CHAPTER 46

38 3 0
                                    


JIMIN'S POV

Tumingin ako sa orasan na nakadikit sa pader. 9:00 A.M na,nasan naman kaya si Fayre? Bat hindi pa siya umuuwi? Tumayo ako at tumingin sa bintanang natatabunan ng malaking kurtina at sumilip doon,pero wala paring dumadating.

Kinabahan naman ako dahil dun,sa pagkakaalam ko kase madilim palang sa labas ay nakakauwi na siya pero ngayon tirik na tirik na ang araw pero wala parin ang kotse niya. Gusto ko siyang puntahan at hanapin pero walang maiiwan dito,...hindi pwedeng iwan ang aso niya paniguradong magagalit yun.

Kung noon ay may naiiwan dito at ako naman ang nagbabantay kay Fayre sa labas...iba na ang sitwasyon ngayon.

"Raziel"

Mabilis akong lumingon sa likod at nakita si Hadraniel. Nagpalabas muna ako ng malalim na hininga tsaka palang humarap sa kanya.

"Bat ka bumalik?" seryosong tanong ko. Sa halip na magsalita siya ay niluhod niya ang isang tuhod niya at yumuko sa harap ko.

"H-Hadraniel--

" Patawad" unang salita palang niya ay nandun na ang panghihina. Lumuhod ako para mapantayan siya.

"Tumayo ka" utos ko "Hindi ako Panginoon para luhodan--

" Masyado akong naging mahina sa paniniwala Raziel... naguguluhan ako mismo sa sarili ko" sa di inaasahan ay lumabas ang emosyong pinipigilan niya nung magkaharap kami nung isang araw. "W-Wala n-nang t-tatanggap sakin maliban s-sayo" nanghihinang sabi niya na pinagtaka ko.

Sinubukan ko siyang patayuin pero ganun nalang din kabilis ang pagbagsak niya dahil hindi niya na maitayo ang sarili nito.

"Anong nangyayari sayo?"pag-aalala ko.

Tumingin ako sa kabuuan niya at ngayon ko lang napansin ang likidong lumalabas sa tagiliran niya. Kakaiba ang pagkakasaksak na ito at alam ko na kung anong espada ang tumusok sa kanya. Masama 'to

" Hadraniel, anong nangyari? Anong ginawa ni Beelzebub sayo?!"

"Katapusan ko na R-Raziel.."

"Hindi hindi..hindi ka mamamatay" nag-aalalang sabi ko. "Magiging maayos ka ha" pilit na pinapatibay ang loob niya. Marahan ko siyang inilapit sa may sofa.

"Alam nating wala ng paraan para magaling to kapatid" nanghihinang sabi niya. Ngayon ko lang ulit siya narinig na tinawag akong kapatid. "Gusto kong ikaw ang huling makita ko kaibigan."

"Hindi" garalgal na ang boses ko. "Tatawagin ko si Jinmichael" tumayo ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Wag n-na....hindi ako karapat-dapat na tulungan niya....t-traydor a-ako.." halos mangunot na ang noo niya sa sakit. "I-Isa p-pa....mamamatay din ako."

"Hadraniel!" sigaw ko. "Hindi ko hahayaan yun"

Bahagya siyang ngumiti pero nandun padin ang sakit. "N-Nasan si F-Fayre?"

Natigilan ako. Hindi parin siya dumadating.

"B-Bat wala pa siya?Dapat nakauwi nayun ngayon"

Umiling-iling ako,Hindi ko alam kung sino ang iisipin ko,nag-aalala ako kay Fayre pero natatakot ako sa pwedeng kahantungan ni Hadraniel.

Ang tanging kahahantungan lang ng simumang masaksak ng espada ni Beelzebub ay kamatayan. Pagkabura nito sa mundo.

"Hanapin mo na siya" hinang-hina na siya. "R-Raziel..."

"Hindi kita pwedeng iwan dito..." iling ko.

"Mas mahalaga s-siya..."

Nagmadali akong lumapit sa kanya.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon