SUGA'S POV
ILANG BUWAN na ring hindi na pumapasok si Fayre sa call center at pinaalam niya naman sakin kung anong dahilan niya. Sa pagdaan ng mga araw ay madami ng nagbago sa buong Call Center, kasabay na rin dun ang pagbabagong napapansin ko kay Penemuel o mas kilala sa pangalan na Jungkook. Napapansin kong madalas siyang wala sa opisina niya at ang secretary nalang ata nito ang kumikilos at umaasikaso sa lahat.
Wala mang kumekwestiyon sa kawalan niya pero siguro nga ako lang din ang nakakapansin ng mga pagbabago sa mga kinikilos niya.
May 10 minutes break kami pero nanatili akong nasa pwesto ko, wala din masyadong kumain sa labas dahil sa sobrang lakas ng ulan, sinabayan pa ng malakas na hangin at kidlat.
Kinuha ko ang phone sa harapan ko at tinignan ito, inopen ko ang mga naging texts namin ni Fayre nitong mga nakaraang araw. Nakakatawang isipin na sa yaman niyang yun ngayon lang siya gumagamit ng phone, at mas nakakatawa pa ay ang bagal magreply , ang bagal sigurong magtype tsh.
Compose Message:
To: FayreHey! Ano na? Napapanaginipan mo pa ba?
Message sent
Tinitigan ko pa ng ilang minuto bago nagvibrate sa kamay ko.
From: Fayre.
Ang alin?
Sarap talaga ka text nito tsk.
Compose Message:
To: FayreYung lugar na sinasabi mo sakin.
Message sent.
<vibrate>
From: Fayre
Oo, pero masyadong malabo padin ang detalye ng lugar na yun...anong gagawin ko para luminaw yun sa panaginip ko?
<typing>
Compose Message:
To: FayreMagsuot ka ng eyeglass kapag natulog ka.
<vibrate>
From: Fayre
Nakakatulong! Salamat ha!! Tsk
<typing>
Compose Message:
To:FayreBiro lang......bakit di ka magpatulong sa mga kaibigan mong ANGHEL??
<vibrate>
From: Fayre
Ayoko pang malaman nila ang tungkol dun.
Compose Message:
To: FayreBakit? Di ba mas maganda pag alam nila, baka nga pamilyar nila ang tungkol dun
<vibrate>
From: Fayre
Wag muna ngayon,.kailangan ko pang makasiguro kong ano yun.
<typing>
To: Fayre
Ano ba kaseng napanaginipan mo? Idetalye mo kase
<vibrate>
From: Fayre.
Basta....sge na bye!
Sarap talaga kausap eh,tsk. Umiling-iling ako habang nilalagay sa bulsa ang phone.
"Mukhang masaya ka sa katext mo ha"
Liningon ko ang boses na yun at lumapit naman si Danielle.
"Binilhan kita ng snacks, di ka pa kase kumakain" sabi nito at nilagay ang pagkain sa table.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018