CHAPTER 6

100 8 1
                                    

FAYRE'S POV

"Sa tingin mo magiging maayos siya?"

"Babantayan natin siya hanggat maaari,..yun lang ang tulong na mabibigay ko sa nilalang"

Yun ang mga salitang narinig ko,..atleast sa panaginip may nagsasabi ng ganito

TEKA!!! ANO??!!! PANAGINIP??!! TULOG AKO??!!

Anak ng!! Nakatulog talaga ako! Teka nasan ako?!

Bumangon agad ako sa pagkakahiga malamang,..teka...nasa kwarto ako? Anong ginagawa ko dito? At! Anong nangyari sakin?!

Pambihira ang sakit ng ulo ko pati ang buong katawan ko! Hindi ako makapag isip ng mabuti dahil kumikirot talaga ang ulo ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Shanks na kumakain! Sinong nagpakain sa kanya?!

Ahhhhh! Bwisit! Ano ba talagang nangyari!

Pinisil ko ang leeg ko at inikot ng bahagya ng biglang

ANAK NG!!

"Hoy anong ginagawa mo sa bahay ko!!" galit na sigaw ko na malamang ikinagulat niya.

Ano namang kinain ng weirdong ito at ngayon pumapasok pasok na sa bahay ko!

"B-Bukas a-ang p-pinto s-sa la-labas ka-kaya p-pumasok ako." halos pautal utal nitong sagot.

"At sino namang nagsabi sayong pumunta ka dito ha?!" sigaw ko na naman.

Naiinis ako kase kahit kailan hindi ako nagpapapasok ng mga kahit sino sa bahay ko! KAHIT SINO!

Pansin kong may tinitignan siya sa likuran ko, lumingon ako sa likod wala namang meron.

"Hoy! Ano bat di ka makasagot?!"

Nakita kong may hawak siyang plastik at sa naaamoy ko mukhang pagkain,.

"Ehh.....kase pinapunta ako ng relative mo dito eh,"

What!!!! Anong relative???!!

At mas kumulo pa ang ulo ko ng naglakad siya at pumunta sa kusina! Ang kapal naman talaga oh!

"Hoy! Wala akong relative!! At isa pa sinong tao naman ang nagsabi sayo na pumunta ka dito ha?!!"

Nakita ko na nagulat din siya sa sinabi ko.

"Jinjayo??"

Heto na naman siya,.di ko maintindihan woy!

Sinundan ko siya sa kusina at tiningnan ng masama,.tumitingin tingin din siya sa paligid.

"I-Imposible....p-pinuntahan nga ako ng relative mo sa bahay...t-tapos ang weird pa niya...di nako nagtaka eh kase weird ka din eh" patawang sabi pa niya.

Errrr...kung nakakain pa ang tao matagal na kitang kinain weirdo! WALA NGA AKONG RELATIVE! WALA! WALA! WALA!

"Wala nga akong relative! Nakikita mo namang ako at ang aso ko lang ang nakatira dito! Bakit may nakikita ka pa bang iba ha?!"

"Ho...ho...ho..."

"Anong HOHOHO! sira ka ba?!" sigaw ko nanaman.

"Tsk! pwede bang wag mokong sinisigawan!! At wag ka maka hoy! Namjoon pangalan ko at hindi hoy!" sigaw niya sakin bigla,natahimik naman ako.

Napabuntong hininga siya at may kung ano na namang tinitingnan sa likuran ko. Tuleg talaga!

"W-Wala ka ba talagang kasama dito?" Halos pabulong niyang tanong.

"Meron" sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Aso malamang" sagot ko, abnoy talaga.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon