CHAPTER 44

31 3 0
                                    


FAYRE'S POV

Nagsimula na ang lahat sa pagtratrabaho pero hanggang ngayon wala pading dumadating na Suga sa pwesto niya. Totoong kinakabahan ako,madaming pumapasok na posibleng mangyayari sa kanya at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi talaga siya pumasok ngayon.

'Posible kayang hindi lang niya alam na may pasok ngayon? Pero kilala ko si Danielle,kung ako nga pinaalalahanan niya si Suga pa kaya?


Hindi ko namalayang break time na pala,masyado akong seryoso sa trabaho habang napapaisip. Unti-unting lumalabas ang mga katrabaho namin at naramdaman ko naman ang paglapit sakin ni Danielle.

"Let's go?" tanong niya.

"Nasabihan mo ba si Suga na may trabaho ngayon?" hindi ko hinahalata na nag aalala ako at praning na.

"Oo natawagan ko, pero absent siya ngayon kase masama daw ang pakiramdam niya"

Natigilan ako sa sagot niya. Masama ang pakiramdam?

"Ok" sagot ko nalang at tumayo,sumunod ako sa paglalakad niya.


Sana hindi kritikal ang kalagayan niya.


Nag-order kami ng makakain at napaupo sa parati naming tambayan,hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya sabay ang pagbuntong hininga.

"Ayos ka lang?" natatawang aniya.

"Sorry"

"Ang weird mo ha ,kanina ka pa tumitingin sakin at sa bawat katrabaho natin ayos ka lang ba talaga?"

"Oo,may iniisip lang--

"Si Suga?"

Tinitigan ko siya pero kakaiba ang emosyong nilalabas niya ngayon, parang nagseselos?

"Hindi siya" seryosong sagot ko. Ayoko lang maiba ang kahulugan sa kanya,mahirap na.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos na.

"Dan wait" pagpipigil ko muna bago kami pumasok sa loob.

"Yes?"

"Can I ask you something?"

"Sure what was that?"

Dumudugo na ilong ko tsk!

"Pwede bang malaman ang address ni Suga?" walang bahid na emosyong tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat niya na para bang iniintindi ang tanong ko tsaka lang siya umiwas ng tingin na para bang nagtatanong.

"Bakit?" nagtanong nga. "Pupuntahan mo siya?"

"Oo" matipid na sagot ko at tumitig sa kanya na nag iiwas padin ng tingin.

"He's fine,.ayaw niyang maabala eh" sagot niya na kinainis ko.

"Danielle" walang emosyong tawag ko at tumingin naman siya sakin.


Wag kang magselos Danielle,dahil wala akong nakikitang dahilan para pagselosan mo ang pagtatanong ko. Nag aalala ako sa kanya,oo pero mali ang iniisip mo,kailangan ko nang malaman kung saan siya nakatira. Kung alam mo lang!

"Why?" tanong niya, matagal kaming nagtitigan na para bang nagbabasahan ng iniisip hanggang siya na ang unang nag iwas. "Pumasok na tayo sa loob" sabi niya at nagpaumunang pumasok. Nagbaba ako ng balikat dahil sa pagkadismaya.

Nagpaumuna ako sa kanya at walang salitang umupo sa pwesto ko. Dismayado ako sa kanya. What the hell? Naiinis ako dahil sa selos niya, ano bang nakakaselos dun?!

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon