CHAPTER 54

48 2 0
                                    

Warning : Matured Contents.

Background Music : <My Immortal>by : Evanescence


JIMIN'S POV

Nakita ko kung pano tinulungang makatayo ng lalaking yun si Fayre habang ang dalawa ay mukhang masaya pa.

"Anong gagawin mo?" pigil ni Hoseok sakin

"Ano pa nga ba,..kukunin ko siya" pinilit kong pinakalma ang sarili ko sa nakikita ko ngayon.

"Ha?"

"Iuuwi ko siya" seryosong sabi ko at naglakad nako papalapit sa dalawa.

Nakita ko kung pano nag-iba ang reaksyon ng lalaking yun ng makita ako. Natigilan siya.

"Ako na" sabi ko

"Ako na,...yung aso nandun pa" sagot niya

"Ako ng bahala kay Fayre,..si Hoseok ng bahala sa aso niya,." seryosong sabi ko

"Hawak ko na siya eh,..baka pwedeng tulungan nalang ako?" sagot naman niya.

Nagtiim ang bagang ko.

"S-Suga" tawag ni Fayre sa kanya.

Hindi ko na hinintay pang ibigay niya sakin si Fayre at ako na ang humila sa kanya papalapit sakin

"Salamat" seryosong sabi ko

Ngumisi siya.  "Mauna na ko" sagot nito at umalis na.

Itinulak ako ni Fayre papalayo sa kanya na pinagtaka ko.

"K-Kaya k-ko n-na" utal na sabi niya at buti nalang nasalo ko siya agad bago pa siya matumba.

"Nagpapahawak ka sa taong yun pero sakin umiiwas ka?" tanong ko

Sa halip na sumagot siya ay tinulak na naman niya ako papalayo sa kanya

"Fayre!"  nasalo ko naman siya sa pangalawang pagtumba niya at napayakap sakin

"Ok ka lang?" bulong ko at umiling siya.

"Hindi....hindi..hindi...hindi....hindi na ata ako magiging ok" sagot niya sabay tawa.

Ano bang nangyayari sayo Fayre?

"Raziel" tawag sakin ni Hadraniel.
"Mauuna na ko sa bahay nila,.ako ng bahala sa aso niya"

"Ako ng bahala kay Fayre" presinta ko "Fayre" baling ko sa kanya.

"Oh?" natatawang tanong niya habang ang isang mata ay nakapikit. "Akala ko ba iniwan niyo nako?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka naman namin iniwan ah,..naglalasing ka ba dahil diyan?"

"Hindi ah shhkk,..buti dumating si Suga kaya may kasama ako--

"Fayre" pigil ko.

"Alam mo, napapansin kong nagagalit ka sakin kapag binabanggit ko si Suga--"

"Fayre" pigil ko ulit

"Oh diba?....nagseselos ka noh?"

OO

"Fayre" tawag ko

"Nagseselos ka eh...shhk"

"Lasing ka na"

"Lasing ako oo...pero alam ko ang pinagsasabi ko" sumeryoso siya. "Ok sorry.....bakit ka naman kako magseselos " tawa niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito, mukhang madami nga siguro ang ininom niya.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong mag lasing ng ganito? Ha Raziel? Dahil sayo! Ah!" duro niya na kinagulat ko.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon