CHAPTER 31

31 4 0
                                    


FAYRE'S POV

"Kringggggg!!! Kringgggg!!"

Alarm clock

Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga at tumingin sa kalendaryo..

"Sunday" mahinang sabi ko habang nakapikit pa ang isang mata.

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina.

"Magandang umaga 'Nilalang!" nakangiting sigaw agad ni Jimin ng makitang pababa ako ng hagdan.

"Hmm" ngiti ko lang.

Kasalukuyan silang umiinom ngayong dalawa ng 'kape.....weird.

"Kailan pa kayo umiinom ng kape?" takang tanong ko.

"Ahhhh...pag wala ka? Hehe" sagot naman ni Jimin. "Kumain ka na" sabi pa niya.

Umupo na ako sa tabi ni Hoseok na kanina pa nakatingin sa dyaryo habang humihigop ng kape.

"At kailan ka pa marunong magbasa?" tanong ko naman habang humihigop na din ng kape.

"Ilang milyon na ang nakakaraan." seryosong sabi pa niya at muntik na kong masamid sa iniinom ko.

Kaaga aga ang sungit,.tsk!

"Madami kaming alam na hindi niyo pa alam nilalang" nakangiting sabi bigla ni Hoseok at nagulat naman ako sa ngiti niya.

"Kailan ka pa nakakangiti ng ganyan?" natatawang tanong ko.

"Bakit bawal ba" nakangusong sagot naman niya.

"Tsk!tsk! Tsk! Mukhang nilamon na nga kayo ng sistema ng mundo....hayst pero habang ako ay parang ganun padin kabwiset ang mundo."

"Fayre" banggit ni Jimin sa pangalan ko kaya lumingon ako at nakita ang pag lungkot sa mga mata niya.

"Hahahaha" tawa ko. "Humigop lang kayo" nasabi ko nalang.

*Matagal na katahimikan*

"Nasan si Shanks?" basag ko sa katahimikan.

"Nandyan sa sala" sagot ni Hoseok at nakatingin parin sa dyaryo.

Lumabas ako sa kusina at pumunta ng sala at..

"Shanks!" sigaw ko agad kaya dali dali siyang lumapit sakin.

"Hmm kamusta naman tong aso ko ha?"tanong ko habang yakap yakap siya.

Dinilaan pa niya ako at umastang tatalon sakin kaya napatayo ako at masayang tinitignan siya.

" hayy, mukhang magiging busy parin ako sa susunod na mga araw Shanks lalo na na malapit na ang Anniversary ng kumpanyang yun," nakangusong sabi ko pa.

Naisip ko na naman ang BALL., Tsk bweshet.

"Pano ko ba sasabihin sa Jimin na yun na siya na lang maging escort ko total matigas ulo nun." mahinang sabi ko pa na si Shanks lang ang nakakarinig.

"T-Talaga?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko at unti unting tinatakpan ako ng HIYA. Lumingon ako sa likod ko at nakangiting tumingin sakin si JIMIN.

WTH?

"AH-ah" utal na sabi ko.

"Narinig ko" parang bata na sabi pa niya habang nakangiti.

"Eh ano naman sayo?!" sigaw ko at natigilan naman siya. "Eh kahit umayaw ako eh pupunta ka parin dun diba?! Diba?! Ha?!

" Hindi ah" mahinang sabi pa niya.

Naramdaman ko na naman tuloy yung hiya....kill me now.

"Pero dahil narinig ko na pumayag ka na..eh pupunta talaga ako" ngiti pa niya.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon