FAYRE'S POVNapabalikwas ako sa pagkakabangon sa kama na halos paliguan ko na pala ang sarili ko sa pawis.
" Masamang panaginip na naman tsk"
Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha habang nakapikit,pilit nililinaw ang mga nangyari sa panaginip ko,pero masyadong malabo.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa orasan sa side table. 5 minutes na palang tapos ang alarm! Napatalon agad ako sa kama at pumunta sa banyo. Di man lang ako nagising ng in-alarm ko. Binuksan ko agad ang shower at nagsimulang sabunan ang sarili ko. Pagkatapos ay mabilis naman akong nagbihis ng uniform ko sa trabaho.
Tinignan ko sandali ang kabuuan ko sa salamin at napabuntong hininga. Pinilit kong ngumiti pero nandun padin ang kakaibang pakiramdam.
Binuksan ko ang pinto palabas pero agad din akong natigilan, halos magkabangga pa kami ni Jimin.
"So-Sorry" usal niya. "Papasok na sana ako sa kwarto mo kase hindi ka pa lumalabas"
Hindi ako sumagot at sa halip ay tinitigan ko lang siya. Nag aalala ako sa kanya.
"B-Bakit?" tanong niya ng hindi ako sumagot. "May nangyari ba?"
Umiling-iling ako at tinitigan siya,naramdaman ko naman ang pagkailang niya.
Bumuntong-hininga muna ako. "Kamusta ka?"
Bahagya pang nanlaki ang singkit niyang mga mata,mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.
"Maayos lang ako" sagot niya. "Ikaw ba?"
Ngumiti ako ng bahagya. "Aalis na ko,medyo alanganin nako nakangising eh" napahawak pako sa batok ko. "Kamusta nga pala siya?"
"Hmm,nagpapahinga pa" sagot niya.
Kaagad naman siyang tumabi para makalabas ako sa kwarto at dumiretso sa isa pang kwarto dito sa itaas. Ang totoo niyan ngayon pa ulit ito inokupa.
Binuksan niya ang kwartong yun at pumasok naman ako. Sa malayo palang alam kong nanghihina padin siya.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama niya. Sabi nga nila hindi sila natutulog, pero sa nakikita ko ngayon pinipilit niyang ipikit ang mga mata niya. Sa dating ng katawan niya ay mukhang mahina parin ito. Bahagyang nakatagilid ang ulo niya sa kabila at hindi ito nakatingin samin. Nagkatinginan pa kami ni Jimin tsaka ako umupo sa gilid at huminga ng malalim.
"Hoseok" tawag ko. "Hoseok?" tawag ko ulit ng hindi siya magsalita. Dahan dahan naman siyang lumingon sa gawi namin. Nakita ko pang nagulat siyang makita ako pero tipid naman akong ngumiti.
"Fayre"
"Kamusta ka?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay tinitigan lang niya ako pero di ko inaasahang mamamasa ang mga mata niya.
"Maayos na....salamat" sagot niya sa mahabang titigan namin.
"Aalis muna ako, magpagaling ka" sagot ko at tumango siya. Tumingin ako kay Jimin na nakatingin naman samin. Tumayo na ako.
"Kailangan ko ng umalis" sabi ko
"Hindi ka pa kumakain"
"Dun na lang ako sa trabaho kakain"
"Hmm ok"
Nagpaumuna akong lumabas pero naramdaman kong sumunod si Jimin kaya sa labas palang ng pinto liningon ko na siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Salamat sa pagligtas sa kanya" sinserong sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.
"Hindi kita maintindihan" totoong hindi ko alam kung bakit nagpapasalamat siya sakin,wala naman akong ginawa.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018