,malaki ang sinasakripisyo para sa pag aasikaso at pag aalalaga kay nanay dito sa bahay.Salamat ate Zen ha,Kundi dahil sa inyo hindi ko na din siguro alam kung makakaya ko pang makapagtrabaho._AKO.Napakahirap din kapag wala kang kamag anak na matatakbuhan.Bukod sa iisang anak lang ako, Wala ding kapatid si nanay,kaya kaming dalawa lang ang palaging magkaramay.Pasalamat na lang ako at may Ate Zen pa kaming natitirang kamag anak na masasandalan.

"Sana nga Joyce,Sana nga magkaroon ng himala at may dumating sa ating magandang biyaya._Ate Zen.Saglit kaming napahinto sa pag uusap ng may kumakatok sa pintuan.Agad namang lumabas mula sa kusina si Ate Zen at sumunod ako.

"Aba Terry,Ikaw pala yan.Tuloy ka.Pasok kana muna.Wag mo ng iwan yang sapatos mo sa labas._Ate Zen.Saka ko nakita si Terry na kasunod ni ate papasok sa loob ng bahay.Bakit ba biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko pagkadinig ko pa lang sa pangalan nya.

"Magandang gabi ate Zen,Pasensya na sa abala.Kauuwi ko lang kasi galing sa trabaho kaya ngayon lang ako nakadating._Terry.Nagkasalubong kami ng tingin at saka sya ngumiti sa akin.Naka polo sya na pink na nakatupi hanggang sa braso nya,naka braces pa din na nakangiti sa akin at saka black skinny pants at sapatos.

"Naku,nakakahiya naman at kagagaling mo lang sa maghapong pagta trabaho ay dito mo muna naisipang tumuloy.Sana kapag RD mo na lang saka ka dumalaw para nakakapag pahinga ka.
Joyce,ikaw na muna ang bahala kay Terry at aayusin ko na muna itong mga dala nya at ng makakain na tayo._Ate Zen.Inayos nya yung mga dalang prutas at mga pagkain na pasalubong na dala ni Terry.

"Hello...Joyce.Nabalitaan ko kasi na nakalabas na daw si nanay Joy sa hospital kaya naisipan kong dalawin sya at kamustahin.Sorry kung nakaabala yata ako sa pamamahinga nyo._Terry.Gaya ng dati,Limitado ang mga salita nya kapag ako ang kaharap nya.Parang takot na takot na may masabi syang mali at magalit na naman ako sa kanya.

"Salamat sa pagdalaw.Hindi ka na dapat nag abala pa.Malayo ang bahay namin sa pinapasukan at sa bahay mo,imbis na nagpapahinga kana lalo ka pang naaabala sa ginagawa mo._AKO.As much as possible,Ayokong maramdaman nyang open ako sa pagpapatuloy dito sa kanya.Ayokong masanay sa presensya nya kahit sobra sobra kong nagpapasalamat sa lahat ng effort at pagtulong nya.

"Pasensya na,Gusto ko lang naman kasing malaman ang kalagayan ni nanay Joy.Wag kang mag alala,hindi naman ako araw araw na mang iistorbo sa inyo.Alam ko din na ayaw na ayaw mong nagdadala ako dito ng pasalubong,Kay TOP galing ang mga iyan,pasensya na daw at hindi sila makadalaw ni GD dahil busy sa trabaho._Terry.Galing nga sa Happybee ang mga dala nya.Dalawang bucketmeal ng chickenjoy,spaghetti,burger at fries na may kasama pang mga inumin.
Nadatnan naming dalawa na nakaupo na sa mesa sila nanay at ang mga bata na masayang masaya sa pasalubong ni Terry.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon