Nakapikit ako habang nakaupo sa malambot na upuan sa pad ni Terry.
Ikalawang punta ko pa lang dito pero bakit parang relax na relax ako.
Naiba ng kaunti ang ayos ng loob,dahil mas naging maaliwalas.
Nagkaroon na din ng division mula dito sa salas hanggang sa dinning area."Are you sure okey lang sayo ang beer?Baka lalo kang mahilo nyan?_Terry
Dahil nakapikit ako kaya siguro inakala nyang nahihilo ako.Pumikit lang ako dahil iniiwasan kong mapatitig sa mukha nya.Baka ipagkanulo na naman ako ng feelings ko at bigla na lang akong bumigay."Kung ayaw mo ng beer sige di bale na lang.Wag ka ng mag abala pa.
Mabuti pa mag usap na lang tayo kaagad para maka uwi na din ako._AKO.
Gusto ko uminum para lumakas ang loob ko na harapin at kausapin sya."Hindi.I mean akala ko lang kasi may masakit sayo dahil nakapikit ka kanina.Here's your beer,Kukuha lang ako ng pwedeng partner sa iniinum natin._Terry.Pinagbuksan nya ako ng isang beer in can at saka sya muling bumalik sa fridge para maghanap ng pwede daw mailuto.Nakita ko na inilabas nya sa fridge yung chicken na naka marinate na at agad nyang iprinito sa kawali.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.Ang akala ko kasi,basta mayayaman,puro deliver at may tagaluto kayo kaya wala kayong alam sa kusina._AKO.Dala dala ko yung beer na iniinum ko,at nilapitan ko sya habang nagluluto.
"Hindi naman lahat.Kahit si TOP marunong din magluto.Sa condo nya kasi wala din syang katulong kaya kapag gusto naming kumain,kami lang ang nagpapalitan sa pagluluto.Saka sa Terry's naman kapag bumibisita ko, nagpapaturo ako sa mga chef duon pano magluto ng basic lang._Terry.
Dun na kami umupo muna sa tabi ng dinning table na mas malapit sa lutuan.Magkaharap kaming dalawa habang panay ang inum ko sa beer na hawak ko."Alam mo bang iluto yung pinaputok na tilapia?Sweet and sour kaya?
Bihira ko ng matikman yung mga ganung klase ng ulam dahil hindi na nakakapag luto si nanay.Si Ate Zeny naman,puro basic din ang alam iluto.
_AKO.Nakaisang beer in can pa lang ako pero parang tinamaan na ko sa nainum ko dahil nagiging madaldal na ako."Hahahaha.Yun lang ba?Hayaan mo,sa susunod ipagluluto kita nun.
Ano pa bang ibang mga ulam ang gusto mo,lahat yun i mamaster kong lutuin para naman magkalaman ka._Terry.Tapos na nyang mai prito ang chicken na niluluto nya at saka kami bumalik dun sa sofa at saka magkaharap na umupo lang sa carpet.Sa maliit na lamiseta kami pumwesto.Inilagay nya duon ang manok,beer in can at saka adobong baboy na minicrowave nya."Talaga lang ha,As if naman mauulit pa itong pag uusap natin.Kaya nga tayo nandito diba,para maayos tayong makapagpaalamanan.Mas okey na yung wala na lang tayong ugnayan sa isat isa para wala ka ng masyadong iisipin pa._AKO.Nasa ikalawang lata na ako ng beer at sa totoo lang,hindi talaga ako sanay uminum ng alak.Kahit nga sa amoy lang,madali akong malasing.
"Bakit ba kasi pilit mo akong inilalayo sayo ha Joyce?Ano bang mali sa akin?Dahil ba kasi babae ako nung una mo kong makilala?Dahil ba ayaw mo sa akin dahil guy ang gusto mo?Dahil ba sa mayaman ang pamilya ko?
Paki explain naman sa akin baka sakaling maintindihan ko._Terry. Sanay sa beer si Terry kaya alam kong hindi pa sya lasing tulad ko."Hep hep!Bakit ba ang dami mo kaagad tanong?Hindi naman isyu dito kung babae ka.Wala ding mali sayo.Ang perfect mo nga para sa akin eh.
Kaya lang,gaya nga ng sabi mo...MAYAMAN ka,mahirap lang ako.Kaya hindi tayo bagay,at hindi tayo ang para sa isat isa_AKO.Pangatlong beer in can ko na ito,pero need ko pa ding uminum para lumakas pang lalo ang loob ko.Totoo palang kapag nakakainum ang tao,nagiging makapal ang mukha."Hey,Hinay hinay lang sa pag inum.Baka malasing ka ng sobra nyan.
Papano tayo makakapag usap ng maayos kung lasing kana.Tama na yang tatlong beer.Stop na._Terry.Inilayo nya na yung beer na may mga laman pa at nag iwan na lang ng isa para sa kanya at saka yung pang apat beer na iniinom ko."Hindi pa nga kasi ako lashhhheeeng.Ikaw talaga,palagi mo na lang akong inaalala.Kaya yang sarili mo napapabayaan mo na.Kaya nagagalit sa akin ang nanay mo ng bongga,kasi nga feeling nya inaagaw kita sa kanya.
Bakit ba kasi masyado kang nag aalala sa akin at sa pamilya ko ha?
Ganun mo ba ko kagusto talaga na kahit babae ka nuon,nagpaka lalaki ka dahil sa akin?Hahahahha.Hindi ako naniniwala nuon eh,Pero mommy mo na mismo ang nag confirm sa akin kaya naniwala ako._AKO.May mga bagay at mga emosyon akong kayang magawa ngayon dahil nakainum ako pero kaya kong kontrolin."Joyce listen.Totoong gusto kita.Gustong gusto...To the point na kahit pa ang sarili kong mga magulang handa kong talikuran para sayo.Pero alam kong hindi iyun ang gusto mong mangyari kaya hindi ko yun gagawin sa mga magulang ko.Ayoko din namang maging suwail na anak sa kanila.Pero kasabay ng pagbabalik loob ko sa pamilya ko,gusto ko ding maniwala at magtiwala ka.Magtiwala ka lang na later on matatanggap ka din nila na ikaw talaga ang mahal ko._Terry. May mumunting mga luha sa mga mata ni Terry habang sinasabi nya iyun sa akin.Agad kong pinunasan ng mga kamay ko ang mga luha sa mata nya at kaagad nya itong hinakawan.
"Terry,Im sorry kung nahihirapan ka ng ganito.Ayoko lang naman na magkaroon kayo ng problema ng parents mo ng dahil sa akin.Hindi na baleng ako na lang ang lumayo sayo,wag ka lang mapahamak.Higit kanino man,Ang mga magulang ang una nating dapat tanawan ng utang na loob dahil sila ang nagbigay sa atin ng buhay kaya dapat lang natin silang pakamahalin at pakinggan._AKO.Epekto ng alak,at halo halong emosyon agad din akong nakaiyak habang sinasabi ko yun.
"Alam kong mali ang ginagawa kong pagrerebelde sa parents ko,Alam ko din na mali ang sumawayin sila lalo na ang di pagsunod kay mommy pero God knows,Alam ng Dyos kung gaano ko pinigilan ang sarili kong wag mainlove sayo para sa ikatatahimik ng lahat,Pero papano ko tuturuan ang puso kong wag kang mahalin?Joyce,Maniwala ka sa akin.Gagawin ko lahat maging akin ka lang._Terry.Umiiyak akong napayakap sa kanya.Kahit alam kong hindi madali,Gusto ko pa ding maniwala na magiging maayos din ang lahat.
"Terry...Sana nga ganun lang kadali ang lahat.Sana nga pag gising natin bukas,wala ng sakit at kalungkutan.Sana bukas pagtapos ng gabing ito...
Magbabago na din ang kapalaran nating dalawa._AKO.Sa kauna unahang pagkakataon,naglapat ang aming mga labi.Dahan dahan akong napapikit at unti unti kong nararamdaman ang tamis ng una kong halik.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomantizmAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...