WARNING! read at ur own risk...
A/n : All the scenes, details, places, etc. are all fiction.
FAYRE'S POV
Nagmadali akong naligo at kumain, pinakain ko din ang aso ko bago ako lumabas ng gate. Tinanaw ko pa ang kabuuan ng bahay pero wala talaga sila.
Nasan naman kaya ang mga yun?
Imbes na sumakay sa kotse ay nilakad ko nalang ang kalsada hanggang sa labas ng village.
"Good morning ma'am" bati ng guard.
"Good morning" bati ko rin.
Kaagad namang pinagbuksan ako ng guard at kahit di pa ako nakakalabas ng gate ay tanaw na tanaw ko na si Jungkook sa kabilang kalsada na nakatayong nakasandal sa labas ng kotse nito habang parehong magkakrus ang dalawang braso at paa ,nakatingin sakin.
"Salamat" sabi ko sa guard.
Tumawid ako sa kalsada at naglakad papalapit sa kinatatayuan niya.
"Handa ka na?" tanong ni Jungkook.
"Hmm" tanging sagot ko.
"Let's go" papasok na sana siya pero pinigilan ko muna. "Bakit?".
"Wala si Jimin at Hoseok sa bahay"
"Talaga? Ahmm,..nasan ba sila?"
"Hindi ko alam,..nagkita ba kayo kanina?" tanong ko at umaasang alam niya kung nasan sila.
"Hindi ko alam,..hindi ko siya nakitang lumabas eh"
"Ahh...ok" napayuko ako sa pagkadismaya.
"Let's go"
Pumasok na ko at umupo sa front seat, sa tabi niya.
"Are you ok Fayre?"
"Ha?.....ahmm oo....medyo masama lang pakiramdam ko"
"May lagnat ka?"
"Hindi ko alam,..wala to,.ok lang ako"
"O-Ok,..are you sure you're really ok?"
"Oo" pekeng ngiti ko. "Puntahan na natin si Suga"
"Hmm, ok" nilagay na niya ang susi at minaniobra ang manibela.
Habang nasa biyahe tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana.
"Are you sure you really ok?"
Liningon ko siya at tumango. "May iniisip lang ako"
"Talaga? Ano??"
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa sa kanya na kakaiba ang araw na to sakin,..kakaiba sa pakiramdam.
"Fayre?"
"Wala.....wala to" sagot ko. "Ahh alam mo ba ang address niya?" pag-iiba ko.
"Yup,.nagtatrabaho siya sa kompanya ko kaya na trace ko" nakangiting sagot niya.
"Ahm ok," sagot ko at diretsong nakatingin sa kalsadang dinaraanan namin. "Sa tingin mo ba nasa kanya ang simbolong yun?"
"Hindi ko alam, pero sana nasa kanya nga yun dahil kung hindi kailangan pa nating hanapin ang pangalawang nephilim at mahihirapan tayo dun"
"Sa tingin mo ba ibibigay niya yun?"
Tumingin siya sakin at ngumiti. "Kailangan nating makuha yun,..at kung talagang gusto niyang makatulong ibibigay niya yun"
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018