24.TERRY

1.1K 49 0
                                    

Ilang araw na akong nagbabaka sakali na papasyalan ako dito sa opisina ni Joyce pero hindi yun nangyari.Pinabago ko pa naman ang interior design ng penthouse ko para mas magmukhang maluwang sya at maaliwalas.Naalala ko kasi minsan na naikwento ni Joyce sa akin na ang gusto nyang bahay ay yung presko at maliwanag tignan.Kaya naman pina palitan ko ng salamin ang wall ng kwarto ko.

"Bakit naman kasi hindi mo na lang puntahan sa kanila para hindi ka napapraning ng ganyan?_GD.Magka facetime kami habang nasa Hawaii sya ngayon.

"Sinabihan na nga ako,Wag na daw akong pupunta sa kanila.Alangan namang pagpilitan ko pa ang sarili ko dun,hindi naman ako manhid noh.
_AKO.

"Sa work mo puntahan.Imposible namang pagbawalan ka pa nya dun eh ang laki laki ng mall,hindi ka nya dun pwedeng itaboy papalabas._GD.

"Ginawa ko na yun pero hindi ako pinapansin.Tapos kapag lalapitan ko na bigla na lang tatakbo papalayo sa akin.Alam mo yung feeling na para akong may sakit na nakakahawa na ayaw nyang madait manlang kahit dulo ng buhok nya.haaaaissst!_AKO.

"Akala ko ba okey na kayo?Hindi ba sabi mo grabe ang selos nung magkasama kayo with YURI pero hindi lang pinahahalata?Ano nang  nagyari dun?_GD.

"Yun na nga din ang pinagtataka ko eh.Andun na kami sa point na malapit na kami sa isat isa eh tapos isang araw na lang wala na naman.
Alam mo yung pakiramdam ng andun kana sa itaas tapos bigla kang mahuhulog.Ang masaklap pa neto,walang sasalo sayo._AKO.

"Bakit kasi di mo pa diretsahin si Joyce.Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo sa kanya,tapos tanungin mo kung may pag asa kaba o wala ba talaga,Ganun ka simple._GD.

"As if naman sasagot yun.Baka kapag nagpilit ako,lalong hindi na ko nun kausapin.Maiba nga pala ako,kamusta na ba yung ipinunta mo dyan,Napag isipan mo na ba?_AKO.Matagal na kaming magkaibigan ni GD at alam kong mabigat din ang pinag dadaanan nya ngayon.Hindi madaling magdesisyon at mamili sa kung anong dapat gawin,pero kailangan mong iprioritize kung ano ang mas makakabuti sa nakararami.

"Hindi pa sa ngayon,Kailangan ko pang timbangin kung ano nga ba ang mas mahalaga,Kung ang kasalukuyan ba o ang hinaharap.Hindi ka pwedeng basta maging masaya lang tapos meron ka ding nasasaktan at the same time.haaaaissst.Minsan,mahirap din talaga kapag anak ka ng mayaman.Hindi pwedeng sarili mo lang ang inaalala mo._GD.Bakas sa mukha nya ang lungkot,At gaya ko din syang naiipit sa taong mahal nya at sa gusto ng mga magulang.

"Alam mo,mas maswerte ka nga eh dahil tanggap ka ng parents mo kung ano ka.Gusto lang nila na magka anak ka.Pero sa case ko iba din.Ang gusto nila magka asawa at pamilya ako.Hindi nila ako tanggap as me brad,At masakit sa part ko na hindi ko kayang ipagsigawan sa lahat kung sino talaga ang gusto ko dahil alam kong mapapahamak at magugulo ko lang ang buhay nya._AKO.

"Kaunting tiis lang Terry,Pasasaan ba at magbabago din ng isip yang si Tita Gina.Nag iisa ka nilang anak,at natural lang na tanggapin nila ang totoong ikaw at hindi yung gusto lang nilang mangyari para sayo.
Basta magtiwala ka lang.Darating din yung time na mangyayari yang pinapangarap mo._GD. Sana nga ay magkatotoo ang sinasabi nya.
Sana nga ay matanggap din nina mom and dad si Joyce balang araw.

Gym ang naisipan kong pagbalingan ng sama ng loob.Kung nuon ay tamad na tamad akong magpunta sa mga ganitong lugar,minabuti kong dito na lang idaan ang lahat ng sakit at pangungulila kay Joyce.

"Hello yaya Luding,Kamusta? Namimiss na kita ah...Bakit bigla kang napatawag,may problema ba?_AKO.Mula ng umalis sa poder namin si yaya,hindi na kami nakapag kumustahan pa uli.Kaya naman natuwa akong bigla sa pagtawag nya.

"Naku,Ikaw na bata ka.Kung di pa ako nakapanuod dun sa video mo,hindi mo man lang ako maalalang kamustahin.Tapos sasabihin mong miss mo ako?_Yaya Luding.Actually,namiss ko talaga sya kaya lang since na focus ang isip ko kay Joyce wala na akong time para kamustahin sya masyado.

"Yaya...Masyado lang akong naging busy this past few months,pero sympre hindi kita nakakalimutan.Wag ka ng magtampo.Im going to visit you soon okey?_Matagal ko na din talagang balak bumisita sa kanya nuon pa pero wala pa lang definite na free time since nagkasunod sunod nga ang mga nangyari sa buhay ko.

"Kamusta naman ang mommy at daddy mo,Hindi ba sila na shock nung nalaman nila na tomboy ka?_YayaLuding

"Yaya,Dont tel me na alam mong lesbian ako?_AKO.

"Abay OO naman!Ako ang nagpalaki sayo halos kaya kilalang kilala kita.
Alam ko din na front mo lang nuon yung pakikipag date sa mga lalaki pero ni isa wala lang gusto sa kanila.Matanong ko lang,Yun bang babaeng kahalikan mo ang girlfriend mo anak?_Yaya.

"Seriously Yaya,Alam mo na nuon pa na lesbian ako?Papano? Palagi mo akong sinusukalayan,at binibihisan ng bestida.Tapos kapag naka make up ako at naka sexy outfit,tuwang tuwa ka at puring puri ako._AKO.As in mas nauna pang nalaman ni yaya na lesbian ako kesa sa sarili ko?

"Alam ko naman na kaya ka lang nagpapaka babae dahil ayaw mong madissapoint ang parents mo sayo.Pero nuon pa man,ramdam ko ng hindi ka totoong masaya sa ginagawa mo.Natuwa nga ako ng mapanuod ko ang video mo,Atlis unti unti,nailalabas mo na ang totoong ikaw._Yaya.Parang gusto kong umiyak sa mga oras na ito habang yakap si yaya.Gusto kong yakapin sya at sabihing salamat at naiintindihan nya ako.

"Yaya...Alam mo bang gustong gusto kitang yakapin ngayon.Gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin.Kay sarap isipin na kahit na nuon pa man,May isang tao na palang tanggap ang buong pagkatao ko.
Thanks Yaya,Kahit papaano lumalakas ang loob ko dahil alam kong mayroong isang tao na nakakaintindi sa akin._AKO.

"Walang masama sa pagiging tomboy anak,Hindi kasalanan at hindi sakit ang magmahal sa kapwa mo babae.Sadyang may  mga taong lang talagang  makikitid na utak lang at mapanghusga sa kapwa.Yung babaeng humalik sayo,Hindi sya ang girlfriend mo hindi ba?_Yaya.

"Papano mo naman nasabi na di ko girlfriend yun?Ikaw na nga ang nagsabi diba,kalat na kalat na sa lahat na girlfriend ko sya._AKO.

"Hindi ako naniniwala na sya ang girlfriend mo.Kilala kita at alam ko din kapag gusto mo ang isang babae.Base sa napanuod ko,hindi mo alam na hahalikan ka nya pero hindi ka lang nagpahalata dahil ayaw mo syang mapahiya.At isa pa,malayo sya sa tipo mo._Yaya Luding

"Wow naman yaya,Nakaka amaze naman.As in kilalang kilala mo nga talaga ako.Wala talaga akong masabi.Bigla tuloy parang gusto kong bisitahin ka soon dyan sa Ilocos.Basta aayusin ko lang ang sked ko at papasyalan kita kaagad dyan yaya,promise._AKO.

"Aasahan ko yan.Ikamusta mo din nga pala ako sa Mommy at daddy mo ha anak.Sya,masyado ng mahaba itong usapan natin.Mainit na itong tainga ko aba,Mag iingat ka anak.bye._Yaya Luding

Since masyado din namang magulo ang isip ko ngayon.Kailangan ko na muna ding mag relax.Masyadong stressful dito ngayon sa Manila kaya mas maige yata kung umalis na muna ako ng ilang araw



PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon