CHAPTER 42

39 4 0
                                    

JIMIN'S POV

Tanghali na at hindi padin lumalabas sa kwarto si Fayre, gusto ko mang makita siya pero alam kong hindi ngayon ang tamang oras

Kailangan niyang magpahinga sa ngayon Raziel..

Ano kayang ginagawa niya sa kwarto niya.......umiiyak kaya siya?

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko,hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

Hindi pa nagpapakita sakin si Hadraniel, hindi pa siya umuuwi.....pero kung ako ang nasa sitwasyon niya hindi ko din kayang magpakita sa ngayon.

Pero hindi ako mapupunta sa ganung sitwasyon niya dahil hindi ko kayang gawin ang ginawa niya. Totoo ba talaga ang mga ipinapakita niya sakin noon? O baka naman parte na yun ng planong pagtatraydor niya.

Ayokong mapuno ng galit ang kalooban ko dahil alam kong masama ang kahihinatnan nun.....pero di ko maiwasang magalit talaga sa kanya.

Ganun ba talaga kadali para sa kanyang lokohin ako?Anong meron ba sa Beelzebub na yun at lahat nalang ay napapasunod niya.

Sandaling napahilamos ako sa
mukha at naisipang lumabas muna ng bahay............pupuntahan ko si Namjoon.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang gate nila ensaktong papalabas siya.

Tinignan ko ang kabuuan niya, nakaayos ito at mukhang maayos na ang hitsura niya kaysa kagabi.

"Hey" pilit na ngiting bati niya.

"Aalis ka?" pagtatanong ko agad

"Yeah may pupuntahan lang."

"Kay Danielle?" tanong ko.

"Oo eh" napahawak siya sa batok "Kakamustahin ko lang siya"

"Hmm" sagot ko. "Balitaan mo ko ha? gusto ko sanang malaman kung ok--

"Hindi siya ok" sapaw niya. "Ang weird lang kase sa pakiramdam eh,..tinawagan ko siya kanina tapos alam mo ba? Napakasaya ng boses niya.......masaya daw siya kagabi dahil sa ball" naluluhang kwento niya.

Hinawakan ko ang isang balikat niya at mabilis niyang pinunasan ang namumuong luha sa mata niya.

"I dont know how to react.... I mean...ewan ko kung matutuwa ako dahil dun o magagalit....pero lamang ang awa ko eh" garalgal ang boses niya.

"Sa ngayon yun lang ang tamang mangyari" sabi ko at napatitig siya sakin.

"What do you mean tama ang nangyari?" mahihimigan sa boses niya ang pagkalito. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Mas mabuti ng hindi na nila maalala yun kaysa naman magdusa sila diba?" pangungumbinsi ko at yumuko naman siya.

"Siguro tama ka....tama na din ang ginawa ng anghel na yun but honestly I dont know how to act normal kapag nakaharap ko siya."

"Hindi kita masisisi" sabi ko

"Hmm, I have to go now"

"Sandali lang" pagpipigil ko "May itatanong sana ako"

"Go on"

"Bakit?" paunang sambit ko at nakita ko namang di niya yun naiintindihan "Bakit ayaw mong tanggalin ang mga nangyari sa mga oras na yun?"

Natigilan siya at ilang segundo pa ay agad namang pasimpleng ngumiti,..sinsero at alam kong totoo ang pagkakangiti niya.

"One thing.....only one thing" nakangiting sabi niya habang nakangiti sa kawalan " Dahil importante sakin ang mga alaala"

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon