56.TERRY.

1K 44 0
                                    

Kilalang wanted at Notoryus na holdaper ang suspect na nakasaksak kay Joyce.Unang nabiktima ang isang nanay na naglalakad galing sa isang ATM machine sa gilid ng mall ng CK at sinundan palabas.Dahil nakipag agawan ang biktima sa holdaper kaya sya nasaksak.Nang madami ng tao sa paligid,Nanghanap sya ng pwedeng mapagtaguan,Nagkataong medyo nakabukas ang bintana ng kotse kung saan nag aantay si Joyce kaya sa kanya lumapit ang suspect.Nang makita ni Joyce na AKO naman ang uundayan ng saksak nung holdaper,kaagad nya akong niyapos para salagin ang punyal at hindi ako ang tamaan ng dalang panaksak ng suspek.

Pagkabasa ko sa pinirmahan kong salaysay,Saka muling nag flashback sa akin ang lahat ng nangyari.Napahawak ako sa sentido ko.Andito ako ngayon sa presinto singko para i confirm na ang nahuling suspek nga ang syang sumaksak sa asawa ko.

"Lets go na Terry,Wala na kayong dapat pang alalahaning mag asawa, nakakulong na ang suspek.Pasalamat na lang tayo at walang ibang organ na tinamaan kay Joyce kaya mabilis syang naka recover._TOP.Sa tulong ng Tito nyang general,Mabilis na nadakip ang suspek.

"Salamat Dude,Salamat talaga ng madami lalo na sa Tito mo.Malaking bagay para kay Joyce na malaman nyang nahuli na ang sumaksak sa kanya para maging panatag ang puso at isipan nya._AKO.Alam ko namang deep inside kay Joyce,Andun pa din yung trauma at pangamba.Kahit na on going ang psychological therapy session nya,iba pa din kapag kampante kang malaman na naparusahan na ang may sala.

"Wag mo ng isipin yun,Basta mag enjoy na lang tayo at mag celebrate tonight sa Terry's.Ipahanda mo na ang malamig na beer at masasarap na pulutan.Mauna na muna ako para sunduin si Dess sa bahay nila.Kita kita na lang tayo later._TOP.Double celebration nga ang mangyayari dahil bukod sa magaling na at nakalabas na ng hospital si Joyce,Ngayon din nahuli ang kriminal.

"Alam nyo bang nagpalagay na ng madaming cctv cameras dun sa paligid ng CK Mall after nung nangyaring insidente?Naku,As in ultimo parking lot naghigpit na din sila ng seguridad.Mabuti nga ang naisip nila kahit kung tutuusin di na nila sakop yung tabing kalsada ng mall._Dess.Magkakasama na kami ngayon dito sa Terry's.Gusto ko din naman kasing malibang si Joyce at makalimot sa nangyari.

"Guys,paparating na sina Joyce at Sally,Pwede bang iba na lang muna ang pag usapan natin?_AKO.Sinamahan kasi ni Joyce si Sally na pumunta sa washroom.Maya maya pa ay nakita na nga namin silang pabalik na sa mesa kaya iniba na namin ang topic.

"So papano ba yan guys,Bawal ang KJ at pabebe tonight.Dapat lahat iinum at walang mauuna ng umuwi.Dapat sabay sabay tayong lahat._TOP.May VIP room ang TERRY'S para sa mahahalagang okasyon,kaya naman exclusive lang para sa amin ang lugar na ito ngayon.

"Guys,Tama si TOP dapat talaga tayong mag celebrate ngayon.Isa pa,bihira na tayong magkasama sama this past few days dahil pare pareho na tayong mga busy.Pero maiba nga pala ako Terry,Kamusta naman yung pina process nyong IVF procedure para kay Joyce,May nakuha na ba kayong donor?_GD.Kundi nga naaksidente si Joyce ay baka nakalipad na kami pa Norway nuon pa.Ang nauna naming usapan ay sabay kami magbubuntis,pero naantala dahil nag backout yung donor nya.

"Actually meron ng donor talaga nuon pa,Kaya lang inantay muna naming maging totally healed si Misis bago kami lumipad.Baka within next month lang andudun na kami sa Norway ni Joyce._AKO.Gusto na kasi talaga naming magdalang tao na din sya habang maaga pa para halos mag ka age yung baby namin.

"Wow naman,Na excite tuloy ako.Imagine,Magiging parents na kayo soon.
Nakakainggit naman._Dess.Napasulyap sya kay Top na kunwari namang walang narinig at panay lang ang lagok sa alak nya.

"Basta guys ha,Kayo ang ninang ng magiging baby namin ha._Joyce.

"Sympre naman,Magtatampo talaga kami kapag hindi nyo kaming ginawang ninang ng mga anak nyo noh.Maswerteng bata kapag nagkataon,Nasa kanila ang atensyon ng lahat.Siguradong lalaking spoiled yang mga yan dahil madaming naka alalay sa kanila._Sally.

"Hahahhaa.Basta hindi naman spoiled in a negative way ha.Yung tipong lahat ng gustuhin nila pipilitin naming ibigay sa kanila sa abot ng aming makakaya.
Tapos pinaka mahalaga yung full support naming mag asawa.Pareho kaming solong anak ni Joyce kaya sabik na sabik na kaming magkaroon ng madaming anak at gusto namin silang palakihin na parang mga prinsipe at prinsesa._AKO.

"Aba naman dapat damihan nyo kasi ang baby nyo para hindi nalulungkot na walang magiging kalaro._Dess.

"Hinay hinay lang muna at mahina ang kalaban.Alam nyo namang injured pa si Misis kaya sa isang baby muna kami magpo focus._AKO.May mga susunod pa kaming test na gagawin para masiguradong pupwede din mabuntis si Joyce.

"Goodluck guys,Sana maging okey ang resulta ng pagpapa IVF nyo.Basta andito lang kami at ipag pi pray namin ang success ng procedure nyong dalawa._GD.

"Salamat guys,Malaking tulong sa amin yang mga wishes at prayers nyo.
Sana nga hindi magka problema sa akin sa next check up para naman maging okey na ang lahat.Sa totoo lang,gustong gusto na namin ni Terry magka baby pa.Excited na kaming dalawa na may mga baby na inaalagaan sa bahay namin._Joyce.Humawak sya sa braso ko pagtapos nyang magsalita kaya naman hindi na ako nag atubili at hinalikan sya sa labi.

"Ayy kayo na!Kayo na talaga ang cheesy lover ng taon!Masyadong PDA,Nang iinggit lang?Babe,Uwi na nga tayo.Gawa tayong madaming babies!_TOP.Yung kunwaring hinihila nya si Dess para tumayo at mag wo walk out na kaya natawa na lang kami sa kanila.

"Madaming baby talaga?So ibig sabihin,May balak na din kayong magka anak nyan soon?Naku naman,Parang gusto ko na din yata honey ah.
Hehehehhe._GD.Ngumiti lang si Sally at saka humilig sa braso nya.

"Teka nga lang,Bakit ba puro babies yang pinag uusapan nyo ha.Wala pa akong balak maging nanay noh.Madami pa kong dapat unahin.Sa ngayon, wala pa yan sa priority ko.Ewan ko lang dito kay TOP,Baka sa ibang babae gusto nya ng magka anak?_Dess.May point nga naman si Dess,Sa pagigjng womanizer ni TOP,Hindi pa sila dapat magkaroon ng responsibilidad kung di pa kaya ni TOP magbago.

"Ah basta ako,Kapag nagka anak kami ni SALLY, KAMBAL na kaagad para isang hirap na lang._GD.

"Goodluck sa ating lahat.Sanay matupad lahat ng gusto nating mangyari sa buhay.Nagpapasalamat din ako sa inyo dahil hindi nyo ko pinabayaan lalong lalo na ang asawa ko._Joyce.Lahat kami ay nagkaisang magtaas ng baso at saka masayang nagkasiyahan.Masaya ang buhay ko ngayon dahil kasama ko ang pinakamamahal ko at mga kaibigan.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon