37.TERRY.

1.2K 59 0
                                    




Ngayong gabi ang skedyul ng transplant ng nanay ni Joyce kaya naman maaga akong nagpaalam sa team na uuwi na.Plano ko din kasing dumaan sa jewelry shop na suki namin nina Top at GD.Meron kasi akong gustong ipagawa.

"Good evening Miss Guillermo.Have a seat po muna habang inaantay natin ang boss ko.Gusto daw po nya kasi kayong makausap din ng personal.Nalaman nya kasi na ngayong araw kayo pupunta._Lovely.
Sya yung branch manager nitong shop na suki naming magkakaibigan.

"Ganun ba,Well Wala namang kaso sa akin if gusto nya akong makausap.
Im willing to wait,lalo na at pwede naman siguro akong makahingi ng discount sa mismong owner pala.hahahah_AKO.Kahit alam naman nilang nagbibiro ako,bigdeal pa din sa akin ang 10% na discount na ibibigay nila.

"Hahahhaha.Si Ma'm talaga.Sigurado po yun,magbibigay yun sa inyo ng discount.Kayo paba.Kayo ata ang isa sa pinaka importanteng tao na nagtitiwala at tumatangkilik sa shop namin.Kaya po sobra ang pasasalamat namin sa inyo._Lovely.May edad ng bahagya si Lovely at may asawat anak na din.Minsan na din syang na link kay TOP nuong wala pa syang asawa.

"Good evening Miss Guillermo.Im Laura Florencio.The owner of this shop.
Pasensya na kung medyo natagalan ako,at pinag antay kita ng matagal...
Alam mo na,medyo matagal mag ayos ang mga babae._Laura.Sabay nguso sa kasunod nyang babae na pulang pula ang nguso sa kulay pulang lipstick nya.Napangiti ako at saka nakipagkamay sa kanilang dalawa.Kundi ako nagkakamali,magka relasyon silang dalawa ni Girl.

"Ohhhhh my God!Katarina Guillermo right?_Si lipstick girl.Na kaagad akong bineso kaya nagulat ako ng bahagya.

"Hahahhaha.Pasensya kana dyan sa wife ko.Sobrang idol ka kasi nyan.
Hindi mo na ba sya matandaan?_Laura.Medyo naka kunot ang nuo ko dahil wala akong idea na kilala pala ako ng kaharap ko.

"Direk,Ako ito.Si BELINDA.Yung nag audition nuon sa commercial mong cosmetic na SMACK 'N LICK.Nakuha mo naman ako pero isa lang dun sa taga sayaw sa likod nung teen star na si Liza Soberano._Belinda.

"Ohhh Im sorry.Hindi ko na yun maalala.Glad to meet you again.Teka, hindi kaba naman isa sa mga napagsungitan at nasigaw sigawan ko nuon?_AKO.Baka kasi kaya gusto akong makilala dahil gustong maghiganti

"Hahahhaa.Kung alam mo lang kung gano nya pinaghandaan ang pagkikita nyo today Miss Guillermo.Sobrang idol ka kasi nyan,At wala syang bukambibig kundi ang kabaitan mo daw sa kanila nuon._Laura.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa magandang feedback na nadinig ko.

"Ganun ba,naku mabuti nalang at hindi naman pala negative ang balita tungkol sa akin.Anyways,May maipaglilingkod ba ako sa inyo?_AKO.
Gusto ko na din kasing makauwi na para makapag ready dahil sasamahan ko sa hospital si Joyce habang nag aantay sa nanay nya.

"Ayun nga direk,Kaya gusto ka naming makausap ng personal dahil ikaw sana ang gusto naming kuning mag direk sa gagawin naming commercial ad nitong shop ko.Alam mo na,gusto din kasi naming lumaki pang lalo ang saklaw nitong business namin at makilala ng husto hindi lang ng mayayamang gaya nyo kundi yung mga karaniwang tao._Laura.
Maganda naman ang layunin kaya parang gusto ko din gawin ang project.

"Naku,Isang malaking karangalan yan para sa akin Boss.Kung magtitiwala kayo at gusto nyong kunin ang serbisyo ko,well pwede ko naman kayong mapagbigyan.Kaya lang depende sa skedule ko kung kelan.Basta malalaman nyo yan sa mga sususnod na araw._AKO.

"Salamat Direktor.Siguradong malaki ang maitutulong ng ad na yun sa negosyo naming mag asawa.Sya nga pala,Ang sabi ni Love,gusto mo daw magpa gawa ng isang special na singsing?Wag kang mag alala direk, gagawin naming special ang ipagagawa mo at madali mo syang makukuha kaagad dahil uunahin namin yung ipagawa._Belinda.

"Naku salamat naman.Actually,nakapili na ko ng design and gusto ko din sanang palagyan ng name at date yung ring kung pwde?_AKO.Diamond ring kasi sya kaya hindi ako sure kung kaya syang alagyan ng name.

"Kung yun po ang gusto nyo,gagawan po natin ng paraan.Pakibigay na lang po ang name at saka date sa secretary ko direk._Laura.
Actually,enggagement ring pa lang yung pinagagawa ko at hindi pa wedding ring.After kong ibigay ang name at date at saka kaunting chikahan pa ay nagpaalam na din ako na aalis na.

Nadatnan ko si Joyce na kausap ang nanay nya at si ate zeny sa room. Nakangiti si Nanay Joy sa akin pagpasok ko pa lang at saka ako tumngin kay Joyce na bakas sa mukha ang kaba pero hindi nagpapahalata sa nanay nya.

"Hello po Nanay,Kamusta po ang pakiramdam nyo?Ayos lang po ba?_AKO

"Abay ayos naman.Kinakabahan pero kakayanin.Naku mabuti at andito ka para may kasama itong dalawa.Mas kinakabahan pa sila kaysa aking ooperahan eh.Ikaw na ang bahala sa kanila,lalo na dito kay JOYCE._nanay Joy.Natutuwa ako sa kanya dahil malakas ang loob nya at nakikita mo sa kanya na gusto pa din nya talagang gumaling.

"Nanay talaga.Kami pa ang aalalahanin mo.Ikaw ang magpakatatag.
Basta ipagdadasal ka namin.Lakasan mo lang ang loob mo.Madami pa tayong mga taong pagsasamahan.Saka iintayin mo pang mag debut yung magiging anak ni Joyce hindi ba?Kaya lakasan mo yang loob mo._Ate Zeny

"Naku,Matagal pa magkaka apo dyan kay Joyce.Napaka pihikan eh.Baka maunahan pa yang mag asawa ng panganay mo._Nanay Joy.

"Hahahaha.Dyos ko naman Nay.Bata pa ang panganay ko noh,wag na muna.Magkaka apo ka din dyan kay Joyce nay,Malapit na yan Im sure.
_Ate Zeny saka sya napatingin sa akin.Namula naman ako ng bahagya.

"Nay,Wag po kayong mag alala.Basta magpalakas lang po kayo at magpagaling.Promise ko sa inyo,Mabibigyan ko kayo ng mga apo na kasing ganda ganda ko.Unahin nyo na muna magpagaling para pwede nyo silang makarga at maalagaan._Joyce.

"Ayan ha,promise mo yan Joyce.Matagal na kayang dream ni nanay yan.
Kita mo na nay,sabi na sa inyo eh may balak mag asawa yang Joyce akala nyo lang magiging oldmaid._Ate Zeny.

"Hahahahha.Oldmaid talaga?Naku,Asan na ba yang doctor at ng mapa transplant na ko.Excited na ko mag alaga ng mga magagandang apo eh.
_Nanay Joy.
Tawa kami ng tawa lahat sa mga biro ni nanay Joy.Masaya akong makita na okey na okey silang lahat lalong lalo na si Joyce na nakikita ko sa mga mata ang pag asa at kapanatagan.

Magkahawak kami ng kamay ni Joyce habang hinahatid sa OR si Nanay Joy.Kaming dalawa din ang nakabantay sa labas ng OR habang si Ate Zen na muna ang nahiga sa kama ni Nanay sa room habang nasa OR sya.

Sa mga sandaling yun,wala kaming imikan ni Joyce habang nag aantay.
Pero mahigpit ang hawak nya sa kamay ko at paminsan minsang pagsandal sandal nya sa balikat ko ay sapat na.Makalipas ang may apat na oras na pag aantay saka lumabas ang doctor sa OR.

"Successful ang transplant na isinagawa namin sa nanay mo,Kaya wag na kayong mag alala.Pansamantala muna syang mananatili sa recovery room para ma obserbahan._Doctor.

Agad namang napayakap sa akin si Joyce pagkadinig nya sa balita.Tuwang tuwa syang umiiyak na nakayakap sa akin at saka panay ang pasasalamat.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon