CHAPTER 34

35 3 0
                                    

JIMIN'S POV

Simula nung malaman ni Namjoon ang tungkol saming dalawa ni Hoseok at kung ano talaga kami ay lage na siyang pumupunta dito sa bahay ni Fayre. Wala naman kaming magawa kase alam namin na mahalagang ipaliwanag sa kanya LAHAT.

Natatakot kase kami sa sinabi ni Hoseok,..Baka daw MABALIW.

Lahat ng gusto niyang itanong ay sinusubukan naman naming sagutin lahat.

Kakaiba pala ang isang 'to kase ATHEIST daw siya..yun daw yung hindi naniniwala sa Diyos.

"So bro, totoo ba talagang may Diyos?" tanong na naman niya.

Pang isang daan na ata niyang tinatanong ito.

"Oo," ngiti ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa lamesa, ako, si Hadraniel at si Namjoon. Kumakain ang taong to at nakatingin lang kaming dalawa sa kanya.

"Do you want to eat?" tanong pa niya habang ngumunguya.

"Wag na hehe" sagot ko naman.

Lumingon siya sa kabuuan ng buong kusina. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Maganda kase talaga ang bahay ni Fayre hehe.

"Totoo talagang may Diyos?" tanong na naman niya.

Ikadalawang daan at isa na niyang tinatanong.

"Teka pano ba kayo napunta dito sa lupa?? Oh! Let me guess let me guess-- pinatapon kayo ng Diyos haha!" kwento niya na tatawa tawa pa.

Lumingon ako kay Hadraniel at mukhang di niya nagustuhan ang sinabi ni Namjoon. Yumuko nalang ako at nag isip.

Kamusta naman kaya si Fayre sa trabaho niya ngayon? May sumusunod na naman ba sa kanya?

"Nagkakasundo ba kayo ng Fayre na yun?" tanong niya habang nakangusong tumitingin sa pagkain.

"Oo naman hehe" sagot ko. Nanatiling hindi nagsasalita si Hadraniel at nakikinig lang samin.

Ano kayang problema ni Hadraniel? Kanina ko pa napapansin ang mga kinikilos niya. Mukhang lageng may iniisip at lageng nakakunot ang mga noo at salubong ang kilay.

"Ang tahimik niyo naman!" sigaw ni Namjoon at pareho kaming napatingin sa kanya. Tapos na pala siya sa pagkain.

"Mukhang ayaw niyo ako dito" malungkot na sabi pa niya.

"Hindi, a-ayos lang hehe" sagot ko naman.

Biglang linapit ni Namjoon ang upuan niya sa tabi ko sabay bulong.

"Mukhang mainit sakin ang ulo ng kasama mo" bulong niya.

"May iniisip lang siya hehe,hayaan mo na" bulong ko din.

Nang tumingin samin si Hadraniel ay dali daling lumayo si Namjoon sakin.

"Narinig namin kayong nag uusap ni Fayre," biglang salita ni Hadraniel. "Para saan yun?" seryosong dagdag pa niya.

Nakita ko naman na natigilan si Namjoon at mukhang nagdadalawang isip na magsalita.

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag, " nasabi ko nalang at tumingin kay Hadraniel at yun na naman ang salubong na kilay niya at kunot ang noo.

May hindi siya sinasabi sakin.

"Pwede bang magtanong ulit?" tingin sakin ni Namjoon.

"Hmm" sagot ko.

"May gustong alamin si Fayre sa lahat lahat, sa inyong dalawa, sa mga katulad niyo at higit sa lahat sa pagkatao niya... gusto ko lang sanang itanong kung...kung bakit...." natigilan siya.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon