CHAPTER 7

80 10 0
                                    

HOSEOK'S POV

Hmm Hoseok..

Ewan ko kung bakit yun yung pangalang naisip ko agad nang magtanong yung lalaking nilalang kung anong pangalan ko.

Kakaiba pero ayos na din.

Ang totoo talaga,di ko alam ang tunay kung pangalan,.maski yung kasama ko ay wala ding maalala kung ano ang pangalan niya. Naalala namin lahat ng nangyari noon at yung naganap na labanan sa langit ngunit yung kaisa isang bagay lang ang nalimutan namin,at yun ay yung pangalan naming dalawa. Siguro isa ito sa parusa ng Ama sa amin.

Simula nang magising ang babaeng ito,wala na siyang ibang ginawa kundi ang sumigaw at pagalitan yung Namjoon. Kaawa awang lalaki pero salamat sa kanya dahil pumunta parin siya sa bahay ng babaeng to..kahit alam niyang delikado.

Oo,.di kami nagpakita sa babaeng nilalang pero nandito parin kami sa bahay niya, pinapanood silang magsigawan. Narinig kong napabuntong hininga nalang din si kapatid. Nakaupo lang kami sa malambot na ewan kung ano,isang upuan,..katabi namin ang aso niya.

"Anong pangalan niya?" tanong ng babae

"Hoseok ata yun" sagot ni Namjoon

"Hmm"

"Naalala mo na? Sabihin mo nalang kaseng oo para hindi ako mapraning sa takot!" Sigaw ni Namjoon

"Wala akong kilalang Hoseok,kaya umuwi ka na," sabi naman ng babae

"Hahahahaha,kahit kailan ang weird mo!!" Si Namjoon

"Alam mo ba kung gaano kahirap maghintay ng unang pagtilaok ng manok?! Tapos ginaganito moko! Aba...aish!!! Eh wala naman palang manok dito sa village!" Dagdag pa ni Namjoon.

Bukambibig nila ang pangalang Hoseok hehehe.

Narinig ko na namang nag buntong hininga si kapatid. Kunsabagay nakakabingi ang sigawan nila

"Hay bahala ka!! Ni pasalamat man lang di mo pa masabi! "

Nang sabihin yun ni Namjoon ay padabog siyang umalis,.lumabas bigla yung babae at madaling sinarado ang pinto.

"Ganyan ba talaga ang babaeng yan??" naiinis kong turo sa babae.

Tumango lang si kapatid.

"Hmm,sa tatlong linggo kong kasama ang nilalang ganyan talaga ang ugali niya...Wala siyang kaibigan" malungkot na sabi pa nito.

"Halata nga" natatawang sagot ko pero tiningnan niya ko ng masama kaya di ko na tinuloy ang sanay sasabihin ko pa.

Nagulat kami ng biglang

"Hoseok....wala akong kakilalang Hoseok! Bwisit!"

Sigaw niya bigla. Nagkatinginan kami ni kapatid.

"Mukhang masamang ideya nga ang ginawa ko" sabi niya sakin.

Medyo kinabahan kami ng biglang lumapit sa aming pwesto yung babae

"Shanks tama na nga yang kain mas lalo kang lalaki diyan eh!" Inis na sabi pa nito sa aso at lumabas.

Ilang minuto pa ay pumunta na naman siya sa sala,.kakaiba ang reaksyon niya.

"Nakikita ba niya tayo??!" halos maisigaw ko,.nakatitig kase siya sa inuupuan namin eh.

May kung anong hinila siya sa kinauupuan ng aso.

"Bat nandito ang sando at ang palda ko??!!!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"Di mo ba naisauli yung sinuot mo kanina??" takang tanong ni kapatid.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon