Nangako ako sa sarili ko na kahit na anu pa man ang mangyari,hinding hindi na ako papa api at lalaban ako kahit na ano pa man ang mangyari.
Kaya naman ng basta na lang akong sampalin at biglang haltakin ni Mrs.Clemente,Agad ko syang tinabig papalayo sa akin.Tagpong naabutan ng anak nya kaya naman agad nya akong sinabunutan."Walang hiya kang babae ka.Ang lakas ng loob mong dumayo sa teretoryo ko para mang gulo! Ang kapal ng mukha mo! Kaya nagkasakit yang nanay mo dahil sa KARMA! Mang aagaw ng asawa!_Regina.Pagkadinig na pagkadinig ko sa sinabi nya,agad akong gumanti ng pagsabunot sa kanya pero mas lalo pa nila akong pinatulungang sabunutan.Agad kong inilabas ang spray mula sa bag ko para maka alpas ako sa kanila.
"Hindi ko mapapalampas ang mga masasakit na salita nyo laban sa nanay ko.Mga hayop kayo! Pati nanay kong may sakit dinadamay nyo sa kasamaan nyo.Hindi mang aagaw ang nanay ko,Alam nyong pareho na kahit kelan hindi kayo minahal ng tatay ko! At dahil hindi nyo maamin sa sarili nyo na kami ang pinili nya,gumawa kayo ng kwento para kami ang palabasing masama!_AKO.Kung nung bata pa ako,hindi pa ako pwedeng mangatwiran,iba na ngayon.
"Hayoop ka!Gusto mo pang bulagin ang mga mata ko!Tumawag kayo ng pulis at ipakulong yang babaeng yan,bilis!_Mrs Clemente.Sigaw nya dun sa secretary nya na nakapanuod sa amin habang nag aaway kami.
"Guard!Hawakan nyo ang babaeng yan at baka makatakas pa!_Regina.
Agad naman akong hinawakan sa braso nung dalawang guard at saka inilabas ng opisina nila.Maya maya pa ay dumating na ang police mobile at kaagad akong isinakay papunta sa presinto."Joyce,Ayos ka lang ba? Gusto mo bang dumiretso na tayo kaagad sa bahay nyo or sa bahay kana muna magpahinga?_Dess. Nasa iisang sasakyan lang kaming anim at tahimik na nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
"Ayos lang ako,sa bahay na ko didiretso.Anyways,Salamat sa inyong lahat.
Kung wala siguro kayo,siguradong dun na ko sa kulungan matutulog ngayon.Tungkol nga pala sa pyansa at bayad sa areglo,Terry...Babayaran kita kaagad kapag..._AKO.Hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko ng biglang magsalita si TERRY ng malakas."Joyce pwede ba kahit ngayon lang...Kahit ngayon lang please lang magbaba ka naman ng kaunting pride? Alam mong alam nating lahat na hindi isyu dito yung pera kundi yang nararamdaman mo.For God sake naman Joyce.Alam naming nasasaktan ka at nahihirapan pero pilit mo pa ding itinatago yang nararamdaman mo!_Terry. Nasa isang sasakyan lang kami lahat at tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Terry.
"Sabi ko namang okey lang ako...Kung nasaktan man ako physicaly,nasaktan ko din naman sila eh kaya patas lang.Tungkol naman sa mga tulong nyo,sobra akong blessed sa pagkakaroon ng mga kaibigang handang tumulong sa akin sa panahong kailangan ko ng matatakbuhan.
Salamat ng marami.Makakabawi din ako sa inyo balang araw._AKO. Wala pa ding imik yung apat at hinayaan lang nila na magsalita kaming dalawa ni Terry."Look at your self,puro galos ka at kalmot.Sa palagay mo ba,kapag nakita ka ng nanay mo sa ganyang kalagayan hindi sya mag aalala sayo?
Bakit ba kasi napaka tigas nyang ulo mo at napaka taas nyang pride mo?
Ayaw mong tulungan ka pero hindi mo alam na mas doble pa ang pag aalala sayo ng mga tao sa paligid mo dahil sa ginagawa mo?_Terry.
Saglit syang bumaba sa drugstore na nadaanan namin at kaagad bumalik na may dala ng alcohol,bulak at saka bandage."Guys,Dyan na muna kayo ha.Bibili lang kami ng makakain natin sa fast food.Nakakagutom na kasi,wala pa tayong kinain lahat._TOP.Bumaba silang apat sa sasakyan at naiwan kaming dalawa ni Terry sa sasakyan.
"Pupunasan ko lang yang mga dumi mo ng malamig na tubig,tapos lalagyan ko ng bandage yang sugat mo para hindi maipeksyon.Wag ka ng umangal dahil hindi kana nakakatuwa.Malapit na kong magalit talaga sayo._Terry.Sa kauna unahang pagkakataon,ngayon ko lang sya nakaringgan na nagalit sa akin kaya medyo natawa ako sa itsura nya.
"Sa pagkaka alam ko,director ka at hindi doktor.Bakit mo naman naisip na gamutin ang sugat ko at sabihing baka maipeksyon,hindi naman ako nakagagat ng aso.Kalmot lang naman yan pero kung maka react ka para namang malaking sugat yang ginagamot mo._AKO.Pinipilit ko lang di matawa pero natatawa ako sa reaksyon nya.Sa totoo lang,Kahit pala nagagalit sya,para pa din syang anghel sa paningin ko.
"Papano kasi ayaw mo lang ipahalata sa amin na nasaktan ka kaya pilit mong itinatago yang nararamdaman mo.Pwede kang umiyak,sumigaw at magwala para ma release mo yang sakit na nararamdaman mo.Sa ginagawa mong yan,lalo mo lang pinabibigat ang dibdib ko eh._Terry. Patuloy pa din sya sa pagpahid ng gamot sa mga namumula kong kalmot.
"Hindi nga kasi sabi ako nasaktan.Masaya nga ako at naka ganti din ako sa kanila after 15 years.Alam mo bang mas gumaan ang dibdib ko sa nangyari?Kasi nasabi ko sa kanila ngayon yung mga dapat kong sinabi nuong bata pa ako.May mga galos at kalmot man ako ngayon,mas matindi pa din yung sakit na naramdaman nila sa mga sinabi ko._AKO.Saka ako biglang napaiyak.This time,unti unti ko ng nailalabas ang kanina ko pa kinikimkim na sakit at sama ng loob.
"Its okey,Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo.Andito lang ako para makinig.Kung gusto mong magmura at mag curse,pwedeng pwede.
Walang magbabawal sayo.Wag kang mag alala,hinding hindi ka na nila pwedeng saktan pa.Naka document lahat ng mga pinag usapan natin at mga pulis pa mismo ang witnesses.Kaya hinding hindi ka nila malalapitan pa kahit kelan._Terry.Hindi ko alam kung anong napagkasunduan nila dahil nasa loob ako ng kulungan ng mga oras na yun.Pero iisa lang ang natitiyak ko,lahat gagawin ni TERRY para lang hindi na ko masaktan."Pasensya kana,Ang dami ko ng atraso sayo.Parang hindi ko na alam kung papano pa kita mababayaran.Lahat na lang ng problema ko,Ikaw palagi ang lumulutas.Hindi kaya ikaw talaga ang guardian angel ko?_AKO.This time,gumaan gaan na ang pakiramdam ko after kong makaiyak.
Sakto namang dumating na yung apat na may dala dalang pagkain kaya sabay sabay kaming kumain na muna sa loob ng sasakyan bago nila kami inihatid sa mga bahay namin.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...