Tahimik na kaming kumakaing tatlo,nakikita ko namang nagugustuhan nila ang pagkain. Di ko maisip na ang tulad nila ay marunong kumain! Galing mo talaga Fayre.
"Oh baka gusto niyo pa ng extra rice?" sabay abot ko sa kanin. Nag uunahan pa, hmm yan ba yung di kumakain ha? Hahahaha!
"Kung gusto niyo pa, kumuha nalang kayo doon total ang dami niyan,kasalanan niyo yan eh" tumayo na ako at uminom ng tubig. Kumuha na ko ng pitsil sa ref at nilagay sa lamesa para kung mabulunan may pantulak! Baka mamatay pang mga lalaking to dahil nabilaukan!
Biglang sumakit na naman ang ulo ko dahilan para makasandal ako sa lababo. Ano ba tong nangyayari sakin?
Tumingin ako sa dalawa,kumakain padin at di nag iimikan! Pasalamat kayo sakin kase pinapakain ko kayo. Napabuntong hininga nalang ako habang hawak ko parin ang ulo ko. Sasabihin ko ba sa nga to ang nakita ko? Baka may alam sila kung ano yun? Puting pakpak yun habang sa kanila ay itim, di kaya kalaban nila yun? O baka isa din sa kanila pero iba lang ang kulay ng pakpak?
"Ahhhh" sobrang sakit na naman..mahinang bulong sa sarili ko para di nila ko mapansin,masyado silang abala sa pagkain eh, Baka mamaya ko nalang sabihin sa kanila ang mga nakita ko kanina.
Binuksan ko ang kaldero, madami pading menudo! Kainis naman oh,baka mapanis pa to tsk!
"Gusto niyo pa?!" sigaw ko, lumingon naman sila sakin na halatang mga busog na. Umiling iling lang ang dalawa.
Bigyan ko kaya yung Namjoon na yun?! Tama! Para naman di na pakialamero sa buhay ko.
Kumuha ako ng maliit na Tupperware at pinuno yun ng menudo!
"Saan ang punta mo nilalang?" tanong naman agad ni Jimin. Kailangan ba talaga lahat ng puntahan ko dapat alam niya?
"Sa weirdo lang!" inis na sagot ko. "Ibig kong sabihin dun sa Namjoon"
"Ahhh,tara samahan kita--
" Wag na! At tsaka lalakarin ko lang sasama ka pa?" tanong ko
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at lumabas na ko ng gate. Para akong timang hawak sa dalawang kamay yung tupperware. Bat pa kase kailangan ko pang pakisamahan yun?
Ng nasa harap na ako ng main gate nila,pinindot ko agad yung doorbell
<ding,ding> door bell yan
Dalawang beses kong pinindot yun, bingi ata tong Namjoon na to eh!
Tatalikod na sana ako ng narinig ko ang pagbukas ng pinto sa loob.
"Waeyo?!" rinig ko pang sigaw niya.
Weyo mukha mo!
"Oh! Look who's here!" parang excited pa niyang binuksan ang gate.
"Ikaw?!" parang namamangha pang tanong niya sakin
"Malamang sino pa ba" walang gana kong sagot.
"Anong nakain mo?" si Namjoon.
"Menudo" sagot ko agad "Heto dinalhan nga kita eh"
"Sungit mo!"
"Bilisan mo kunin mo na!"
"Eh parang ayaw mo ata eh,kusa ba yan? Baka naman pinilit ka lang?"
"Kusa to kase mabait ako"
Parang natawa pa siya sa narinig niya.
"Kamsahamnida" sabi niya sabay kuha pa niya nito.
Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018