Engage na kaming dalawa ni Terry.Wala ng dahilan para itago pa namin kina nanay at ate Zeny ang relasyon naming dalawa.Napagkasunduan naming ipaalam na sa kanila ang namamagitan sa amin.Nasa bahay na si nanay at nagpapalakas.At napagkasunduan namin ni Terry na magtapat na ngayon gabi.
"Aba,Napakadami naman yata nating putaheng nakahain ngayon?Ano bang meron ha Joyce?_Ate Zeny.Pati si kuya Paul at ang tatlong bata kasi ay sinabihan ko na dito na maghapunan kasabay namin.
"Wala naman.Gusto ko lang na magkasabay sabay tayo sa pagkain.Pasasalamat na din sa tuloy tuloy na pag galing ni Nanay._AKO.
Saka naman dumating na si Terry na halatang kinakabahan pagpasok pa lang sa pintuan.Nagmano muna sya kay Nanay at saka sya lumapit sa akin"Nanay,Ate Zeny,Kuya Pol...Si Terry nga po pala,Fiance ko po._AKO.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni Terry sa kamay ko."Fiance?Ibig sabihin nun,malapit na kayong magpakasal ni Terry?
Talaga Joyce?Ohhhhh,Congrats sa inyong dalawa!_Ate Zeny.Agad syang yumakap sa akin at kay Terry.Pagkatapos ay kumamay din si kuya Pol sa kanya."Congratulations sa inyong dalawa.Masaya akong malaman na nagkasundo na kayong dalawa at malapit ng magpakasal.Madaragdagan na ang anak ko sa katauhan mo Terry._Nanay.Agad nyang niyakap si Terry at pagtapos ay ako naman ang niyakap nya.
"Nay,Hindi po ba kayo galit sa amin ni Terry?Hindi po ba kayo nag dadalawang isip sa sitwasyon namin?_AKO.
"Kung ang tinutukoy mong sitwasyon ay ang pagiging parehas nyong babae, walang kaso sa akin yun basta nagmamahalan kayo.Hindi ko hinahangad ang perpektong pamilya.Ang importante sa akin ay kung saan ka mas magiging masaya.Alam ko din na nasa mabuti kang kalagayan kapag si Terry ang iyong nakasama sa habambuhay._Nanay.Mahigpit ang naging pagyakap ko kay nanay.Masaya akong malaman na tanggap nya kami at wala syang ni katiting na pagtutol kahit pa parehas kaming babae ni Terry.
"Pero nay,papano na yan.Hindi ka na pala makakapag alaga ng mga apo kay Joyce?Ayos lang ba yun sayo?_Ate Zeny.Saka sya napatingin kay Terry
"Naku,Wala ng imposible ngayon.Lahat na pwedeng gawin basta may pera ka.May nabasa ako nuong procedure na ginagawa para mabuntis ang babae kahit walang lalaking asawa._Nanay.Natawa naman kami ni Terry sa kanya.IVF ang tinutukoy nyang procedure na sya namang napagkasunduan naming dalawa na gagawin after naming magpakasal.
"Ganun na nga po yun nanay,ate Zeny.IVF procedure po ang tawag duon.
Kami po ni Joyce ay nagpa plano din ng ganun after naming magpakasal.
Wag po kayong mag alala Nay,Kahit po ilang apo ang gusto nyong alagaan ibibigay po namin sa inyo ni Joyce._Terry.Nawala na ang kaba ni Terry kaya nakakapagbiro na sya kina nanay."Naku,Alam kong mahal ang ganung procedure.Mas mahal pa kaysa dito sa kidney ko.Kahit isang apo lang,masaya na ako.Ang mahalaga,masaya at maayos ang pagsasama nyo.Papaano nga pala ang mga magulang mo Terry,Payag naman ba sila na si Joyce ang makatuluyan mo?_Nanay.
"Dont worry po Nanay,Ako na po ang bahalang makipag usap sa kanila ng Daddy ko.Aaminin ko po na hindi ganun kadali at alam kong magkakaroon ng kaunting problema pero alam ko pong eventually matatanggap din nila si Joyce bilang manugang._Terry.Parang bigla akong kinabahan.Alam kong hindi ako basta basta matatanggap ng nanay ni Terry at alam ko din na posibleng magkaroon ng problema sa mga darating na mga araw.
"Kung saka sakali naman,hindi naman kayo titira sa kanila hindi ba?Kahit pa magalit sya,kung gusto naman ng anak nila si Joyce abay wala silang magagawa.Saka tignan mo naman itong kapatid ko,Panalong panalo naman talaga kapag sya ang nakatuluyan mo,tama ba Terry?_Ate Zeny.
"Ate Zen talaga!Wag ganun.Masyado kang bias porke kapatid moko._AKO.
Tawa naman ng tawa si Nanay sa amin."Oo naman ate Zeny.Tama ka naman dun.Sobrang swerte ko talaga at napasagot ko itong dyosa sa tabi ko.Sa totoo lang,hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon eh.hahahaha._Terry.Saka ko sya kunwaring kinurot sa tagiliran nya.
"Loko ka talaga Terry ha.Masyado ng OA yang litanya mo.Dyosa ka dyan.
Ikaw kaya ang dyosa.Anino mo nga lang ako noh!_AKO.Kasi nga bukod sa napaka ganda ni Terry na mukhang artista,mayaman at mabait pa.Kaya mas maswerte ako sa kanya."Hahahahha.Kasi nga maitim kaya anino.Grabeh ka Joyce!Ang ganda mo namang anino.Basta,pupusta ako kapag hindi ka tinaggap ng magiging biyanan mo,para syang nagtampo sa bigas.Sya ang nawalan._Ate Zen.Nagkatinginan lang kami ni Terry at saka tipid na ngumiti sa isat isa.
Matapos ang masayang hapunan at kwentuhan.Nagpaalam na din si nanay na matutulog na.Sina ate Zeny din at ang pamilya nya ay nagpaalam na ding baba na kaya kami na lang ni Terry ang naiwan sa sala
"Terry,Papano nga pala ang mommy mo?Ayaw na ayaw pa naman sa akin nun kahit dati pa.Papano na ang gagawin natin?_AKO.
Magkatabi kami sa upuan habang magkayakap.Mula ng maging engage kaming dalawa ni Terry,palagi na kaming magkadikit kapag magkasama.
Nawala bigla yung ilang at hiya at naging kampante kami kaagad sa isat isa."Dont worry about Mom,Ako ng bahala dun.Basta kapag nakapag sabi na ako sa kanila saka kita yayayain sa bahay.Sa ngayon,relax ka na lang muna at wag mag isip ng negatibo okey?_Terry.Tumango naman ako sa kanya.
"Ikaw ang bahala.Basta ako,Maghihintay lang ako sa go signal mo.Habang hindi pa tayo kasal,magpo focus na muna ako sa trabaho.Para kapag kasal na tayo,Sa inyo na lang ako ng anak natin naka focus._AKO.Nakapag decide na ako na hindi na maghahanap buhay kapag nag asawa na.
Gusto kong maging full time wife at mommy na lang para mapagsilbihan ko ng husto ang pamilya ko."Really?Hindi ka na magwowork pagkasal na tayo?Thats good news!
Inalala ko pa naman na baka magalit ka kapag sinabi kong wag ka ng magtrabaho pagka kasal natin.Sa totoo lang,gusto ko talaga yung asawa na nasa bahay lang.Ayoko nung kagaya ni Mom na palaging nasa negosyo kaya yaya lang ang nag aasikaso sa akin kapag uuwi ako galing sa eskwela.
_Terry.Yun nga din ang nasa isip ko.Alam kong mas masaya si Terry kapag uuwi sya ng bahay na may nag aantay na asawa sa kanya.Ganun ko sya naiimagine bilang pareho kaming solo lang na anak at nasa trabaho madalas ang nanay.Malungkot talaga kapag uuwi kang wala kang madadatnang makakausap man lamang."Sympre naman.Ikaw na ang priority ko at ang magiging anak natin kapag nagpakasal na tayo.Saka alam ko din naman na hindi papayag ang mommy mo na makita at malaman ng mga kakilala nya na saleslady lang ang manugang nya.Im sure kakausapin din ako nun na sa bahay na lang mag stay._Ako.
"Hahahahha.May point ka dun.Pero what if,sabihin ni Mom na tulungan mo sya sa Terrys,papayag ka ba?_Terry.
"As if may choice ako para tumanggi?Pero baka hindi naman ako payagan nun,pwede pa siguro akong tumulong sa pagmamanage ng building mo.
Malabong mangyari na payagan ako ng mommy mo na makalapit sa kanya.May allergy kaya sa akin yun._AKO.Natawa nalang kami pareho sa biro ko.Biro na may halong katotohanan.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...