Wala akong choice kundi umattend ng meeting para sa bago kong gagawing project.This time,hindi lang sya basta tv commercial kundi may kasama na ding mtv.Kinailangan ko pang makipag coordinate sa isang music label company para may idea naman ako sa gagawin ko.
"Ang theme ng commercial ay tungkol sa pagbabago ng isang dalagita mula ng makilala nya ang kpop idol na hinahangaan nya.Since uso ngayon ang mga korean sa mga kabataan,isang mtv ang gagawin natin._Marc. Isa sa staff ng production ko at myembro din sya ng isang banda kaya may idea sya sa music.
"Saka nga po pala Direk Terry,May nakuha na po kaming magandang location para dun sa gagawing MTV.Kung gusto nyo na pong magsimula anytime,nakahanda na po ang buong team._Denise.Sya ang head ng production at sya din ang nakikipag coordinate sa lahat ng mga dapat kausapin.
"Regarding naman po boss sa mga camera at mga props na gagamitin,wala na po kayong aalalahanin dahil napaghandaan na po naming lahat._Maverick.Assistant director ko.Kapag wala ako or may iba akong natanguang lakad,sya yung pumapalit sa akin para mag tuloy ng mga shooting na pinapaulit ko.
"Salamat.Salamat sa inyong lahat guys.Hindi ko magagawa lahat ng ito kundi dahil sa magagaling na staff gaya nyo.Sobrang swerte ko sa pagkakaroon ng kagaya nyo._AKO.Masarap sa pakiramdam yung darating ka na lang sa opisina mo na wala ka ng iba pang iisipin dahil naka ayos na ang lahat.
"Boss direk talaga.Mas maswerte kami sa pagkakaroon ng boss na kagaya mo.Kaya siguro ganito kami katakot na mapahiya sayo dahil sa sobrang galing mong makisama sa amin,ayaw naming makagawa ng pagkakamali.
Ayaw naming makadagdag pa sa problema mo boss._Janrei.Sya naman yung leader ng buong team na humahawak sa mga tao.Sa kanya din dumadaan ang pag screen sa mga palpak na trabaho,mga problema sa location or may mga reklamo sa tauhan at mga artista."Dahil dyan,Sa Terry's tayo maghahapunan after nitong meeting.
Pakitawagan nalang Marie(secretary)yung resto para makapag pa reserve ng mas maaga okey?_AKO.Saka kami muli nagpatuloy sa meeting.Madami kaming diniscuss at pinag usapan bilang paghahanda pero hindi pa din maalis sa isip ko ang napaka gandang umaga ko habang kasama ko si JOYCE sa pad kanina."Terry,Nasaan ka?_GD.Hindi ko sana sasagutin ang tawag nya pero dahil good mood ako maghapon,sinagot ko din sa wakas ang tawag nya.
"Im here at my office.Bakit may problema ba?Bakit parang maingay dyan sa background mo?_AKO.Hindi ko alam,pero bakit parang bigla akong kinabahan.
"Terry,Kung hindi ka busy pwede mo ba kaming puntahan dito sa Police station ngayon?_GD.Sinasabi ko na nga ba,parang may hindi ako magandang naramdaman.
"What happened,May problema ba?Si TOP ba kasama mo dyan?Bakit may nagsisigawan?_Ako.Baka napa trobol sila o di kaya naman mayroon silang nadisgrasya kaya agad nila akong tinawagan.
"Basta pumunta ka na lang dito sa station 6 ng Kamuning Terry.Hihintayin ka namin._GD.Magtatanong pa sana ako pero agad ng pinutol ni GD ang pagtawag.Hindi naman ako nagsayang pa ng oras at agad akong bumaba ng building matapos kong magpaalam sa buong staff na mauna na sila dun sa Terry's.
Medyo matraffic ngayon dahil rush hour.At isa pa,malayo ang Makati sa QC.Since wala akong sasakyan,naka taxi ako pero hindi umuusad ang mga sasakyan.Isang oras na mahigit ako nakarating sa sinabing station ni GD at nadatnan ko duon na nakaupo lang sina Sally at Dess habang nakikipag usap naman sa dalawang babae sina GD at TOP.
"Hindi nyo nga po kasi pwedeng basta ipakulong nalang yung tao hangga't wala pa yung abogado namin.Mrs. naman,wag nyo nga kaming dinadaan dyan sa maimpluwensyang taong sinasabi nyo._TOP.Kausap nya yung may edad na babae na hindi ko kilala at wala akong idea kung sino.
"TOP,GD..Whats happening here?Anong problema dito?_AKO.Saka naman bigla ding lumapit sa amin sina Sally at Dess ng makita nila ang pagdating ko.
"Terry,mabuti at dumating kana.Pinapupunta ko sana dito si Atty.Manalo pero may hearing pa sya kaya ang Atty. nalang nila TOP na si atty.Tupas ang inaantay naming darating ngayon._GD.Pinalapit ako ni TOP sa isa sa mga kulungan duon at nakita ko si JOYCE na nakaupo sa loob na nakayuko ang ulo.
"Joyce?What are you doing there?Ohhhhh my God..Anong nangyari?_AKO.
Saka ako biglang napahinga ng malalim.Parang alam ko na at kilala ko na kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.Napalingon ako sa dalawang babaeng kausap ng mga pulis ngayon."Terry!Bakit andito ka? Wag kang mag alala,ayos lang ako dito.Umuwi na kayo.Masyado ko na kayong naaabala lahat._Joyce.Yung itsura nyang halata mong takot na takot pero nilalakasan pa din ang loob at ayaw ipahalatang kailangan nya ng tulong.Agad akong lumapit sa mga pulis para kausapin.
"Sir,Bakit po nakakulong kaagad kahit wala pa namang abogado?Pwede bang palabasin nyo na muna sya para maipaliwanag nya yung side nya?_AKO.Pakiusap ko sa pulis na naka assign sa kanya.Nataranta ako bigla sa nakita kong itsura ni Joyce sa loob.
"Ang dapat sa babaeng yang mabulok sa kulungan.Ang kapal ng mukha nya,gusto pa akong bulagin!Hinding hindi ako makakapayag na makalabas yan sa kulungan.Kahit na ano pang gawin nyo at kahit sino pang abogado ang dalhin nyo,hindi ako magpapa areglo!_Babaeng may edad.Kundi ako ngakakamali,sya yung asawa ng tatay ni Joyce.
"Tama!Ang lakas ng loob nyang sugurin kami sa opisina ko tapos mag e-eskandalo sya duon.Ang dapat sa kanya mabulok sa kulungan.Palibhasa manang mana sa nanay nyang walang hiya!_Babaeng matanda lang siguro kay Joyce ng isa o dalawang taon.Malamang ito ang step sister nya.Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng pulis magsalita kaya nanahimik na lang ako.
"Misis,Pwede po bang tumahimik muna kayo.Basag na basag na ang mga tenga namin dito sa kakasigaw nyo.Inaantay lang natin ang mga abogado nyo para mas maganda ang pag uusap natin okey ho ba?_Pulis.Agad naman akong tumawag sa abogado ng pamilya namin pero sa kasamaang palad,out of the country sya ngayon.
"Sumusobra na kayo ah.Nakakulong na nga yung kaibigan namin,ang dami nyo pang sinasabi dyan.Kahit siguro santa,hindi pwedeng di sumagot sa inyo kung ganyan kasama ang lumalabas dyan sa bibig nyo eh!_Dess.Agad naman syang inilayo ni TOP para hindi na makadagdag pa sa gulo.Kapag kasi may mga salita pang di maganda,maaaring makadagdag iyun sa ikakaso para kay Joyce kaya wala kaming nagawa kundi mag antay sa abogado.
Matapos ang mahaba haba ding paliwanagan ng parehong abogado.
Nai settled ang kasong isinampa laban kay JOYCE ng mag ina at nauwi sa pagbabayad ng piyansa para makalaya sya. At later on ay nauwi din sa pagbawi ng mag ina sa demandang isinampa nila ng mag offer ako ng malaking halaga para hindi na nila gambalain pa si Joyce.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...