SUGA'S POV'Isa kang Nephilim
'Isa kang Nephilim
'Isa kang Nephilim
Nagpaulit-ulit yun sa utak ko.
"Saan ka pupunta apo?" nag-alalang tanong niya.
Umakto sana siyang susundan ako pero sinenyasan ko siya sa kamay na wag sumunod sakin.
Kahit pagod ang katawan ko ay bumalik ako sa motor at isinuot ang helmet. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero di ko na siya nilingon at mabilis na pinaharurot ang motor.
Ewan ko kung saan ako pupunta, bahala na.
Bahala na kung saan ako dadalhin ng motor ko.
Pero isang salita lang ang nasa isip ko.
NEPHILIM.
Ano na naman to? Nephilim? Nephilim ako?
Mas binilisan ko pa ang pagdadrive,..wala pa naman masyadong sasakyan....
Madaling araw palang...
Ng dahil dun....magbabago ba ko? Magbabago ba ang anyo ko? Anong anyo naman yun?
Isa akong kalahating TAO at ANGHEL? Posible ba yun?
"BROOM! BROOM! BROOM!" mas binilisan ko pa ito.
Halos matagilid pa ang motor ko ng tumigil ako. Nag-angat ako ng tingin sa lugar......tahimik,PAYAPA...
Inaantok ako pero alam kong hindi ako makakatulog,...Hindi na siguro ako makakatulog sa kakaisip.
Naglakad ako papalapit sa magandang tanawin....SUNRISE..
Pabagsak akong umupo sa mabuhanging lupa at nakatingala sa papaangat palang na araw.
Kinuyumos ko ang mga palad ko sa buhangin at buong pwersang itinapon yun sa tubig.
Napasabunot ako sa buhok ko.
Ano nang mangyayari ngayon? Ano nang mangyayari sakin? Magkakapakpak ako? Hindi na ko tao? O talagang hindi ako tao?
DANIELLE.....
Napapikit ako sa naisip ko,.
FAYRE'S POV
"ISANG BUWAN na pero wala naman nang nangyayaring kakaiba,...kailangan ko pa bang magtago ng ganito?" tanong ko.
Kasalukuyang nandito si Jinmichael.
Bumuntong-hininga siya. "Napapagod ka na ba nilalang?"
"Ayoko lang ng ganito" nag-iwas ako ng tingin. "Alam ko namang ginagawa niyo to para maprotektahan ako pero kase......" umupo ako sa kabilang sofa. "Kailangan ko ding lumabas"
Nakakatawang isipin,...sinabi ko pa talaga yun,...eh dati naman na akong di lumalabas ng bahay.
"Pwede ka namang lumabas" nag-angat agad ako ng tingin kay Jin ng sabihin niya yun. "Pero dapat kasama mo ang dalawang to" nakangiti siyang tumingin kina Jimin at Hoseok.
Napailing na natatawa si Hoseok. "Parang kailan lang sinasabi mo samin na layuan siya"
"Hmm,.siguro naman mapagkakatiwalaan ka na ngayon ha Hadraniel?" sarkastikong sabi ni Jin.
Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila.
"Gusto mo na bang lumabas?"
"H-Ha? N-Ngayon n-na?" natatarantang tanong ko.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018