33.TERRY

1K 51 0
                                    

Kung hindi ko talaga pwedeng maawat si Joyce sa pinapasukan nya,Ako na mismo ang gagawa ng paraan para mabantayan sya at masiguro ang kaligtasan nya.Inalam ko buhat sa manager nya kung anong araw at anong oras sya pumapasok pati na din kung sino ang high profile na naka duty para i eskort nya.Ngayong gabi,Anak daw ng mayor ng Cabanatuan ang naka assign sa kanya.

"Good evening Sir,Im Joyce and Im your assistant for tonight._Joyce.
Dinig kong bati nya mula sa pagsalubong nya sa pinto ng kotse nung binata.Base sa pagkaka alam ko sa background nung guy,may pagka mayabang daw ito sa lugar nila at madalas na mapa trobol dahil mahilig sa sugal at party.

"Hello Joyce,Nice to meet you.Im Harold and Im single.hahahhaa.Just kidding.Well,Sana ay maging maganda ang gabing ito para sa atin at swertehin ako para mabigyan kita ng mas malaking tip,okey ba sayo yun?_Harold.Mukha naman syang mabait at mapagbiro kaya hindi ako masyadong nag alala.Isa pa,natimbrehan ko na din naman ang manager nya na wag syang pauwiin ng gabing gabi.

"Sana nga ho Sir swertihin kayo.Dun na po tayo Sir para makapag simula na kayo kaagad._Joyce.Ilang dipa lang ang layo ko sa kanila at saka ako muling sumunod kung saan sila pupunta.At dahil may access ako sa lugar na ito,hindi naman ako nahirapang makapasok sa loob ng room.

Nagulat si Joyce ng makita nya akong pumasok sa loob kasunod nila at umupo sa harapan ng inaassist nya.Dumating din si Ninong at isa pang guy na anak naman daw ng Congressman ng Quezon City.

"Goodluck sa ating lahat.Sigurado naman ako na bawat isa sa atin ay gustong gustong manalo kaya naman hindi ko na ito patatagalin._Ninong Emil.May assistant din silang kasama maliban sa akin.Nagsimula ng mag init ang laban.Kanya kanya kami ng strategy sa baraha pero mas naka focus ako sa pagtingin kay Joyce na kahit ramdam ko ang pagkailang sa akin ay mahusay pa ding nag aalalay sa inaassist nya.Mula sa pagkuha ng drinks,pag abot ng pera at saka sa manaka nakang pagbulong bulong sa kanya ni Harold,parang gusto ko na syang hilahin papalayo sa lugar na yun.

"Mukhang minamalas ako ngayong gabi ah,hahahahha.Maswerte talaga yang si Miss Joyce kapag nag aassist.Palaging nananalo ang bata nya.
Sa susunod kasi inaanak,si Joyce ang kunin mong mag assist sayo para swertihin ka din._Ninong Emil.Nagpapanalo kasi yung Harold.Sa totoo lang,wala naman talaga akong masyadong alam sa baraha kaya paniguradong talo talaga ako.

"Oo nga Ninong eh.Malas ako tonight.Baka pwede ko namang mahiram yung swerte mo boss Harold baka sakaling bwenasin din ako.hahahha._AKO.Napalingon naman si Harold kay Joyce at saka ngumiti sa akin.

"Oo naman,Walang kaso sa akin.Actually,meron talaga akong inaantay na kasama.Pasensya na Miss Joyce ha,Kay Direk Terry kana muna para swertihin naman sya._Harold.Eksakto namang dumating na yung girl na hinanda talaga ng manager nya para sa kanya.

"Ayan,lahat na tayo may kanya kanyang lucky charm ha.Siguro naman wala ng magiging dahilan para matalo pa kayo nyan.hahahahha._Kit.Sya yung anak ng Congresman.Medyo magaling din sya sa sugal kaya ganado din syang maglaro.

"Sorry guys,surrender na ko talaga.Wala talaga akong swerte sa baraha.
Anyways,Mauuna na din kami nitong lucky charm ko sa inyo ha.
Pasensya na,Meron namang papalit sa akin eh.See you next time na lang.
_AKO.Kumamay ako sa kanilang lahat at saka ako nagpaalam ng aalis.Hinawakan ko sa kamay si Joyce at saka kami lumabas ng room na magkasama.

"Teka nga lang Terry,Bakit kaba nandito ha?Alam kong sinasadya mo talagang sumali sa game nila kahit wala ka naman talagang alam sa pagsusugal eh.Bakit mo ba ko sinundan pa dito?_Joyce.Agad nyang kinalas ang kamay nya sa pagkakahawak ko at saka nya ako hinarap.

"Joyce let me explain,Totoong sinadya kong puntahan ka dito dahil hindi talaga ako mapakali na hindi ka bantayan.Sana naman maintindihan mo ko._AKO.

"At bakit naman kailangan kitang intindihin?Unang una,hindi kita pinapunta dito para bantayan ako at guluhin ang trabaho ko.Pangalawa, pwede ba Terry,Pabayaan mo na lang ako.Para hindi pati yang buhay mo nagugulo ng dahil sa akin._Joyce.

"Hindi ka pampagulo sa buhay ko Joyce,Hindi totoo yan.Inaamin ko,mali na panghimasukan ko ang ginagawa mo at gusto mong gawin sa buhay pero hindi ko kayang magsawalang kibo lang Joyce.Hindi ko kayang pabayaan ka lang sa ginagawa mo._AKO.

"Kaya na nga ba ayokong malaman mo pa sana kung ano ang ginagawa ko eh.Alam kong magkakaganito.Pero Terry,buhay ko ito.Ayokong maging pasanin mo ako o kahit pa ang pamilya ko kaya sana hayaan mo lang ako sa ginagawa ko.Hanggat maaari,iwasan mo na munang lapitan ako at kausapin para maging ayos na kayo ng mommy mo._Joyce.

"What do you mean iwasan ka at wag ng lapitan?Dont tell me,nagkausap na kayo ng mommy?Anong sinabi nya sayo?Sinaktan kaba nya?
Joyce,Kaya ba bigla mo na lang akong iniwasan nuo  dahil kinausap ka ng mommy na layuan ako?_AKO.Saka ko lang ngayon naisip ang dahilan kung bakit bigla na lang nanlamig si Joyce sa akin.Kung kelan okey na kami sana.

"Terry please naman.Para sa ikakapanatag ng lahat,Pabayaan mo na lang kasi ako.Mag ayos na kayo ng Mommy mo at pakinggan mo sya sa mga sinasabi nya.Walang hindi gagawin ang magulang na ikapapahamak ng anak nya.Kalimutan mo na lang ako,hindi ako ang tamang tao para sayo._ Joyce.Agad nyang binilisan ang paglalakad papalabas ng Hotel pero sinundan ko pa din sya.Wala akong pakialam kung ma headline ako ulit bukas basta hindi ko sya tatantanan hanggat di kami nagkakaliwanagan.

"Joyce mag usap tayo.Wag mo kong talimuran na lang.Madami tayong dapat pag usapan.Hindi ako titigil hanggat di ko nalalaman yang nasa puso mo.Wala akong pakialam sa mga tao basta hindi ako titigil hanggat di tayo nagkakausap at nagkakapaliwanagan ng husto ngayon._AKO.Agad syang tumawag ng taxi at saka kaming dalawa sumakay ng sabay sa loob.

"Mag uusap tayong dalawa pero pagtapos nito hindi mo na ko ulit lalapitan maliwanag?Manong,sa K&J Empire po tayo._Joyce.
Ilang saglit pa,nasa tapat na kami ng building at saka naunang bumaba si Joyce sa taxi.Nagbayad na muna kasi ako kay manong driver at kaagad ding sumunod sa kanya papasok ng building.

"Good evening boss!_Bati ng dalawang guard na nakaduty ngayon.
Nagmamadali naman ako sa pagpasok sa loob at saka ako sumunod kay Joyce sa pintuan ng elevator.Sya na din ang nagpindot ng pa 8th floor at tahimik kaming pumasok sa loob ng pad ko.

"May gusto ka bang inumin?Kape or juice?_Tanong ko.Saka ako dumiretso sa kitchen area habang nag aantay ng sagot nya.

"Beer.Gusto kong uminum ng beer._Joyce.Umupo sya sa malambot na sofa at saka parang pagod na sumandal ng nakapikit ang mga mata.Naawa akong lalo sa itsura nya.Mula sa maghapong pagbabantay sa mall at saka pag ta trabaho sa casino,talagang mabilis na bababa ang timbang nya. Idagdag pa ang pag aalala at pag aasikaso sa Nanay nyang may karamdaman.




PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon