25.JOYCE

1.1K 50 1
                                    

After that incident,Hindi na ko nagparamdam pa kay Terry.Kahit pinupuntahan nya pa ako sa trabaho,Agad akong nagtatago kapag dumarating sya.Hindi na din ako humawak ng celfone at lalong hindi na ko nagbabasa ng mga pang mayayamang babasahin.Trabaho at si nanay lang ang focus ko.

"Ipinatawag ko kayong tatlo dahil mayroon sana akong gustong hinging pabor.Kung tatanggapin nyo ang proposal na hihilingin ko,mas magiging kampante ako._Madam CK. Kaming tatlo nina Dess at Sally ang gustong hingian daw ng pabor ng isang Chairman?Nagkatinginan kaming tatlo pero hindi pa din nagsasalita.

"Ahhh,Ehhhh kasi po Madam...Kinakabahan po kaming tatlo.Akala namin tatanggalin nyo na kaming tatlo sa trabaho kaya nyo kami pinatawag.
Ano po bang pabor yung sinasabi nyo?_Dess.Sya lang naman sa aming tatlo ang malakas ang loob kapag ganitong sitwasyon.Pareho kasi kaming tahimik lang ni Sally.

"Tatanggalin?hahahha.Naku hindi.Pasensya na ang nabigyan ko pa kayo ng alalahanin.Kaya naman pala ganyan ang mga mukha nyo.Wag kayong mag alala,kung wala naman kayong maling ginawa hindi naman kayo pwedeng sisantihin nalang._Madam CK.Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa aming nadinig.

"Well,kaya ko kayo ipinatawag dahil meron sana akong gustong hingiing tulong.Actually,hindi ito para sa akin kundi sa anak kong si SYDNEY. As you all know,may mga naging problema sya regarding her own business kaya pati ang mga negosyong pag aari nya ay naibenta nya._Madam CK.
Ganun kalaki ang naging danyos ng pagkalulong sa sugal ni Miss Sydney?
Mabuti at napatawad sya kaagad ng mga magulang nya.Mabait talaga ang parents ni GD.Maswerte din si Sally sa pagkakaroon ng mabait na magiging soon to be inlaws.

"Madam CK,Maabala ko lang po kayo sandali.Kasi po kanina pa ring ng ring yung fone nyo._Dess.Saka naman agad lumapit si Madam sa table nya at sumenyas na maupo na muna kami sandali.

"Ano naman kaya yung sasabihin ni Madam CK.Nakaka suspense naman.
May kinalaman kaya yun sa pag alis ng biglaan ni GD?_Dess.May pinagdadaanan ngayon sina GD at Sally pero hindi ako masyadong nakikialam at nagtatanong.Hinahayaan ko lang na si Sally mismo ang magkwento sa amin kung anong meron sa kanila ni GD ngayon.

"Hindi naman siguro tungkol kay GD.Sa tingin ko tungkol sa trabaho at walang kinalaman sa personal ang pag uusapan natin.Kung meron mang dapat kausapin about sa anak nya,Siguradong si Sally lang ang ipapatawag nya kung sakali._AKO.Ilang saglit pa ay muli na naman kaming hinarap ni Madam.This time,kasama nya na si Miss Sydney na kadarating lang.

"Hello po Miss Sydney._Sabay sabay naming bati sa kadarating lang na si Miss Sydney.Naka dress syang kulay itim at bag na gucci.Red ang stilletto nya na 6inches ang taas.

"Hi everyone! Im glad to see you girls,Tagal na din nung last time tayong nagkita kita right? Im looking forward working with you beautiful ladies!_Miss Sydney.Working with her?Anong ibig nyang sabihin dun

"Well,Since nasabi na din naman ni Sydney ang gusto kong sabihin sa inyo
May idea na kayo sa proposal na sinasabi ko.Like Sydney told you,Gusto nya kayong kunin as her employee sa itatayo nyang bagong BOUTIQUE.
Its a collaboration of shoes,bags and apparell from CK._Madam.

"Madam,Tama po ba ang nadinig ko.Kami po ang kukunin nyong mga employee sa bubuksan nyong boutique?As in kaming tatlo po talaga?_Dess.

"Yes,Kayo ngang tatlo.Pero sympre may ha hire pa tayo ng iba dahil tatlo pa lang kayong staff ko.May mga iba pa kaming hinahanap pero kayong tatlo yung main staff na sure na.Tatanggapin nyo ba ang offer ko?_Miss Sydney.

Base sa napag usapan.Sa QC ang location ng boutique.Sa ngayon ay ginagawa na sya at pinagaganda.At dahil ako ang may pinaka mataas na posisyon sa aming tatlo,Promoted daw ako as Manager habang sina Dess at Sally ang magiging head supervisor.

"Pasensya na po Madam pero ang totoo po nyan,Plano ko ng magsubmit ng resignation letter sana.Magandang oportunidad po ang ibinibigay nyong offer sa aming tatlo pero hindi ko po sya matatanggap._Sally.
Hindi ako nakakibo.Naiintindihan ko kung ano ang gustong mangyari ni Sally.Hindi ganun kadali ang desisyong gagawin nya pero alam ko ang pakiramdam.

"Tungkol ba ito sa problema nyo ni Dane?Pero magkaiba naman kami ni dane Sally.Wala syang kinalaman sa business na itatayo.At hindi naman dahil sa kanya kaya kita gustong maging empleyado ko.May tiwala ako sa inyo at sa kakayahan nyong tatlo kaya kayo ang gusto kong makasama sa boutique._Miss Sydney.

"Iha,Tama si Sydney.Labas si Dane dito.Hindi ko kayo kinukuha dahil kaibigan kayo ng anak ko o anu pa man.Ilan kayo sa mga empleyado ng kumpanya ko na may malasakit at dedikasyon sa trabaho kaya naman hindi ako nagdalawang isip na kayo ang piliin.Hindi naman lingid sa inyo ang napagdaaanan ni Sydney,kaya gusto kong tulungan nyo syang makabangon muli._Madam CK.

"Naiintindihan ko po madam.Pero hindi na po kasi magandang patuloy pa ako sa pagtatrabaho sa kumpanya ninyo.Gusto ko na lang po sanang kahit papaano,magkaroon ng peace of mind.Habang nandito ako,hindi ko maiwasang di maalala si Dane._Sally.

"Naiintindihan kita iha,pero hindi naman ako papayag na basta basta ka na lang aalis.Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa pero labas ako sa problema nyo at hindi ako makapapayag na basta basta ka na lang aalis.Mag uusap pa tayo ng tayong dalawa lang.

"Then its final.Kayong dalawa,Dess at Joyce ang sigurado ng makakatrabaho ko tama ba?Siguro naman,hindi nyo ko tatanggihan. Hindi ko kayo hinaired dahil sa impluwensya lang kundi dahil deserving kayong maging tauhan ko.At sana mas maging close ko pa kayo na para na ding kapamilya._Miss Sydney.Sa kauna unahang pagkakataon,masaya kong malaman na may mayamang tao din na nagtiwala sa kakayahan naming mahihirap.

"Naku Maraming Salamat po Miss Sydney.Isang malaking karangalan po sa akin na ako ang isa sa pinagkakatuwalaan nyo.Wag po kayong mag alala,pag iigihan namin sa trabaho at di kayo mapapahiya.Tama naman diba Joyce?_Dess.

"Maraming salamat po Miss sydney sa pagtitiwala.Ang totoo po nyan,hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari.Gaya po ng sabi ni Dess,Hinding hindi po namin kayo bibiguin._AKO.Ngumiti din sa amin si Sally.Alam kong masayang masaya din sya para sa amin.

"Naku ako nga ang dapat magpasalamat.Mas dadami ang trabaho nyo nyan.Tyak na aawayin ako nina TOP at TERRY dahil baka wala na kayong time sa kanila kapag nagkataon._Miss Sydney.Namula naman si Dess pagka banggit ng pangalan ng fiance nya.Habang natahimik lang ako.

"Naku at humugot kapa dyan Sydney.Alam mo bang galit si Gina kay Joyce?Pinagsabihan ko nga na wag masyadong paghigpitan si Terry dahil baka gumaya kay GD at maglayas din._Madam CK.Sabay sabay naman silang tatlo na napalingon sa akin.Wala kasing idea sina DESS at SALLY na kinakausap ako ng nanay ni Terry.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon