5.JOYCE.

1.7K 62 0
                                    




Maaga pa lang,dumating na si Ate Zeny para sya naman ang magbantay kay nanay.Kapag kasi nakapasok na ang kanyang tatlong anak na sina Paola,Zack at Zion na pawang mga nasa elementary pa lang pupwede na din syang magpunta kaagad dito para pumalit sa akin.May dala na din syang lutong pagkain para sa maghapon nyang pagbabantay.

"Ate Zen,Nabili ko na nga pala yung mga gamot na nasa reseta kagabi.
Napainum ko na din sya ng para sa umaga.Maliligo lang ako para makapasok na din._AKO.Dito na din kasi ako sa hospital naliligo diretso sa trabaho after.

"Sana naman maayos na nila yung CR nila dito.Ang dumi dumi naman kasi.Hindi marunong maglinis yung mga gumagamit._Ate Zeny.Ganun naman kasi talaga sa public hospital.Pero wala naman kaming magagawa.

Matapos kong maligo at magbihis,Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa ni nanay.Mamayang uwian na naman ulit kami magkikita kita.Ganito palagi ang senaryo kapag nasa hospital ang nanay,Pero kapag nasa bahay naman kami,hindi naman ganito ka hirap.

"Talaga Joyce,Binisita din ni Terry yung nanay mo sa hospital?Ang bait naman nya.Tinulungan ka na nga sa pagka hilo mo,dumalaw pa sa nanay mo._Dess.Sa paborito naming canteen na naman kami kumakain.Mura lang kasi dito ang pagkain,may libre pang sabaw.

"Kaya nga diba angelic face ang tawag natin sa kanya nuong una diba,mukha kasi syang anghel.Tapos in real life pala anghel din talaga sya.Terry pala ang name nya.Si TOP lang kasi ang alam natin yung name dahil sa name tag nya sa trabaho._Sally.

"Binilinan ko nga sya na wag ng magdadala ng kung ano ano kapag dadalaw sya,kasi ang dami ko ng atraso sa kanya,baka lalo akong mabaon sa utang na loob at sa pera na din kapag may pa happybee pa sya._AKO.

"WOW ha,may pahabilin pa si Mayora!At talagang umasa ka naman na mag babalik talaga yung tao?Ang layo kaya ng Alabang.Traffic pa dun.
Im sure sinabi nya lang yun para masingil ka.hahahha._Dess.

"Actually,hindi naman talaga ako nag i expect.Sinabi ko lang din yun just in case.Maiba nga pala ako Sally,Kamusta naman yung boarder nyong masipag,palagi pa din bang nakahiga?_Ako.Iniba ko nalang din ang kwento dahil ayoko na ding pag usapan muna si Terry.

"Ayun,okey na naman.Marunong ng magsaing.Pero sa pagwawalis at pagtitiklop ng mga damit,wala ka talagang maasahan.May isa lang akong gustong i confirm talaga,Naaalala nyo ba yung girl na di sinasadyang nakatapon sa akin ng drinks sa HappyBee,sya yung kasama ni Terry.
Parang sya din yung girl na nasa bahay ngayon._Sally.Saka ako biglang napaisip.Papanong mapupunta si GD sa bahay nila Sally?

"Talaga?As in yung kaibigan din ni TOP?Siya yung girl na nasa inyo, Papaanong nangyari yun?Baka naman kahawig lang diba naka sumbrero yun_Dess.

"Pwedeng baka nga kahawig lang naman.Puntahan kaya natin si TOP para ma confirm natin?Itanong natin yung pangalan baka pareho ng pangalan kay GD._AKO.

Nagkataon namang RD daw ngayon ni TOP kaya hindi na namin naitanong.
Sabay sabay kaming nag aabang ng jeep at nagkanya kanya ng sakay pauwi.Palagi akong nagmamadali sa pagsakay para hindi maunahan.
Sa tagal ko ba namang bumabyahe,Hindi na uubra sa akin yung pabebe kapag agawan ng jeep.Kahit wala ng poise,basta makasampa lang.

"Nakakatuwa ka namang kausap Terry.Pati si nanay tawang tawa sayo.
Mabuti naman at nakabalik ka ulit dito kahit malayo pala ang pinapasukan mo dito._Ate Zen.Naabutan ko silang nag uusap nila Nanay at ni TERRY...

"Naku anak,nariyan kana pala.Nakakatuwa talaga itong kaibigan mo.Nawawala ang sakit na nararamdaman ko kapag nagjo joke na sya.
Pati ang ate mo,tawang tawa._Nanay.Nagmano ako sa kanya at saka tumingin kay Terry.Bahagya naman akong ngumiti sa kanya.

"Hello Joyce,Its me again.Sabi ko naman sayo diba babalik ako. Don't worry wala akong dala,like you said._Terry.Saka ako napalingon kay ate Zen na agad itinago yung dala nyang supot na obvious namang pagkain.

"Hahahhaa.Ikaw talaga Terry.Ano bang walang dala ka dyan.Napakadami mo ngang dalang gamot.Para tuloy akong natakot na inumin lahat yan sa dami._Nanay.Saka ako napasulyap sa mga gamot na nasa mesa.Kung susumahin,Nasa pang isang buwan ng supply iyun ng gamot para kay nanay.

"Alam mo ba Joyce,Yan palang si Terry ay madaming kilalang doctor.
Dahil sa advertising nagta trabaho,madaming sponsor ng gamot syang kakilala.Kaya ayan,nakahingi sya ng free at ibinigay kay nanay.Malaking tulong na yan sa atin hindi ba?_Ate Zen.Saka sya nag ayos ayos na ng gamit nya para maghanda pauwi.

"That's right Joyce,Kaya dont worry hindi ko binili ang mga yan.Binigay lang din yan sa akin ng sponsor namin.Kahit sa hospital and sa doctor,may mga kakilala din po ako kaya pwede ko kayong matulungan._Terry.
Kay nanay at kay Ate Zen sya tumingin,Alam nya kasing magagalit na naman ako sa kanya.

"Naku,Maraming salamat Terry.Malaking tulong yan para sa amin.
Lalo na kay nanay.Syanga pala,kapag lumabas na ang nanay dito,pwede kang dumalaw din sa bahay.Ipagluluto kita ng masarap na putahe para naman makabawi kami kahit papano sa mga tulong mo._Ate Zen.

"Naku,Maraming salamat po.Aasahan ko po yang sinabi yong ipagluluto nyo ako ate ha.Alam nyo po kasi,puro fastfood at pizza lang ang kinakain ko dahil nga sa nature ng trabaho ko kaya bihira akong makatikim ng lutong bahay.
_Terry.Bigla naman akong naawa sa kanya.Kaya naman pala payat sya dahil hindi sya nakakakain ng lutong bahay at puro fastfood lang.

"Oo naman.Naku,Mauuna na ako sayo Terry ha.Dumating na naman si Joyce eh.Bukas na ulit ako papalit.Salamat dito sa mga pasalubong mo,Nagtira ako ng dalawang box para sa inyo Joyce.Kumain na kayo ni Terry._Ate Zen.Saka sya humalik kay nanay na nakatulog dahil sa kaiinum lang ng gamot pagkatapos kumain.

"Kumain na tayo at saka tayo mag usap tungkol sa mga dinala mo na naman._AKO.Saka ko inabot sa kanya yung box na sya din ang may dala.
Chickenspag at rice ang laman nung rice na sa Happybee nya binili at saka dalawang sprite.Yung tatlong box ay bitbit na ni ate Zen pauwi.

"Hindi pa din kasi ako kumakain bago pumunta dito kaya naisipan kong magdala nito.Sakto namang nandito pa si ate Zen kaya tamang tama yung binili ko._Terry.Natuwa naman ako na malakas syang kumain kahit na nasa hospital kami.Ang iba kasi lalo na kapag hindi sanay sa hospital,Hindi mo mapapakain dahil nandididiri.Hindi mo naman din sila masisisi dahil nag iingat lang din.

"Basta kumain ka lang ng kumain.Mamaya tayo mag uusap.Dun sa labas pagka hatid ko sayo mamaya sa sakayan._AKO.Saka ako nag concentrate na din sa pagkain.

"Wala nga pala akong dalang kotse.Nasa Cavite kasi si TOP ngayon dahil dun na sya iaasssign next week kaya sya ang gumagamit ng kotse nya._Terry.Ibig sabihin,nag commute lang sya papunta dito at saka babalik na naman pa Alabang mamaya.Hindi ko alam kung anong mararamdaman.Naiinis ako dahil andami na naman nyang itinulong sa amin ngayon dahil sa mga dala nya,pero at the same time sobrang na touch nya din ako sa ginagawa nyang effort.Hindi ko tuloy sya matarayan at masabihan.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon