Tito Lito,Tita Liza and Tito Lester are my dads siblings.Silang apat including my dad,ang syang share holder ng GGH at nanghahati hati sa kita ng hospital.20% share each ang natatanggap nila buwan buwan,habang ang natitirang 20% naman ang para sa iba pang board members na naghahati hati.
"Kuya naman,Ang dami dami mo ng branch ng Terry's at lahat naman yun malakas ang kita mo...Ipaubaya mo na sa amin ang GGH._Tito Lester.Sya ang pinaka bunso sa kanila.May mga business din sya nuon pero palaging nalulugi kaya ganun na lang ang interes nya sa kinikita ng hospital.
"At bakit ko naman bibitawan ang GGH aber?Kasalanan ko ba na magaling ang asawa ko sa pagmamanage ng negosyo kaya matagumpay ang negosyo namin?Hindi naman tama na alisan ako ng karapatan sa Hospital._Daddy.Andito kami ngayon sa annual board meeting ng GGH ung saan kasama din kaming mga anak bilang mga myembro ng board.
"Hindi ka naman totally tatanggalin sa board kuya,Babawasan lang ang shares mo.Si Lester lang naman ang may gusto na totally alisan ka ng shares,pero overall naman,kasali kapa din sa isa sa may ari._Tita Liza.
Bukod sa share holder sya ng hospital,Isa din syang surgeon dito."Well since magkakaiba kayo ng gustong mangyari,Bakit hindi natin idaan sa tamang proseso?Magbotohan tayo sa pabor at di pabor na bawasan ang shares na natatanggap ni Leon sa GGH.Alam ko naman na di lingid sa inyong lahat na si Leon ang pinaka mayaman sa ating magkakapatid,Pero hindi naman nangangahulugan yun na dapat na syang pagkaitan sa benipisyong pinamana sa ating ng ating mga magulang._Tito Lito.Sya ang panganay,Isa ding doctor.ENT doctor na hiwalay sa asawa at madaming anak sa ibat ibang babae.
"Bago kayo magsimula sa botohan,Meron lang akong nais idagdag.Bilang asawa ni Leon,Siguro naman may karapatan din akong magsalita.
Ipapapaalala ko lang sa lahat,Hindi kasalanan ng asawa ko kung bakit kami mayaman at mas pinagpala sa inyong magkakapatid.Dugo at pawis ang puhunan namin para marating ang kung nasaan man kami ngayon.
Gusto ko lang din ipaalala sa inyo,Hindi lamang pera ang ipinaglalaban namin dito kundi ang karapatan bilang isa sa mga tagapagmana ng magulang nyo._Mommy."Ate Gina,Alam naman namin yun.Gaya nga ng sabi ko,Hindi naman kayo mawawalan ng karapatan,Ang sinasabi lang namin kung pupwedeng bawasan.Alam mo naman na hindi kalakihan ang kita ng mga doctor,Kaya nakikiusap lang sana kami ng dagdag na shares._Tita Liza.Doctor din ang asawa nya dito sa GGH pero mula sa mahirap na pamilya lang.
"Kung tutuusin naman,Barya lang sa inyo yung share na nakukuha nyo dito sa hospital diba.Nagtataka nga ako bakit pinapatulan nyo pa.Sa laki ng kinikita ng negosyo nyo,dapat di na kayo nakikisali pa sa hatian ng hospital!_Tito Lester.May asawat mga anak din si Tito Lester pero meron din syang kinakasamang iba,bukod pa sa wala naman syang ibang inaasahan kundi ang share nya lang dahil nga wala daw syang swerte sa negosyo.Isa din syang doctor pero nawalan ng lisensya ng minsang masangkot sa kaso ng abortion.Kabit ng kaibigan nya ang biktima,pero namatay habang sinasagawa ang procedure kaya mula nuon hindi na sya muli pang nakabalik sa pag gagamot.
"May point naman si Lester dun.Sabagay nga naman,maliit na porsyento lang naman talaga ang 20% na share na nakukuha mo sa GGH Leon. Hindi mo ba naman ba naiisip na mas kailangan naming tatlo ng pera kaysa sayo?Tutal naman,May mga sariling negosyo din ang anak mo kaya hindi nya naman din siguro hahangarin pang makihati sa mga pinsan nya pagdating ng araw hindi ba?_Tito Lito.Sa akin sila lahat nakatingin.So iyun naman pala ang punto,Para sa mga anak nila ang pinaglalaban nila.
"Hahahahha.At sa tingin nyo ganun ganun na lang yun porke ba kami ang mas nakaka angat sa buhay?Natural din na isipin namin ang future ng anak namin kaya hindi naman kami papayag na basta basta na lang i give up ang GGH sa inyo at sa mga anak nyo.Dapat parehas ang laban!_Mommy
"That's enough!Para lang sa pera mag aaway away tayong lahat?Ano bang klase kayong kapamilya.Hindi naman dahil lang sa share kaya tayo nandito,kundi para magkita kita at magkasama sama din.Alam nyo bang excited ako palagi kapag dumarating ang annual board meeting natin?Kasi makakasama at makikita ko kayo.Tapos ngayon,dahil lang sa share mag kakagulo gulo tayo?Yan ba ang gusto nyong ipamana sa mga anak nyo,Na mag away away din sila dahil sa MANA?_Daddy.Lahat kami shocked sa sinabi ng daddy.Bihirang pagkakataon na nagagalit sya liban lang kapag sobra na talaga ang galit na nadarama nya tulad ngayon.
Heart surgeon si Dad pero since nag asawa na kaagad sya pagka graduate sa med school,hindi na sya nakapag practice pa at naging negosyante na lang."Daddy,Kalma lang.Ayusin natin toh.Tito Lito,Tita Liza and Tito Lester...
Tama si Dad,Wag namang ganito.Andito kaming mga anak nyo.Gusto nyo bang matanim sa mga isip at puso namin na mag away away din balang araw sa pamanang maiiwan nyo sa amin kung sakali?Pwede naman nating pag usapan na walang halong galit at inggitan.Hindi nyo kailangang magsigawan._AKO.Since sa aming magpipinsan,ako ang pinaka panganay dahil unang nag asawa si Dad sa kanilang magkakapatid.
Ang sumunod naman ay si Miguelito(23) na anak na panganay ni Tito Lito.Nurse sya dito sa hospital.Meron pa syang tatlong anak sa ibat ibang babae na halos magkakasing edad din,Si Manuelito(22) Melanie(21) at si Mercy(20).Andun din ang mga anak ni Tita Liza na sina Erin(19) at Eric(18).Nasa college na silang dalawa at gaya ng mga magulang nila,premed din ang papasukan nila sa college.
While Tito Lester has 5 boys and only one girl.Lahat sila nasa high school to senior high naman.Madaming umaasa sa share nila sa hospital dahil sa mga anak nilang mga nagsisipag aral pa.Kung ako lang ang masusunod, hindi na ko makikihati pa sa kanila para wala ng problema.Pero hindi iyun ang gusto ng Mommy.Para sa kanya,dapat lang na may parte ako sa yaman ng mga GUILLERMO at ayaw nyang pumayag na di ako kasama sa hatian ng kayamanan.
Malayo sa pamilya nina mommy na solid ang hatiian ng bawat myembro ng pamilya.Palibhasa kasi,Puro mayayaman din ang mga napangasawa ng mga tita at tito ko duon na lahat sa ibang bansa na nakatira.Merong nasa UK,AUSTRALIA AT AMERICA kaya never naging problema sa kanila ang hatian sa pera.
Saka ko narealize kung bakit ganun na lang ang ka importante ang legalidad ng pagiging tagapagmana.Balang araw,Ang magiging anak ko naman ang magmamana ng lahat ng ari ariang pinaghirapan at ipinaglaban ng mga magulang ko para sa akin.Kaya naman ngayon pa lang iniisip ko ng i secure ang mga assets at mga kayamang meron ako para sa kapakananan ng magiging anak ko.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...