15.JOYCE

1.1K 61 4
                                    

Hindi na ako nagulat sa ginawang presscon ni YURI para pabulaanan ang issue at kontrobersya tungkol sa kanila ni TERRY.Sinabi nyang katuwaan lang iyun at hindi totoong LESBIAN si KATARINA GUILLERMO.

Sumunod na araw naman ay lumabas sa isang magazine ang isyu tungkol sa diumano'y anak ng sikat na senador na nanliligaw daw kay KATARINA.
May larawan pang kuha mula sa isang pagtitipon ng mga kilala at sikat na mayayamang tao sa bansa habang nakikipag kamay si Terry sa lalaki.

"Haayy naku,Ang mayayaman nga naman...Kay daling pagtakpan ang mga mali at baliktarin ang katotohanan.Nakaka awa tuloy si Terry,Wala syang magawa kundi maging sunud sunuran sa Nanay nya._Dess. Wala kaming pasok ngayon dahil sabay sabay kaming nag RD na tatlo.

"Ang kwento nga ni GD,Umalis ng bahay si Terry na walang dala ni isang kusing.Tapos kapag may trabaho daw,nagta taxi na lang dahil walang kotseng dala.Iniwan daw nyang lahat sa mansyon nila._Sally.

"Ang masakit pa nito,ultimo nga daw pala mga commercial na dini derek nya,lahat yun ang mommy nya ang naglakad at yung iba sya pa mismo ang nag co produce para mai air lang.Kaya sobrang depress daw ni Terry ngayon at kahit sila hindi masyado kinakausap._Dess.

"Sa tingin ko Joyce,Kailangan ngayon ni Terry ng makakausap.Baka sakaling kapag ikaw,makinig sya at mag share ng nararamdaman nya._Sally.

"Oo nga Joyce.Alam naman natin na ikaw lang ang pinapakinggan nun eh.
Tapos sobrang lungkot nya talaga na parang ayaw na nga daw munang magtrabaho.Pinu push lang daw ni TOP na bumangon para hindi lalong madipress sa loob lang ng bahay._Dess.

"Pero ano naman ang dapat naming pag usapan?Baka lalo lang ma depress yun kapag kinausap ko.Saka isa pa,wala naman akong alam na pwedeng ipayo sa kanya dahil matagal tagal na din kaming di nakapag usap kaya wala akong alam na sa nangyayari sa kanya._AKO.

"Yung maramdaman nya lang na may taong handang samahan sya sa mga oras na ito,malaking bagay na sa kanya yun Joyce.Ikaw na din ang may sabi,malaki ang tulong na naibigay nya sayo lalo sa panahong nangangailangan ka...Bakit hindi naman ikaw ang magbigay ng tulong sa kanya ngayon?_Dess.Sa totoo lang,gustong gusto ko naman talaga syang makausap talaga.Hindi ko lang alam kung paanong approach ang gagawin ko.

K&J EMPIRE building:

Alanganin pa akong pumasok sa building na itinuro ni GD na pagmamay ari daw ni Terry.May sampung palapag ang building at sa itaas daw ng floor nag i stay ngayon si Terry kapag ayaw nyang paistorbo sa trabaho at hindi umuuwi sa bahay nila.

"Good morning Ma'm how can i help you po?_Bungad na bati nung receptionist na nilapitan ko.Malapad ang ngiti nya sa akin na para bang matagal nya na akong kakilala

"Ahh,ehhh itatanong ko lang sana kung saan ang opisina ni Miss Guillermo?_AKO.Medyo nag aalangan pa akong magtanong kasi baka hindi ako papasukin dahil di naman nila ako kilala dito.

"Kay Boss Terry po?Well as of this moment po,naandun sya sa pad nya sa 8th floor pero ang opisina nya po ay nasa 4th floor nitong building, kung gusto nyo po sa mismong pad nya na lang po kayo ihahatid ng attendant na incharge po sa inyo._Miss Kara.Nakalagay sa nametag nya ung name.Napansin ko na lahat ng mga tao duon ay naka ngiti sa akin lahat.

"Okey lang naman kahit hindi na ako ipahatid,sa 8th floor na lang muna siguro ako dididretso para sure na makausap ko sya.Okey na ba,hindi na ba sya tatawagan para mag confirmed?_AKO.Kung ganito sila ka luwag sa mga taong gusto makausap ang boss nila,hindi ba mas delikado yun sa kagaya ni Terry na mahalagang tao at boos nitong kumpanya?

"Actually po Ma'm,Na inform na po kami ni Boss GD na pupunta nga daw po kayo ngayon kaya hindi na po kayo kailangang i screen pa.
Ibinilin din po ni Boss TOP na alam nyo na din daw po ang pw ng room ni Boss Terry kaya ipahahatid ko na po kayo ngayon duon._Miss Kara.Bahagya akong natigilan sa sinabi ng receptionist.So alam na pala nila na pupunta ako ngayon.Pero papanong alam ko na daw ang code sa door ni Terry?Wala akong idea.Mamaya ko na lang siguro tatawagan si TOP kapag andun na ko sa mismong room ni Terry.

"Ma'm this way po._Bellboy.Infairness,magagalang ang mga staff nitong building at halatang lahat sila kilalang kilala si Terry.Puro mga mukhang estudyante din ang ilan sa kanila na halatang mga nag aaral pa.

"Lahat ba ng staff ng building na ito kilala si Miss Terry?_AKO.Paakyat na kami ng 8th floor.Naisipan kong magtanong tanong lang ng di masyadong halata,Gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng boss si Terry sa kanila.

"Opo Ma'm,lahat po kasi kami dito sya mismo ang nag interview nung nag aapply pa lang.Mula sa head nitong building hanggang sa mga taga maintenance department,sya po talaga ang namili sa amin._Bellboy.
Mukha namang mabait itong si binata kaya hindi ako nailang na kausapin sya.

"Ganun ba,Mukha ngang kilalang kilala nyo syang lahat eh.Sa palagay ko, madami din kayong alam tungkol sa kanya pati sa personal na nangyayari sa kanya lalo na ngayon?_AKO.Since hindi naman na siguro kami magkikita ni bellboy,kinapalan ko na ang mukha para magtanong.Isa pa, hindi naman siguro nya alam kung sino ako.

"Hindi naman madami Ma'm,pero mas kilala namin sya kaysa dun sa mga nababasa at nababalita ngayon sa social media.Hindi kami naniniwala sa sinasabi nila na nakipaghalikan si Boss Terry sa bar.Hindi kasi sya ganung klase ng tao.Alam at kilala namin kung sino lang ang nag iisang babae sa buhay ni Boss Terry,Kaya nga K&J ang name nitong building nya eh,Pinagsamang pangalan nila nang mahal nya.Kakakilig po diba?_Bellboy.Saka ako napaisip,kaya pala K&J kasi may pinaghugutan.
Sino naman kaya yung J na yun?

"Ma'm Joyce,Dito na po tayo.Ito pong buong 8th floor ang buong place ni Boss Terry.Maiwan ko na po kayo.Sana po maging masaya na ulit si Boss after nyo syang makausap._Bellboy.Saka ako bahagyang namula,So kilala pala ako nung binata?Papano?Naiwan akong mag isa na lang dito sa hallway.

Dahan dahan akong naglakad para hanapin ang pintuan ng pad ni Terry.
Hindi ko inaasahan na sa may pasilyo pa lang papunta ng pinto ng pad nya ay makikita ko ang napakalaking painting ng isang babae.Habang lumalapit ako papunta sa pintuan ni Terry ay unti unti kong napagmamasdan ang kabuuan ng larawan...Mukha ko ang nasa larawang naka pinta.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon