CHAPTER 26

34 4 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Hadraniel" naiusal ko

Nakatingin naman ito ng diretso sakin at walang kakurap kurap na tumingin ako sa kanya.

'Pano niya alam ang lugar na ito?

"Kapatid" nakangiting sabi niya sakin.

Naglakad ako papalapit sa kanya at tumingin pa sa kanya bago ko siya yakapin.

"I'm happy to see you again Hadraniel" nakangiting sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Lumayo agad kami sa isat isa at nakangiti.

"Ibang iba ka na." sabi niya.

"Hahahaha, look at me, naging mayaman ako sa lupa" tawang sabi ko

"Pero hindi masaya" diretsong sagot niya at natigilan naman ako. Nawala ang mga ngiti sa labi ko.,hindi ko alam pero parang ganun kalaki ang impact ng sinabi niya

"I-Im happy" pilit na ngiti ko

"No you're not" diretsong sabi pa niya.

Di agad ako nakapagsalita.

"Hahahaa sakto ba yung nasabi ko? English ang salitang yun diba?" nasabi niya at nagulat naman ako.

'Anong nangyayari dito??

"Hahaha yeah,oo...tama" tawa ko.

Biglang sumeryoso ang mukha niya na nakatingin na naman sakin ng diretso.

"B-Bat mo alam na nandito ako?" seryosong tanong ko

"Naramdaman ko lang at tama nga ako" sagot niya.

Hindi ko alam pero alam kong may ibang dahilan pa talaga siya. Wala pang nakakapunta dito na katulad namin maliban sa kanya.

"Nandito ka ba para kamustahin 'lang ako?" pag didiin ko pa.

"Sumama ka ba kina Beeldezub?" biglang seryosong tanong niya.

"Hindi ko inaasahang tatanungin mo yan,pero ang sagot ko 'hindi" pagdidiin ko na naman.

Hindi ko gusto si Beeldezub kahit noon pa,at kahit kumampi ako sa kanya noon,wala akong nakikitang potensyal sa kanya para maging diyos namin.

Hindi siya nagsalita.

"Baka ikaw?" tanong ko at nagulat ako sa reaksyon niya.

"H-Hindi....kasama ko si Raziel"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Magkasama kayo ni Raziel?" takang tanong ko

"Oo" sagot niya.

"Unbelievable" tawang sagot ko naman at napakunot noo naman siya.

Hindi ko inaasahang magkasama ang dalawa, dahil akala ko matagal ng patay si Raziel, isa siya sa mga anghel noon na hindi ko inaasahang kakampi kay Beeldezub dahil masyado siyang mabait.

"Kailan ka pa nagpanggap na tao?"

Nabalik ako sa reyalidad ng tanungin niya yun.

"Matagal na Hadraniel, matagal na kong naging tao" sagot ko.

"Kahit kailan hindi tayo magiging tao,pero ang magpanggap,pwede" serysong sabi niya sa mukha ko.

"Eh ano ang nakikita ko ngayon Hadraniel? Nakasuot ka ng pantao at kung umasta ka ngayon ay parang tao din," sagot ko

"Hmm,ito," tigil niya na tumingin sa damit niya. "Panandalian lang hehe"

"Kamusta si Raziel?" pag iiba ko

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon