FAYRE'S POV
Minadali ko ang pagkain at pumunta sa sala. Nakaupo ang dalawa na parehong nakatingin sa sahig na parang ang lalim-lalim ng iniisip.
'Anong nangyari sa mga to? Trip ko naman sana magkwento, di nalang siguro ngayon.
Pumagitna ako sa dalawa habang may dalang malaking junkfoods at tsaka pinindot ang remote,
"Hindi ka ba matutulog?Galing ka pa sa trabaho at--"
"Hindi ako inaantok Jimin" sapaw ko agad.
Nakatingin ako sa TV habang
"Kumuha ka Hoseok" sabi ko habang inaabot ang junkfoods sa kanya
"Hindi ako kumakain niyan" sagot naman niya
Inabot ko nalang kay Jimin pero.
"Busog ako" sagot naman niya
'May kakaiba sa kanila,ramdam ko lang. Kanina pa sila tahimik at walang imik sa isat isa. Di kaya nag aaway padin sila?
"Bahala na nga kayo!" inis na sabi ko at nilagay sa hita ko ang plastic ng junkfoods habang nakafocus sa TV.
Ano ba tong pinapanood ko? Sofia the first? korni tsk! Inilipat ko sa ibat ibang channels ang TV, may bigla akong naalala, napangiti nalang ako sa natandaan ko hehe
"Alam niyo hapon noon ng pumunta si Namjoon tapos dinalhan ako ng kimchi dito, nanonood ako ng TV noon at ayoko talaga ng may ibang taong pumupunta dito. Alam niyo ba na pagbalik ko sa sofa ibang channel na ang TV? Hahaha pakiramdam ko mukhang hindi si Shanks ang naglipat noon.....hindi ba??" nakangiti akong tumingin kay Jimin na halatang wala sa sariling nakayuko padin.
"Ang totoo niyan...ako naglipat nun hehe" nakangiting sagot ni Jimin habang sinusubukang tumingin sakin.
"Sabi ko na nga ba! Hahahaha!" maingay na tawa ko.
'Ano bang nangyayari sakin? Bat parang ako pa ngayon tong gusto ng ingay! Tsk!
"Hay pambihira mabuti at nagpakita kayo,kundi mababaliw ako kaiisip sa mga kaweirduhang nangyayari sa paligid ko" unti unting winala ko ang ngiti sa mukha ko
'Ikaw pa ba to Fayre? Tsk! Oo ako to! Sinusubukan ko lang kausapin ang dalawang to kase masyadong tahimik! Dati naman sila yung maingay!
"Pano kung hindi kami nagpakita nilalang? Aalamin mo ba?"
Napalingon ako kay Hoseok ng itanong niya yun, ngumisi siya pero nakayuko padin
"Hmm,ang totoo naman talaga nilalang, hindi namin sinasadyang magpakita sayo,.kusa mo kaming nakita"
Natigilan ako sa sinabi niya,.kusa ko ba talaga silang nakita? Akala ko ay nagpakita talaga sila sakin eh!
"May mga bagay na hindi inaasahan kapatid, at yung bagay na yun alam nating may dahilan....madaming dahilan" sabay naman samin ni Jimin.
Nasa gitna nila ako at aaminin ko wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
"Minsan hindi natin inaasahan" sabat ko nalang,ewan ko kung pasok dun sa sinasabi nila.
"Hmm,tama" nakayuko pading sabi nila.
Tumingin ako sa sahig at napakunot noo.
"Ano bang meron sa sahig at diyan kayo nakatingin?!" inis na talagang tanong ko
"Wala,nag iisip lang" tawa ni Hoseok
'Weird talaga
Tumayo ako at may kinuha sa cabinet.,.kumuha nadin ako ng lighter at umupo ulit. Nilagay ko ang sigarilyo sa bibig ko at sinindihan ito,..pagkatapos ay ibinuga. Pareho silang napatingin sakin.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018