CHAPTER 12

60 6 0
                                    

WARNING!!!

ANG MABABASA NIYO PO AY BASE LANG PO SA IMAHINASYON KO SORRY PO SA NAKAKATAKOT NA MGA SCENES SA STORY.









FAYRE'S POV

Kanina pa ko takbo ng takbo sa di malamang dahilan,.napaka maputik ng daanan at napakalakas ng ulan. Pero di ko maintindihan kung bakit ako nandito,Bakit ako napunta sa ganitong lugar, isang kagubatan! Tama! Gubat ito! pero pano ako napunta dito?

Halos madapa na ko sa katatakbo,di ko mapigilan ang sarili kong di tumakbo,halos hinahabol ko na hininga ko at basang basa na ako..sumabay pa ang malakas na paagkidlat. Wala akong makita at kinakapa ko lang ang dinadaanan ko.

"Elise.......Elise......"

Tumindig ang mga balahibo ko ng may narinig akong kumakanta ng apiledo ko! Kakaiba ang boses niya,..sobrang nakakatakot,..yung parang nag lullaby siya pero iba iba ang kanyang boses. Parang boses ng nasaniban..

"Mahahanap din kitaaaaa"

Nagsalita ulit ito pero sa ganung sitwasyon alam kong malapit lang siya sakin,..napakalapit na parang binulong nalang niya ito sakin.

Wala akong makita! At nakikita ko lang ang dinadaanan ko pag kumidlat!
Gusto kong umiyak,..gusto kong takasan kung nasan man ako ngayon! Hindi ko alam kung bakit nandito ako at mas lalong hindi ko alam kung nasan ako!

"Aray!" ang naisigaw ko nalang matapos akong madapa at madaplisan ang kanang paa ko sa isang kahoy na nakahiga sa daanan ko.

Dahil sa pagkidlat,nakita ko ang mabilis na pagdugo nito,.hindi ko naramdaman ang sakit,.ang mas nararamdaman ko ngayon ay takot! Ginaw na ginaw na ko, gusto ko ng makalabas sa gubat nato pero wala akong nakitang daanan at kinabahan ako ng pansin kong paulit ulit lang ang dinadaanan ko!

"Elise....Elise..."

Heto na naman ang boses.

Sinubukan kong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.. Pero bigla akong may nabangga at natumba....at ng kumidlat....

Dun ko nakita ang mukha ng nabangga ko sa harapan ko.

DEMONYO! ISANG DEMONYO.

Nakangiti ito sakin,...napakalaki ng bibig niya na abot sa pisngi nito. Wala siyang tenga kundi matataas na sungay,.kulay pula ang kanyang mga mata..pati na ang malapad na katawan nito.. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin habang.....habang nakangiti.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko gaya ng ginagawa ko sa twing may nakikita akong ganito..pero mas kinilabutan ako ng may bumulong sa tenga ko..

"Ahh-ahhh-ahhh-ahhh wahahahaha"

Ayaw kong dumilat kase alam kong malapit siya sakin,.nasa tabi ko lang siya...rinig ko ang malademonyong bulong niya....napakalalim..

Pinalupot ko ang sarili ko sa mga kamay ko habang nakayuko...gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.

"Pakiusap....umalis ka na...please...please" halos di ko na masabi ang katagang yan dahil takot na takot nako.

Pero bigla siyang tumawa ng malakas at naramdaman kong hinahawakan niya ang buhok ko at hinaplos ang braso ko...

"PATAYIN MO NA AKO!!!"

Sigaw ko habang umatras agad sa kanya! Nakita kong nagulat ito..

"YUN NAMAN TALAGA ANG GUSTO NIYO DIBA??!! KAYA PATAYIN MO NA AKO!!" sigaw ko..

Pero bigla siyang ngumiti at ang ngiting yun ang nagpabalik sa takot ko,..umabot sa pisngi niya ang ngiti nito at napakatulis ng baba niya. Tumayo siya

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon