CHAPTER 49

33 4 0
                                    

NAMJOON'S POV

Ikinwento nga ni Danielle lahat sakin, simula kung bakit nakipag-break si Suga sa kanya hanggang sa kung bakit ayaw niyang pumasok sa trabaho ngayon.

Nakipag break si Suga dahil ayaw niyang masaktan at mahirapan si Danielle sa huli., dahil may kailangan siyang hanapin at gawin na alam niyang di maiintindihan ni Danielle........stupid reasons.

Malalim ang pagbuntong hininga ko habang nakatingin sa basong hawak.

At ngayon pinaghihinalaan niyang may relasyon sina Suga at Fayre dahil sa nakita niya., I can't believe this.

Napakamot ako sa ulo, gustuhin ko mang maniwala sa sinabi niya pero wala sa pagkatao ni Fayre ang mga ganitong bagay. Nahirapan nga kong makalapit sa babaeng yun noon.

"I saw them hugging Namjoon...I saw them" emosyonal na sabi niya habang nakayukong nakatingin sa baso.

"I dont know what to say" nauutal na sabi ko. Totoong wala talaga akong masabi.

Ngumiti siya. " I'm ok to see you listening to me".

Tinitigan ko lang siya at lasing na talaga ito, gustuhin ko mang pauwiin siya pero may part sa sarili kong gustong magkasama kami. Gusto kong nasa tabi ko lang siya, gusto kong pakinggan lahat ng ikwekwento niya kahit alam kong hindi ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganito pero masaya ako na ako yung kinakausap niya tungkol dito.

Nasasaktan ako para sa kanya, nagagalit ako para kay Suga, gusto ko siyang sumbatan sa pagpaparayang ginawa ko para sa kanilang dalawa, gusto kong pagsisihan niya ang ginawa niya kay Danielle pero hanggang dito lang talaga siguro ako.

"Iuuwi na kita" pagdedesisyon ko. Tumingin ako sa relos at ensaktong 11 pm na. Although madami pa namang tao sa bar mas gusto kong magpahinga na siya.

"Maaga pa" nakangusong sabi niya. "Cheers" itinaas niya ang basong hawak niya at ginaya ko nalang din siya

"Promise me that after we finish this bottle we'll leave ok?"

"Fine" nakangiting isinuko niya ang dalawang kamay. Inubos ko ito ng isang lagok at ganun din siya. Kumuha ako ng isang hiwang lemon at sinipsip ito. Napapainom tuloy ako dahil sa kanya

"Kailan ka pa natutong uminom?" pagtataka ko.

Tumawa siya." Me?" turo niya sa sarili nito. "Hmm...after our break up?" tawa niya.

"Tch!" napaiwas ako ng tingin sa inis. Ganito pala talaga ang epekto ng masaktan.

"How about you?" turo niya sakin.

"Boredom" sagot ko pero ang totoo ay dahil din sa kanilang dalawa noon.

Sandaling katahimikan ang namutawi saming dalawa, Walang nagsasalita at malalalim ang iniisip.

Geunyeoga tteonagayo
Naneun amugeosdo hal su eopseoyo
Sarangi tteonagayo
Naneun babocheoreom meonghani seoissneyo....




Nakuha ang atensyon ko sa pagkanta ng banda sa maliit na stage sa bar. Parang ngayon lang ako nakarinig ng kumakanta sa sarili naming lingwahe.




Meoreojineun geu dwismoseupmaneul baraboda
Jageun jeomi doeeo sarajinda
Sigani jinamyeon tto mudyeojilkka
Yet saenggagi na
Ni saenggagi na...



I’m looking at her, getting farther away. She becomes a small dot and then disappears.Will this go away after time passes?I remember the old times. I remember you.....napapikit ako ng isiping yun ang translation ng kanta.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon