43.TERRY.

1K 53 0
                                    

Paalis na ko ng mansyon ng tawagin ako ni Dad at saka pilit na pinababalik sa loob ng bahay.Pumapayag na daw kasi si Mommy na magpakasal kami ni Joyce.Kahit hindi pa ako nakaka recover sa pagtatalo namin kanina,Hindi na ko nagmatigas pa at agad ding sumama kay dad pabalik sa loob para kausapin ulit ang mommy.

"Pumapayag na akong magpakasal kayo,Pero meron akong mga kundisyon.Kung hindi mo tatanggapin ang mga kundisyon ko,Hindi mo makukuha ang basbas ko._Mommy.Sa kagustuhan kong pakasalan si Joyce, kahit pa siguro bawiin ni Mom ang lahat ng mamanahin ko,papayag ako.

"Kung ang lahat ng mamanahin ko ang magiging kapalit,Handa akong ibalik yun lahat sa inyo._AKO.

"Nag iisa at lehitimo ka naming anak kaya natural lang na lahat ng yaman at pinagpaguran namin ng Daddy mo ay sayong lahat mapupunta kahit na ano pang gawin mo.At alam ko din na kahit pa mawala lahat ng kayamanan mo,kakayanin mo pa ding tumayo sa sarili mong mga paa.
Ganun ka namin pinalaki,Pero hindi pera ang gusto kong maging kasunduan natin._Mommy

"Then what is it mom?Kundi pera,Ano na namang gusto mong mangyari?
_AKO.

"Alam mong hindi ako basta basta makakapayag na makasal ka na lang sa kung sino sino lang,Dapat mayroon ding sinasabi sa buhay na kagaya ng pamilya natin.Pero wala naman na kong magagawa kung katulad nya ang babaeng gusto mo.Pumapayag na akong magpakasal ka sa kanya,Sa kundisyon na DITO KAYO SA BAHAY TITIRA!_Mommy.

"Mom,Hindi basta bastang babae lang si Joyce.Sinasabi ko na sayo,Napaka palad ko sa pagkakaroon ng kagaya nya.Aaminin ko,hindi nya nga ako ganun kamahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya,but believe me mom,May nararamdaman din sya para sa akin._AKO.

"Pero Gina,Bakit naman dito mo pa sila gusto patirahin.Nagpapagawa na sila ng bahay,at yun ang dream house ng anak mo._Daddy.

"Sabihin na nating gusto ko lang makilala ng lubos ang mamanugangin ko.
Hindi naman siguro masama yun hindi ba anak?Wag ka na din mag alala sa kasal nyo at ako ng bahalang mag arrange nun.Ako na din ang bahalang pumili ng petsa,hanggang sa isusuot at kung saang bansa gaganapin._Mom

"Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba lahat ng nadinig ko ngayon or matatakot ako sa kalalabasan ng gusto mong mangyari mom,Ganun pa man,Nagtitiwala ako sa mga pangako mo.Basta ang hiling ko lang,Payagan mo din kaming magsolo in few years time._AKO.

"Its settled then.Maybe a few years from now,pwede na.Kapag nakita kong maayos ang takbo ng pamumuhay nyo baka pumayag ako.
Sa ngayon yun lang muna ang kundisyon ko,Siguro naman hindi yun mahirap pagbigyan.Ayoko namang lumabas na naman akong masama kapag hindi kita pinagbigyan sa gusto mo._Mommy.

"Thanks a lot mom.Hindi ko alam kung papanong biglang lumambot ang puso mo sa amin ni Joyce,Pero sobrang saya ko.This time,Mas mapapanatag na ang loob ko at tinanggap mo kami.Thanks din dad sa support,kundi dahil sayo hindi ako magkaka lakas ng loob para magpaalam kay Mom.Salamat sa inyong dalawa sa PAG TANGGAP NYO KAY Joyce at sa pamilya nya._AKO.Halos maluha ako sa sobrang tuwa at napayakap ako sa kanilang dalawa.


"Ano kamo,Sa sunday na kayo mamanhikan ng parents mo?Teka,parang ambilis bilis naman.Hindi ba pwedeng sa susunod na buwan na lang?_Joyce.Nasa bahay nila kami at magkatabing nakaupo sa sofa.

"I told you,si Mommy ang may gusto nun.Ayoko namang kontrahin pa sya sa gusto nya at baka bigla na namng magbago ang ihip ng hangin.Saka isa pa,gusto ko na din talagang makasama ka eh._AKO.

"Ikaw talaga,Hindi ka naman atat nya?.Haaaaist,Naku may magagawa paba ako,As if naman may choice ako para kontrahin yang nanay mo.
Sige na,pumapayag na ko._Joyce.

"Yesss! Excited na ko sa pamamanhikan.Wag na kayong mag abala pa sa pagkain dahil kami naman ang magdadala nun.Basta magpa ganda ka lang ng husto,yun lang ang gagawin mo okey ba yun LOVE?_AKO.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita.

"Oo na po.Magpapaganda kung yun ang gusto mo mahal na hari._Joyce.
Naiiling na lang sya sa obvious na pagpapabebe ko sa kanya.halata naman kasi masyado na excited na excited na kong pakasalan sya.

"Pero maganda kana nga pala kaya hindi mo na need magpaganda pa.
Basta magready ka na lang sa pagdating namin.Wag mo ding kalimutang sabihan sina ate Zeny at Kuya Pol ha,saka yung kids.Sympre lalo na si Nanay Joy._AKO.

"Ayun,gandang ganda ka sa akin talaga anoh?Baka mamaya,kapag nasa iisang bubong na tayo,kapag nalaman mong malakas pala akong humilik at magulo ako matulog,bigla mo na lang akong itulak sa kama.hahahaha.
_Joyce.Pero saglit lang din syang tumawa ng marealize nya ung sinabi nya

"Oiiii,Talagang pagtatabi kaagad sa kama yung una mong inisip ha.hahaha
Nakita mo na,Napaghahalataang gustong gusto mo din na magpakasal na sa akin eh,Wag kang mag alala,malakas din akong humilik kaya its a tie!_AKO.

"Sira ka talaga!Sinasabi ko lang yung mga bad habits ko para hindi kana magulat just in case.Saka kinakabahan talaga ako sa request ng nanay mo na sa inyo tayo tumira.Parang hindi ako makakampante dun eh._Joyce

"As if naman na papayag akong mapaano ka dun kung sakali?Saka magtiwala ka lang,Akong bahala sayo.Malaki naman yung bahay na yun at palaging nasa trabaho sina Mom and Dad kaya hindi ka mag aalangan kumilos.Basta i enjoy lang natin ang buhay mag asawa._AKO.

"Ewan ko ba,Pero parang mah hindi tama eh.Pero gaya nga ng sabi mo, May tiwala naman ako sayo,At alam kong di moko pababayaan.Isa pa, gusto ko ding ipakita sa parents mo na worth it na ako yung papakasalan ng unica iha nila,Na hindi kita papakasalan dahil lang sa pera._Joyce.

"That's my LOVE.Hindi basta nagpapatinag.Kaya lalo akong naiinlove sayo dahil dyan sa malakas mong personalidad.Hindi ka puro lang salita,kundi buo ang loob mo sa kabila ng mga pinagdadaanan mo sa buhay._AKO.Niyakap ko sya ng mahigpit.Masarap sa pakiramdam na kapiling ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko.

"Aysus,Nambola pa!Maiba nga pala ako,Bakit ba panay ang tawag mo sa akin ng "LOVE?Yan ba ang gusto mong tawagan natin?_Joyce.

"Sa wakas napansin mo din.Well actually,Yun lang ang unang Words na lumalabas sa bibig ko kapag nakikita kita eh kaya LOVE ang tawag ko sayo.Pwede namang palitan kung ayaw mo nun._AKO.

"Uhmmmm,Okey din naman sya kaya lang parang meron akong gustong itawag sayo eh.Mas millenial saka hindi common.Ewan ko lang if magugustuhan mo._Joyce.

"Hahahaha.So,masyado ng old school ang LOVE,HON,BABE and Sweetheart kaya ayaw mo ng ganun.Ano naman yang naisip mo?_AKO.

Ngumiti lang sya sa akin at saka bumulong...Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon