48.JOYCE

1.1K 59 0
                                    

"As we walk the golden mile,down the pretty ailes
I know that you are mine,And theres nothing in this world
That i know i wouldnt do,to be near you everyday
Everyhour every minute,Take my hand and let me lead the way...

All through your life I'll be by your side...Till death do us part.

Gaya ng kantang pinapatugtog habang naglalakad kami ni Terry papalabas ng venue,Ramdam na ramdam ko ang mahigpit na paghawak nya sa mga kamay ko habang nakatitig sya sa akin.Talaga namang si Terry ang nag iisang tao na hinding hindi bumitiw sa akin mula nuon hanggang ngayon.Hulog sya ng langit sa akin.Dahil sa kanya,naging magaan at naging komportable ang buhay ko pati na ang pamilya ko.

"Gummie,Okey ka lang ba?Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka nagsasalita.Nakatingin ka lang sa akin.Hindi kapa din ba makapaniwala na Mrs.Joyce Guillermo kana?hahahah_Terry.Saka ako biglang natauhan.

"Hah?Im sorry Lolliepop,Tama ka nga hindi pa ko maka get over sa mga pang yayari ngayon...Hindi ako makapaniwala na kasal na talaga tayong dalawa._AKO.Isa isa na silang nagsilapitan sa amin para bumati kaya naging abala na kami pansamantala at hindi na ulit nakapag usap ng kaming dalawa lang.

"Para sa masaya at masaganang buhay mag asawa nina Terry at Joyce!_Top.Itinaas nya ang wine glass at sabay sabay kaming nag toast ng mga basong hawak namin.Nasa reception area na kami duon din naman sa loob ng hotel na tinutuluyan namin.Mas okey na ganun ang set up para hindi na mahirapan ang mga guest na magpalipat lipat pa ng lugar.

"Congratulations and best wishes sa bagong kasal.Hindi nyo po naitatanong,Dahil Bestfriend po kami ng groom,Alam ko po ang ilan sa mga tinatagong sikreto nya...Isa na po dito ang hindi alam ng lahat,Si Terry po talaga ay sobrang kuripot.Kapag po kami ang magkakasama,ni isang kusing hindi po yan nag lalabas ng pera.Palagi nya pong sinasabi sa amin na sa amin daw kasing tatlo,sya ng pinaka mahirap...Pero nung makilala nya na si Joyce,Nagbago na po sya at madalas na sya na po palagi ang taya kapag kumakain o lumalabas kami.Ganun po kalaki ang impluwensya ni Joyce sa kanya.hahahah._GD.Nagtawanan naman kaming lahat sa kwento ni GD.

"I agree on that...Isa pa po sa pagbabago na napansin namin kay Terry mula nung makilala nya si Joyce,Hindi na po sya masyadong friendly sa mga babae.Dati po kasi,sa aming tatlo sya ang kaagad nakakagaanan ng loob ng mga girls kapag magkakasama kami.Palagi po kasi syang nakangiti at magiliw sa mga tao.Nang makilala nya si Joyce,Medyo iniwasan nya na pong magpa cute sa mga girls,na sya namang ikinatuwa ko sympre dahil ako na yung napapansin nila...hahahha.Biro lang po.Kidding aside,Malaki po ang naging implwensya ni Joyce sa kanya...Mas naging focus sya at naging seryoso sa trabaho nya at nagkaroon sya ng dahilan para lalo pang pagandahin ang buhay nya.Sa inyong dalawa,Terry and Joyce...
Hangad kong mas tumibay at mas yumabong pa ang inyong pagmamahalan at tumagal ng panghabambuhay._TOP.Nagpalakpakan naman silang lahat at saka muling nag request sa amin ni Terry ng halik.

Masaya ang lahat pagkatapos ng naganap naming kasalan.Nag uumapaw ang kaligayahan sa puso naming dalawa ni Terry sa pagdalo ng mga mahal namin sa buhay.Wala na nga akong mahihiling pa dahil kinumpleto ng lahat ni Terry ang mga pangarap ko.

"Gummie,I dont think na bagay pa sa atin ang tawagan na Gummie and lollie ngayong mag asawa na tayo.Mas kumportable sana kung papalitan natin ng mas pormal.Sa palagay mo?_Terry.Andito kami ngayon sa beach resort ng Oslo para sa honeymoon.Habang malamang na nasa eroplano na ngayon pabalik ng Pilipinas ang pamilya at kaibigan naming sumaksi sa pag iisang dibdib naming dalawa.

"Well,Naisip ko nga din yan.Pang teenagers lang na tawagan yun at para sa mag gf/bf lang.May naisip ka bang magandang endearment nating dalawa?AKO_Naghahanda ako ng sandwich para sa amin.Halos kadarating lang kasi namin dito at nagbaon talaga kami ng mga pagkain bago kami dumiretso dito.

"Mas okey siguro kung "Mahal"...Para mas feel na feel.hahahahha.Sorry gummie,Yun lang kasi ang unang pumasok sa isip ko eh._Terry.Inabot ko sa kanya ang hinanda kong sandwich at kaagad akong tumabi sa kanya sa upuan.

"Okey din naman sa akin yun,Mahal ko.Mas sincere pakinggan.Yun na lang._AKO.Sumandal ako sa kanya at hinalikan nya ako sa hair habang magkatabi kaming kumakain ng sandwich.

"Malamig sa dagat kaya hindi din tayo makakalabas.Malamang na dito lang tayong dalawa nyan ng dalawang araw.Okey lang ba sayo yun Mahal ko?_Terry.Tumango naman ako at saka sya pilyang ngumiti sa akin.At dahil alam ko ang naiisip nya,namula ako ng bahagya kaya tawa sya ng tawa sa akin.

"Hahahhah.Grabeh sya oh!Pulang pula kaagad.Alam mo buti na lang talaga hindi ka tisay,kung nagkataong tisay ka sobrang pula mo siguro ngayon._Terry.Saka ko sya kinurot sa tagiliran kaya sya napaigtad at tumakbo palayo sa akin.

"Ang yabang mo talaga.Porke maputi ka lang eh!Pasensya kana,negra itong pinakasalanan mo kaya magtiis ka sa asawa mong baluga._AKO.Kunwari akong nagtampo kaya agad nya naman akong nilapitan at sinuyo.

"Biro lang naman yun Mahal,At saka hindi ka naman baluga.Morena ka lang,pero pagka ganda gandang dyosa.Gusto ko kapag nagka anak tayo, parehas mo ng kulay,Tapos isasali natin ng Binibining Pilipinas,Tyak na may bago na namang Miss Universe na mula sa Pilipinas at anak pa natin._Terry.

"Haaay naku,Sinasabi mo lang yan para utuin ako.Alam ko namang mga tisay ang bet mo.Im sure,kandahaba yang leeg mo sa beach kapag nandun tayo kaya ayaw mong lumabas tayo._AKO.Pero totoo namang malamig talaga dito sa Norway,kaya hindi namin kakayanin ang temperatura at magkasakit pa kami kapag lumusong kami sa dagat.

"Wala namang sinabi yung mga tisay na yan sa beauty mo Mahal ko.
Bukod sa kaseksihan at kagandahan,kinaiingitan nila yang kulay mo for sure.Ako nga ang dapat maalarma kung sakali dahil malamang,sayo lahat nakatingin ang mga tao dun kapag nagkataon.Pero ofcourse,proud ako kung sakali dahil nasa akin yung pinapagpantasyahan nila.hahahah._Terry.Natutuwa ako sa mga papuri na binibigay ni Terry sa akin.Hindi sya madamot sa pagbibigay ng mga magagandang salita sa akin kaya mas tumataas ang self confidence ko.

"Naku ikaw talaga,Wala na akong masasabi pa.Masyado talaga akong maganda sa paningin mo.Hindi na ko magtataka kung isang araw,Ipatattoo mo na lang din itong mukha ko sa katawan mo sa sobra mong pagkahumaling sa akin.hahahha._AKO.

"Well,Actually Mahal...Naka sked na talaga akong magpa tattoo pagka uwi natin sa friend kong tattoo artist.Remember Ali?Yung isa sa staff namin sa animation department.Tattoo artsit din sya at lumalaban sa mga competition.Sa kanya ako magpapa tattoo ng mukha mo dito sa heart ko.
_Terry.Napanganga naman ako sa kanya.So,totoo nga at seryoso sya sa sinasabi nyang magpapa tattoo sya?

"Seryoso ka?Pero hindi ka pwedeng magpa tattoo dahil ikaw ang carrier ng baby natin.Ang sabi ni Mommy,Mas mainam na ikaw ang mabuntis para legally sayo nakapangalan ang baby natin._AKO.Saka nya biglang naalala yung tungkol sa pagkakaroon namin ng baby kaagad.

"Ohhhhh,Uu nga pala.Bakit nakalimutan ko yun.Well,Mas priority sympre natin ang magka baby kaya dun muna tayo mag focus.Pagka panaganak ko na lang sya itutuloy.Uhmmm,Speaking of baby,Ano bang gusto mong maging una nating anak,Babae o lalaki?_Terry.

"Sympre gusto ko baby girl.At ang name na siguradong babagay sa kanya ay...

KATIE MERCADO GUILLERMO

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon