26.JOYCE

1.2K 51 0
                                    

After i open ni Madam CK ang tungkol sa pag uusap namin ni Madam Gina,Hindi na ako tinantanan ng kakatanong ni Dess habang papalabas kami ng opisina ng Chairman.

"Joyce,Totoo bang ilang beses kang kinonpronta ng Mommy ni Terry?
Pero bakit di mo sa amin yung kinikwento?Anong sinabi nya sayo?_Dess.

"Alam ba ni Terry na kinausap ka ng Mommy nya?_Sally.Alam ko namang darating din yung time na malalaman nila ang lahat,kaya wala akong choice kundi ipaalam ang totoo.

"Walang alam si Terry na kinakausap ako ng Mommy nya.Hindi nya na dapat pang malaman yun.Ayoko ng madagdagan pa ang mga  problema nya._AKO.Makakadagdag lang ako sa problema nilang mag ina kapag nalaman ni Terry na kinakausap ako ng mommy nya.Mabuti na yung sarilinin ko na lang ang lahat.

"Pero hindi ka dapat maltratuhin ng nanay nya,Wala ka namang ginagawang masama.Ang kwento ni Madam CK,galit na galit daw sayo si Madam Gina.Kasalanan na ba ngayon ang magustuhan ka ng anak nya?_Dess.Kasalanan nga,dahil napaka precious ng anak nya at nag iisa lang kaya gusto nyang maging maganda ang kinabukasan.

"Joyce,Ayos ka lang ba?Alam ko,mahirap yang pinagdadaanan mo ngayon.
Iba kaysa sa pinagdadaanan naming dalawa ni GD.Kung gusto mong umiyak,andito lang kami ni Dess para maging tagapakinig mo._Sally.
Alam kong may problema din sila pero masaya akong may mga kaibigan akong handang dumamay sa akin kagaya nya.

"Ayos lang naman ako.Wala namang dapat maging problema.Sanay na akong makarinig ng mga masasakit na salita.Hindi na ako basta basta matitinag ng mga salita lang.Ang mahalaga sa akin,gumaling ang nanay ko._AKO.

"Hindi ko akalain na ganun kamaldita yung nanay ni Terry.Kung ganu si Terry ka ANGHEL,sya namang kabaliktaran ng nanay nya.Im sure,kung ano anong masasakit na salita ang pinagsasabi nya kahit wala naman syang batayan!_Dess.

"Hayaan na lang natin.Pasasaan ba at magiging payapa din ang lahat.
Mas okey na dun yun para may dahilan akong lalo na di tumanggap ng tulong galing kay Terry._AKO.

"Haissssst!Wag ka ngang indenial dyan.Im sure isa yun sa dahilan kaya pilit mong iniiwasan at nilalayuan si Terry kahit gusto mo din naman sya diba?Now I know.Hindi sa hindi mo sya gusto kaya mo sya pinalalayo sayo kundi dahil ayaw mong mag away silang lalo ng nanay nya!_Dess.Kung pwede nga lang mahalin ang kagaya ni Terry,pero hindi maaari.Alam ko namang hindi ako ang nakatakda para sa kanya.

"Dess talaga,wag mo na ngang pilitin si Joyce kung ayaw nyang magsalita.
Ikaw na lang ang maging masaya sa lovelife mo at wag mo na kaming idamay._Sally.

"Asus,Nagsalita ang isa pang indenial!If i know miss na miss mo na si GD.
Akala mo ba papayagan ka ni madam CK na umalis basta basta ng CK mall?Gustong gusto kang manugang ni Madam kaya hinding hindi ka nun pakakawalan._Dess.

"Loka!Bakit naman pati ako nadamay?Si Joyce ang topic diba?
Palibhasa,shopping buddy ka ng nanay ni TOP kaya easy lang sayo ang lahat._Sally.

"Well,ipagpalagay na nating bet din ako ng nanay ni Top talaga.Pero ang tanong...Si TOP ba bet ako?Alam ko namang hindi nya ko talaga mahal, maswerte kayong dalawa at mahal na mahal kayo ng mga taong mahal nyo din.Kaya hindi nyo ako kailangang kaingitan.Mas mahalaga na mahal ka din ng taong mahal mo kaysa sa nakapaligid lang sa kanila.Although malaking factor din ang parents,pero KAYONG DALAWA MISMO muna ANG DAPAT MAUNANG MAGMAHALAN bago MAHALIN at tanggapin din kayo ng mga MAHAL nila sa buhay._Dess.

"Haaaissst.Mahal ka naman ni TOP hindi lang sya showy for sure.
Saka alam mo naman ang image nun diba,palaging para lang naglalaro.
Chill lang kumbaga.Kahit di naman nya sabihin at aminin sayo,Nakikita namin na mahalaga ka din sa kanya._AKO.

"Well,Parang ikaw lang kay TERRY ganun ba? Mahal pero ayaw ipakita at sabihin.Gusto pero takot masaktan.Diba parang UNFAIR naman yun sa amin na nagmamahal sa inyo?Kayo,pero parang hindi.Nag aalala pero hindi pinahahalagahan.Ganun ba yun ha Joyce?_Dess.Saka sya tuluyang pinangilidan ng luha.Ayokong magsalita,kasi baka hindi ko din mapigilang maiyak at tuluyan na akong mapa amin sa damdamin ko.

Mabuti pang wag na lang nyang malaman ang damdamin ko para maging maayos ang lahat.Kahit na ano pang mangyari,Hinding hindi magiging kami.Ayokong habambuhay na dalhin ng kunsensya ko na dahil sa akin kaya nagkagulo ang pamilya nina Terry.Mas mamatamisin ko pang ako na lang ang masaktan,wag lang ang pamilya ng taong mahal ko.

"Basta Joyce,Kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang kami.
Kapag inaway ka ulit ng madrasta mo at ng anak nya,sabihan mo lang kami at reresbakan namin.Saka yung mommy ni Terry,kapag pinatawag ka wag mo ng kausapin para di kana lang masaktan sa mga sinasabi nyang wala namang katotohanan._Dess.

"Tama si Dess,Joyce...Andito lang kami palagi sa likod  mo para back apan ka.Basta kung ano at ano pa man ang mangyari,nakahanda kaming tumulong.Syanga pala,eto yung mga napagtulong tulungan pag ambagan namin nina Dess at mula sa mga kapwa nating empleado sa CK mall,pati mga guard at nasa cleaning dept nag bigay din kaya malaki laki din yan._Sally.May sobre syang iniabot sa akin.Hindi ko alam na pati mga kasama namin sa work,gusto akong tulungan para gumaling si nanay.

"Salamat.Malaking tulong ito pandagdag sa iniipon ko.Pakisabi din sa mga kasamahan natin na maraming salamat sa mga tulong nila.Syanga pala,Nag apply din ako ng part time pang gabi kahit mga apat na oras lang,malaki laki din ang kikitain ko kaya susubukan ko._Ako.Inalok ako ni Marah ng sideline sa isang VIP event,medyo malaki din ang kikitain kaya sinunggaban ko na.

"Ano namang trabaho yan Joyce,baka naman binibenta mo na pati kaluluwa mo nyan.Umayos ka._Dess.

"Loko ka talaga Dess,As if naman papasukan ni Joyce ang ganung klase ng work noh.Alam mo namang sa ating tatlo,yan ang pinaka matalino.Im sure related sa pagiging call center agent ang inapplyan nyan,tama ba Joyce?_Sally.

"Actually,Para nga syang related sa sinasabi ni Dess.Ang kaibahan lang, puro mayayamang tao ang involve.Iiskortan mo kasi sila sa casino or sa bar habang nag uubos sila ng mga pera nila.Tapos per hour ka nilang babayaran.Sayang din naman,pangdagdag ipon din.Kapag sinuwerte at nagustuhan ako ng ini eskortan ko,ako na palagi ang tatawagan._AKO.

"Seryoso kaba dyan Joyce?Baka mapahamak ka.Hindi biro ang maging escort sa mga VIP's.Madalas,kapag natipuhan nila yung girl nagbabayad sila ng malaking halaga para ma hook ang taong yun._Dess.May idea sya sa ganung kalakaran since ang kapitbahay nyang si Miyata ay nag Escort din before bago naging entertainer sa Japan.

"Buhay na ng nanay ko ang nakasalalay dito.Wala akong choice kundi gawin ang mga bagay na alam kong makakatulong para madugtungan ang buhay ng nanay ko.Kahit pa siguro ibenta ko pa ang kaluluwa ko,gagawin ko._AKO.Natahimik na nagkatinginan na lang silang dalawa.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon