62.TERRY

1K 39 1
                                    

"Terry anak,Kamusta naman ang buhay ng kayo na lang ang magkasama ng mag asawa ha?Hindi ba mas masaya kapag sama sama?_Daddy.
Gaya ng dati,madalas pa din akong bisitahin ng daddy sa opisina ko.

"Hahahhaa.Masaya naman kahit kami ng kami kami lang Dad.Mas okey na din para masanay kaming magdesisyon para sa sarili namin.Pero honestly,nakaka miss din sympre na hindi na namin kayo kasama ng mom.Namiss ko din yung mga pangaral nya at panenermon._AKO.Isa yun sa dahilan kaya gusto ko na ding bumukod kami,Kahit naman kasi wala namang conflict sa pagitan nina Joyce at mommy,ramdam ko pa din na naiilang si Joyce at hindi komportable na nasa paligid lang si mom.

"Sabagay may katwiran ka naman dun.Alam mo naman yang mommy mo, bratinella talaga kaya maypagka ka istrikta.Mabuti na lang at tahimik at mabait yang asawa mo kaya kahit na sinusungitan ng mommy mo ay nakangiti pa din._Daddy.Na sya namang nakaka proud sa asawa ko talaga.
Kahit na istrikta at metikulosa ang mom sa bahay,Never ko din naman nakita o nadinig si Joyce na nagreklamo sa akin about mom.

"Namimiss ka nga ni Katie dad,Palagi kang itinuturo kapag nakikita yung picture mo.May kalayuan din kasi ang Laguna kaya hindi kami makapunta sa Makati palagi._AKO.

"Kaya nga nagtatampo ang mommy mo sa inyo.Palaging ako ang pinagdidiskitahan.Bakit daw kasi hindi na lang sa Forbes yung bahay na binili nyo para lagi nya daw nakikita ang apo nya.Kako naman,As if may bahay pang for sale sa lugar natin,kung meron man mabilis ng mabibili ng ibang tao yun._Daddy.

"Hahahahha.Mas okey na din sa medyo nasa malayo kami dad.Malayo ng kaunti sa bahay.Ayoko din kasing maka dagdag pa kami sa alalahanin ni mommy.Mas okey na yung pag uuwi kayo from work,relax na kayo at nakakapahinga ng husto._AKO.Gusto ko din kasing matutong maging independent kaming mag asawa.

"Alam mo yang mommy mo,Mukha lang masunget at mataray yan,Pero ang totoo,palagi kayong bukambibig lalo na sa mga amiga nya. Mukha lang matapang yan at bratinella pero wag ka mababaw din ang luha nyan.Nung umalis nga kayo panay ang iyak kinagabihan.Namimiss na daw kasi nya ang apo nya._Dad.

"Alam ko naman yun dad.Malambot naman talaga ang puso ni mom lalo na pagdating sa mga taong mahal nya.Naiintindihan ko naman sya kung bakit ganun sya kay Joyce dati.Kasi takot syang mawala ang atensyon ko sa kanya at kay Joyce ko lahat ibigay.Ngayong magulang na din ako,Saka ko narerealize kung ano ang pakiramdam kapag nawalay ang anak mo sayo._AKO.

"Totoo yun anak,Lalo na at nag iisa ka lang naming anak.Sobrang mahal na mahal ka namin ng mommy mo.Nung nagsisimula pa lang naming palaguin ang negosyo natin nuon,Dinadala ka ng mommy mo sa restaurant habang nag aassist sya sa mga costumer at karga karga ka nya.
Kahit nung times na akala namin babagsak na ang negosyo namin,hindi tumigil ang mommy mo sa paghahanap ng puhunan para madagdagan ang mga tinda namin sa restaurant.Ikaw ang inspirasyon nya para hindi sumuko.Hanggang sa lumago at dumami na ang branches ng Terry's ikaw pa din ang nasa isip namin ng mommy mo._Daddy.

Kahit parehong galing sa mayamang pamilya sina mom and dad,Hindi ibig sabihin nun na aasaa na lang sila sa mga mana na kanilang natanggap buhat sa mga magulang nila,Bagkus ay pareho nilang pinagyaman at pinagsikapang palaguin ang mga perang kanilang natanggap.Kaya naman dahil sa sipag at tyaga,Nagkaroon na ng Isang daang sangay ang TERRY'S GRILL ngayon sa buong bansa.

"Sobrang swerte ko naman talaga na kayo ni mom ang parents ko.Alam ko kung gano nyo ibinuhos ang buong panahon at  dedikasyon nyo para mapalago ang negosyong eventually ay para din naman sa akin talaga.Sobrang thankful ako sa lahat dad.Maswerte na sa parents,maswerte pa sa asawa at anak.Wala na kong mahihiling pa._Ako

Pagkapanganak ko sa anak naming si Katie,Kaagad ipinalipat ng mommy ang lahat ng ari arian nila sa akin.Para daw  naka secured na ang pamilya ko kung sakali.Mula sa shares ng GGH at Delacerna Brewery hanggang sa 100branches ng Terry's.Habang patuloy pa din ang pagdi direk ko,at si Joyce na ang namamahala sa K&J empire.Naka pag invest na din ako ng dalawang yate (luxury yatch) at legal ng sa akin nakapangalan  ang dalawang private resort na dati ay kasosyo lang ako.

"Anak,Alam namin ng mommy mo na malaki ang naging pgkukulang namin sayo bilang mga magulang.Halos sa yaya mo na ikaw lumaki dahil sa masyado kaming naging subsob ng mommy mo sa pagpapa unlad ng mga negosyo natin.Kaya naman ng magsabi ka sa amin na magpapakasal kana nuon saka lang nakaramdam ang mommy mo ng takot na tuluyan ka ng malalayo sa amin.Kung bakit ko sinasabi ito sayo ngayon,Ay para ipa alala sayo na hindi palaging pera ang mahalaga lang sa buhay.Wag mong hayaang magising ka na lang isang araw sa pagsisisi na hindi mo nasubaybayan ang paglaki ng anak mo dahil sa puro negosyo at trabaho lang ang ginawa mo gaya namin ng mommy mo._Daddy.

"Dad,Nagawa nyo namana ang part nyo bilang mabuting magulang sa akin.Hindi ako magiging gnito ka succesful ngayon kung wala kayo at kundi dahil sa pagpupursige nyong bigyan ako ng magandng kinabukasan.
Alam kong kahit na hindi nyo ako naaasikaso at naaalagaan nuon dahil sa sobrang busy nyo,Ang dami nyo namang hinired na bodyguard ko para bantayan ako.Wala ding okasyon sa buhay ko na pinalampas nyo at hindi dinaluhan kahit sobrang busy nyo.
Ngayon ko lang narealize na sobrang mahal na mahal nyo talaga ako ni mom kaya ganun na lang ang pgbabantay na ginagawa nyo sa akin nuon hanggang ngayon._AKO.Dati kasi,hate na hate ko na may mga nakabantay sa akin at aali aligid kung nasaan ako.Feeling ko nuon,wala akong kalayaan.

Nang mangyari ang pagkakasaksak kay  Joyce nuon,Saka ko nalaman ang kahalagahan ng mga bodyguard ko.
Kung hindi ko pilit na ipina tanggal kay mom ang mga bodyguard ko,Wala sanang nangyaring masama sa asawa ko.Hindi pala ako binigyan ni mommy ng bodyguard para sakalin at pghigpitan kundi para masiguradong malayo ako sa kapahamakan.

Kapag pala ikaw na yung nasa ganitong sitwasyon,Saka mo lang maiisip na tama ang desisiyon ng magulang mo  na pabantayan ka.Tulad ng parents ko,Ngayon pa lang ihinhanda ko na din si KATIE na kuhanan ng mga bodyguard.
Ang kaibahan nga lang,Mas may oras kaming mag asawa sa personal na pag aalaga at pag gabay sa kanya.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon