47.TERRY

1K 43 1
                                    

17 hours ang ibinyahe namin from Manila to Norway pero sulit naman dahil sa napaka ganda at lamig sa bansang ito.Sabay sabay kaming lumapag mula sa private jet plane ni GD dito sa Oslo Airport ng Norway.

Sinundo kami ng mamahaling sasakyan mula sa Hotel Continent kung saan kami nakabook.Dun din kasi gaganapin ang kasalan.

"5 star hotel ang Hotel Continent pero hindi sya ganun ka glamorous kung titignan.Isa yun sa pinaka matagal ng hotel dito sa Oslo kaya ganun sya ka sikat._Mommy.

"Sinabi nga sa akin ni CK na malapit lang daw ang hotel natin dito sa Airport.Mga nasa 30 minutes lang,Mainam at hindi sya ganun kalayo kumpara sa ibang hotel._Tito Mandy.(Daddy ni GD)Hindi sumama sina Tita CK(Mom ni GD) at si Tito Vic(Dad ni TOP) dahil hindi nila pwedeng basta na lang iwan ang kanilang mga negosyo.

"Wag kayong mag alaala,Maayos at maganda ang serbisyo sa hotel na yun.
Siguradong marerelax kayo at sandaling makakalimutan nyo ang stress at pagod.Para sa mga young and active naman,bukod sa bar at mga restaurants meron din silang gym at spa duon para sa mga gustong mamintain ang kaseksihan nila bago ang kasal._Mommy.Hindi naman halatang pinaghandaan at pinag aralan talaga ni mommy lahat ng pasikot sikot dito sa Oslo para i guide kami.

"Naku naman Gina,Bilib ako sa effort mo para sa kasal ng anak mo ha.Ikaw talaga ang punong abala.
As in talagang inalam mo muna at pinag aralan lahat lahat.Im sure very happy talaga ang mga ikakasal dahil sayo._Tita Ava.Cool mommy si Ninang Ava kaya tuwang tuwa kami sa kanya.

"Balae,Sabihin mo lang kapag may kailangan kayo ha.Magkakalapit lang naman ang mga kwarto natin kaya madali ng katukin kapag nangailangan kayo.Magkita kita na lang tayo mamaya sa lunch._Daddy.Kanya kanya na kasi kami ng suite pagkadating namin sa hotel.

Bawat room ay dalawa ang pwedeng magkasama.Sina Ate Zeny at Nanay Joy ang magkasama sa isang kwarto,ganun din sina Mom and dad.Sina Sally at Joyce naman ang pansamantalang magkasama muna sa iisang room habang di pa kami kasal.Si Dess naman ay kay Tita Ava tumabi dahil na din sa request ni Titang sila ang magsama sa iisang room.
Tatlo kami nina GD at TOP sa isang room at solo naman ang dad ni GD sa room na si Ninong Mandy.

"Pagtiisan mo na muna kaming katabi ngayon Terry,bukas naman kayo na ni Joyce ang magkatabi eh.Ang swerte mo nga dahil nanay mo pa ang nag ayos ng weddding mo.Wala ka ng gagawin kundi mag sabi nalang ng "yes i do" bukas._TOP.May libreng mga alak sa minibar nila sa bawat suite kaya naman hindi na kami nag atubiling tikman ang mga nasa mini bar nila.

"Sinabi mo pa.Kung sino pa yung aayaw ayaw nuon na makasal ka sa babaeng gusto mo,Sya pa ang tumupad sa kasal na pangarap mo.Parang mas bumibilib na ko kay Tita Gina ngayon kaysa sa cool na si Tita Ava ah!_GD.

"Hahahaha.So papano na,hindi na si Mom ang bet mong cool na mommy kundi si Tita Gina na?Okey din naman si Tita CK ah,nagpatayo ng sariling boutique para kay Sydney,tapos sina Dess at Joyce ang staff na kinuha.
Mas naging komportable at magaan ang trabaho para sa kanila._TOP.

"Haaaist,Yan pa nga ang isa sa inaalala ko.Since ayaw ng mamasukan ni Sally sa CK mall,ibig lang sabihin na may sama sya ng loob sa akin._GD.

"Sino ba naman ang di sasama ang loob kung pinagtatabuyan sya palayo ng taong mahal nya?Alam mo ba yung ganung pakiramdam,Sobrang sakit nun.Para namang di ko yun nuon naranasan.Talagang sasama ang loob ni Sally sayo sa ginagawa mo sa kanya._AKO.

"Teka teka muna.Hindi ngayon ang oras para pag usapan ang mga bagay na yan.Dapat mag enjoy lang tayo dito.Last day ng pagiging binata este pagiging single nitong si TERRY kaya dapat party party na yan!_TOP.Hindi na muna namin pinag usapan ang isyu between Sally and GD at nag focus na muna kami sa kasal ko.

May mga bagay na hindi natin pwedeng ipilit at may mga desisyon tayong tayo lang ang makakasagot kung tama ba ito o mali.Sa ganang akin,bilang kaibigan...Wala akong ibang hangad kundi maging maayos ang paghihiwalay nila at manatili ang respeto sa isat isa.

"Lollie!May tanong ako sayo?Wag mo kong pagtatawanan ha.Promise mo yan._Joyce.Magkatabi kami sa upuan habang sini serve ang lunch namin.

"Pakiulit nga yung Lollie,Parang kahit baduy pala masarap sa pandinig kapag ikaw na ang tumatawag.Saka ano ba yung tanong mo?_AKO.
mula ng i announce ang pag iisang dibdib naming dalawa,mas naging close na kami sa isat isa lalo na si Joyce na malaki ang pinagbago.

"Kasi nga ano...Yung ano LOLLIE...About dun sa first night natin.Kailangan ba na gawin talaga natin yun sa unang araw ng kasal?_Joyce.Pinigil kong matawa sa tanong nya dahil alam kong magba blush sya ng husto kapag tumawa ako kaya pabulong ko din syang sinagot.

"Gummie ganito kasi yun.Kapag daw sa unang gabi ng pagiging mag asawa nyo,dapat sinasalubong nyo ang mahalagang okasyon na yun ng pag iisa ng inyong mga sarili.Parang yun daw ang nagsisilbing senyales na hindi kayo mapaghihiwalay pa kahit na kelan._AKO.Actually,hindi ko alam kung totoo yun,pero base yun sa pagkakaunawa ko lang naman.

"Uhmmmm,Ganun ba yun?Haaaaist.Kinakabahan kasi ako eh.Hindi ko talaga alam ang gagawin._Joyce.Natawa naman ako sa kanya dahil naka nguso sya at parang batang hindi malaman ang gagawin.

"Hahahhha.Ano kaba,Bakit ba yan kasi kaagad ang inaalala mo ha?Meron pa tayong kasal at reception na dapat isipin,Wala namang makakakita sa atin dun kapag tayong dalawa na lang ang magkasama eh,kaya relax ka lang akong bahala sayo._AKO.Kumindat pa ako sa kanya pagkasabi ko nun

"Naku,kinakabahan nga din ako para sa kasal natin bukas.Ganito pala yung feeling ng ikakasal,Pakiramdam mo nasa isang mataas kang building at any moment bigla ka nalang itutulak pababa sa lupa.Lakas maka stress.
_Joyce.Ngayon ko lang nakitang ma stress si Joyce,In fairness naman sa kanya,maganda pa din syang stress at lalo pang gumaganda sa paningin ko habang tumatagal.

Hinawakan ko ang kamay nya para iparamdam na andito lang ako sa tabi nya palagi.Isang matamis na ngiti at mainit na sulyap naman ang tinugon nya sa akin.Parang di pa din ako makapaniwala na ang pakakasalan ko ngayon ay ang babaeng dati ko lang na pinapangarap.

"Thank you Lolliepop,Salamat sa napagandang regalo mo sa akin.Hindi mo lang ako bibigyan ng bagong pangalan kundi pati ng bagong buhay.
Salamat sa hindi mo pagbitaw sa akin.
Umasa kang gagawin ko ang lahat par mging karapatdapat sayo at sa pamilya mo._Joyce.teary eyed nyang sinasabi sa kin yun kaya naman hindi ko maiwasang maluha din.

"Im more than thankful to you for accepting me to be part of your life gummie bear.Hindi mo lang alam kung gano ako kasaya ngayon.Ikaw ang nagparamdam at nag bigay kahulugan sa akin ng tinatawag na "Tunay na Pag ibig"...
Pinapangako ko sayo na hinding hindi mo pagsisisihan ang pagtanggap mo sa pg ibig ko._Ako.Then i sealed my promises to her with a kiss na tinugunan din naman nya ng mas maalab na halik.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon