"Name?" seryosong tanong ng babae
"Hmm?" walang ganang tanong ko naman.
"Pangalan mo! Akala ko ba mag-aaplay ka!" pagtataas nito ng boses. May binubulong siya sa sarili nito at narinig ko 'yon. Binalewala ko na lang. "So ano?! Di na tayo sasagot?"
"Fayre" napatingin siya sa 'kin nang pasigaw kong sabihin 'yon. Napakamot ako sa sentido. "Gwyette Fayre Elise ma'am" mahinahon pero walang ganang sagot ko. This time gusto ko nang makapasasok sa trabaho. Pang labing-dalawang apply ko na to eh. Pasiring niyang inalis sa'kin ang paningin bago binasa ulit ang resume at application letter ko. Napairap ako nang mangunot ang noo niya.
"Age?"
"Twenty-one. Ma'am"
"Why do you want to be in this company?"
"Uh..." halata naman siguro 'di ba? Napakamot ulit ako sa sentido. "Syempre"
"What?"
"Eh wala po kasi akong trabaho" practical na sagot ko sa simpleng tanong niya. May mangangapply ba namang may trabaho na? Malamang kaya nga mangangaplay 'di ba? Tsk. Nagtaka ako nang matawa siya. Pagkalauna'y nainis ako dahil sa nakakainsultong dating non sa pandinig.
Magkasing edad lang tayo, 'wag kang magmayabang tss. Mas mayaman pa nga 'ko sa 'yo kung tutuusin. Nagawa kong mabuhay ng mag-isa na walang trabaho ng ilang taon. Kaya lang, mas gusto kong magtrabaho na kaysa magyabang. Kunot noo ko siyang pinanood hanggang sa itigil na niya mismo ang pagtawa.
"I'll call you if you're hired in this job, ok?"
Tumayo na 'ko at lumabas. Malamya akong naglakad paalis dahil sa sumasakit na ang paa ko kakalakad. Alam ko na to, di pa 'rin ako tanggap. Pareho lang naman sila ng sagot sa labing-isang naunang naapplyan ko pero ni isa sa mga 'yon, hindi na 'ko tinawagan pa.
Lumabas na ako roon at pumunta sa parking lot para hanapin ang kotse ko. Mabuti naman at tahimik dito. Ipapasok ko na sana ang susi nang makaramdam ako bigla nang malakas na pagbagsak sa mismong harapan ng kotse ko! Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko nakita! Sa sobrang lakas nang pagkakabagsak, para akong nilindol sa sariling sasakyan.
"HOY!" pagsigaw ko sa loob. Loko to ah. Sino namang taong babagsak sa sasakyan ko?! Ano 'to WWE?!
Aligaga akong lumabas kaagad at huminto sa harapan pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang-
"Asan na 'yon?" wala akong nadatnang tao na bumagsak o nabagsak sa harapan. Mabilis kong itinuon sa iba't-ibang direksyon ang paningin pero katulad kanina bago ako pumasok sa loob, tahimik at walang tao dito.
Pero naramdaman ko 'yon!
Ramdam ko ang mabilis na panlalaki ng mga mata ko dahil sa biglaang pagtayo ng mga balahibo ko.
" MA'AM?" halos mabalian ko ng braso ang taong bigla na lang tumapik sa balikat ko. "Aray! Ma'am!"
"Tsk!" mabilis ko siyang binitawan. Napaimpit siya sa sakit dahil sa ginawa ko.
"Ayos lang kayo ma'am? Akala ko nagkaproblema kayo sa sasakyan. Kanina pa kayo nakatunganga dito eh"
Nakatunganga?
"Psst guard may...." napalunok ako. Itinuro ko ang harapan. "May ano..." napapikit ako nang hindi ko magawang ituloy ang pagtatanong. Halatang nagtataka rin siya. "May nakita ka bang nahulog dito? I mean, may bigla kasing bumagsak dito kanina. Parang malaki kasi malakas ang pagkakabagsak, rinig na rinig ko"
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018