JIMIN'S POVNaikuyumos ko ang pareho kong kamay habang nakatingin sa bintana ng sinasakyan namin. Madiin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko habang napapapikit sa inis. Kung pwede lang sanang lumipad nalang ako papunta doon.
Sana mali ang naiisip ko!
"Matagal pa ba tayo?" nawawalan ng pasensyang tanong ko kay Namjoon na kasalukuyang nagmamaneho.
"A-Ah...m-medyo" nagkatinginan kami pareho sa salamin.
"Wala pa bang mas mabilis pa dito?"
"Raziel" suway sakin ni Hadraniel.
"A-Ah...mas bibilisan ko na lang......I'm really sorry for what happened."
"Wala ka namang kasalanan dun Namjoon, pareho lang tayong naloko" sagot ni Hadraniel sa kanya.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Sana mali tong naiisip ko, sana lang talaga"
"Kumalma ka Raziel, walang mangyayaring masama kay Fayre--
" Bakit di niya sinasagot ang tawag?!" inis na tanong ko. "Bakit nakapatay ang selpon niya?!"
"Maybe she's sleeping?" si Namjoon.
Kumunot ang noo ko. "Sa ganitong oras?" tanong ko habang napatingin sa labas ng bintana. "Namjoon ilang oras tayong nawala!"
"Raziel" suway na naman sakin ni Hadraniel. "Walang may gusto nito"
Napapikit ako sa inis. Alam kong walang may kasalanan nito at alam kong pareho lang kaming nabiktima sa simumang gumawa nito pero naiinis ako dahil sa sarili ko, kase hanggang ngayon madali parin akong naloloko!
At namalayan ko na lang na huminto na ang sinasakyan namin sa mismong tapat ng bahay ni Fayre.
Mabilis akong lumabas sa kotse at binuksan ang gate ng bahay niya. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay tinatawag ko na siya.
"Fayre?!" sigaw ko. "Fayre?!" pag-uulit ko na naman.
Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sakin. Walang anu-ano'y binuksan ko ang pinto pero wala akong naririnig na anumang bakas o ingay kung sakaling pababa ng hagdan si Fayre o anu.
"She's not here" nanlulumong sabi ni Namjoon. "Saan naman nagpunta yun?"
Napapikit na naman ako sa sobrang inis at kaba.
"Raziel, Hadraniel"
Sabay sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses at nag-angat ng tingin sa may hagdan. Naririnig namin ang bakas ng mga paa niyang pababa dito.
Bigla akong kinabahan ng makita ang hitsura ni Jinmichael na galit na galit at seryosong-seryoso. Nanginginig akong napaluhod sa harapan niya ng huminto ito.
"Bakit wala si Fayre dito?" seryosong tanong niya.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nagsalita. "Umalis kami kanina pero--
"Umalis? Hinayaan niyong mag-isa dito ang propeta?" kunot noong tanong niya. Tumayo ako at tumingin ng diretso sa kanya pero hindi din nakasagot.
Naramdaman kong hinawakan ni Jinmichael ang damit ko at seryosong nakatingin sakin. Mabilis namang lumapit si Hadraniel sa pagitan namin dahil sa nabubuong tensyon.
"I-I c-can explain everything Jin" lumapit din si Namjoon samin. Seryosong tumingin sa kanya si Jin habang hawak parin ako sa kwelyuhan.
"Kasalanan ko to" panimula ni Namjoon. "Kaninang umaga,humingi ako ng tulong sa kanilang dalawa dahil tumawag sakin ang...ka-kaibigan ko na sinusundan daw siya ng ewan ko pero sabi niya nakakulay itim.....trinace namin yung location ni Danielle para tulungan siya pero ng matrace namin yun,...napunta kami sa isang parang patay na disyertong lugar..." mahabang paliwanag niya. "Hinanap namin siya dun pero wala siya, later on may nakita kaming lagusan,pumunta kami d-dun,..pero namalayan nalang namin na nasa gitna na kami ng kalsada....sa mga rumaragasang sasakyan!" nanginginig na kwento pa niya. "Tapos....tapos...tinawagan ko ulit si Danielle pero putsa nasa bahay lang pala siya....napaglaruan kami!"
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018