CHAPTER 10

61 7 0
                                    


"Ikwekwento ko" sabi niya

Di ko alam kung kaya kong makinig sa dalawang ito na hindi ko naman kilala. Aaminin ko na hanggang ngayon natatakot parin ako sa dalawang di ko naman alam kung ano.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Ewan ko kung maniniwala ako sa mga sasabihin nila dahil mukha palang di na mapagkakatiwalaan pero dahil nandun sila nung umatake yung demonyo sakin,gusto kong malaman kung anong pakay nito sakin.

"Belphegor....kapatid ko" mahinang sabi nung isa na halos ibulong niya.

Kapatid niya?!

"Kapatid namin" sagot ng nagpanggap na Hoseok.

"Ilan ba kayo?? Ibig sabihin kapatid niyo yung lahat ng mga.." Di ko na itinuloy,..dahil una wala naman talagang anghel. Pangalawa walang langit..at pangatlo walang DIYOS!

"Magkakapatid ang tingin namin sa isat isa....lahat ng Anghel kapatid ko."mahinang sabi parin nung isa na parang naiilang ng banggitin niya ang salitang anghel.

"Eh sabi niyo kanina, demonyo yun?!" diin kong tanong.

"Naniniwala ka ba sa mga Anghel??" diretsahang tanong nung Hoseok.

Napatingin ako sa kanya at tinitigan siya ng masama. Pansin ko na iba siya sa kasama niya,.kanina ko pa napapansin ang tingin niya sakin..yung tingin ba na walang silbi..yung tingin na parang nakakasuka ako. Eh gago pala to.

Nakita ko na hinawakan ng kasama niya ang kamay nung Hoseok habang nakatingin sa kanya..parang nag uusap sila sa isip.

"Kung tinatanong mong naniniwala ako pwes hindi! At mas lalong hindi ako naniniwala sa Diyos niyo!" galit na sigaw ko pero natakot ako ng biglang nilabas ni Hoseok ang espada niya.

"Huwag!" pigil ng kasama niya sa kanya.

Naalarma naman ako kaya tumayo ako.

"Papatayin niyo rin ako noh?!" Tanong ko

"Hindi...patawad nilalang" sagot nung isa.

"Patawad.....babae" sagot ni Hoseok.

Tinabi niya agad ang espada nito.

"Totoo ang Diyos" sabi nung isa.

Napasmirk nalang ako habang pumunta sa kusina para kumuha ng beer total mamayang gabi pa naman trabaho ko.

"Kasama namin siyang nahulog sa lupa."

Napatigil ako ng marinig ko yun. Parang katulad nung pinapanood kong Supernatural..yung fallen angel na si Castiel.

"Di ko akalaing totoo pala yun" tawa ko pa sa kusina. "So it means...demonyo din kayo?"

Alam kong nagtitimpi lang yung Hoseok,.ramdam kong kanina pa yun galit sakin..pero yung isa lang talaga pumipigil sa kanya.

"Oo" sagot nung isa.

Painom na sana ako pero hinawakan ko ito at bumalik sa pwesto nila.

"Tama ba narinig ko? Demonyo kayo?" pag uulit ko.

"Oo..pero hindi kami kasama sa grupo nila.. Maniwala ka,iba kami"

"Eh ano kayo? Nagrebelde na nga kayo sa langit,.tapos dun sa mga demonyo nagrebelde din---

" Tama na!!" Sigaw nung isa habang pinipigilan niya na naman yung Hoseok,..Aktong aatakihin ako.

"Bat kayo nagagalit? Eh sinabi niyo ngang kasamahan niyo" sarkastikong sabi ko pa.

Masama ako? I know.

"Ayoko nang marinig ang dahilan niyo kung bat kayo tinapon ng Diyos 'niyo..halata naman sa kasama mo pa lang...ang gusto ko lang malaman kung bakit inataki ako ng demonyong yun" seryosong sabi ko habang iniinom ang bote ng beer.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon