FAYRE'S POV
"Seryoso?" natatawa pang tanong ni Danielle
Anong nakakatawa nun?
"Eh anlabo mo talaga Fayre," sabi pa niya.
Di nako nagsalita at kumain nalang ako,nakatingin lang ako sa pagkain ko habang nag iisip.
Hindi ko pa nasabi kay Jimin na papayag na ko pumunta sila pero sigurado namang pupunta yun kahit ayaw ko talaga!
Napansin ko na ding di na nagsalita pa si Danielle. Nilibot ko ang paningin ko doon. Wala nang masyadong tao dito sa labas dahil madaling araw na at kung meron man ay mga katrabaho nalang din namin na kumakain
Nahagip sa paningin ko si Suga na mag isang kumakain sa isang bench at mukhang sa malayo nakatingin.
"Ganyan ba talaga ang ex mo?" basag ko sa katahimikan.
Tumingin siya sakin at tumingin naman siya sa tinitignan ko,bigla siyang tumawa ng mahina.
"Hmm,ganyan talaga siya," mahinang sabi niya. "At nagustuhan ko siya dahil diyan" sabi niya at napabuntong hininga.
Hanggang ngayon ramdam ko paring mahal pa niya yung Suga.
"Kung ako sayo mag move on kana" seryosong sabi ko at napalingon naman siya sakin.
"Dahil ikaw lang masasaktan" sabi ko at tumingin sa kanya. Ngumiti siya sakin pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"I also think about that but I can't" malungkot na sabi niya. "Umaasa pa din kase ako eh" sabi niya na mukhang naluluha pa.
"Masakit umasa sa wala" sabi ko
"I know" sagot niya.
Sandaling katahimikan, Lumingon lingon ako sa paligid, may mga puno padin kahit medyo open field dito.
Pero bigla akong nakaramdam ng masama, KUMIROT BIGLA ANG ULO KO.
"Ayos ka lang?" alalang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at hinawakan ko ang noo at batok ko.,sobrang masakit talaga.
At biglang nahagip sa paningin ko ang isang....
Tumayo ako agad kahit medyo nahihilo na ako sa sobrang sakit at nagulat naman si Danielle
"Kailangan na nating bumalik sa loob" seryosong sabi ko habang diretsong nakatingin sa nakita ko.
"Are you okay Fayre?" natatakot na tanong niya.
"Let's go" sabi ko habang nakatingin padin sa nakita ko.
Isang kakaiba na nilalang ang nasa likod ng malaking puno...at alam ko na kung ano yun. Hawak ko parin ang ulo ko.
"Fayre?! What's wrong? Ano bang tinitignan mo?" halatang natatakot na siya.
"Basta pumasok na tayo!" nasigaw ko at nagulat naman siya.
Hindi na ako lumingon doon dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.
Inalalayan ako ni Danielle hanggang sa makapasok na kami sa Call Center
"Masakit pa ba?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Biglaan lang" sagot ko.
Ensaktong paglabas namin sa elevator ay nakasalubong namin si..
"Sir Jungkook" usal ni Danielle
"What happened to her?" tanong agad niya sa kanya ng makitang nakaagapay siya sakin.
"Sumakit lang ho ang ulo ko,mawawala din to" walang habang sagot ko habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018