FAYRE'S POV"Bakit ka nga pala Nandito?" tanong ko kay Jungkook.
Tinignan ko ang kabuuan ng suot niya, nakakapanibago dahil hindi siya nakasuot ng suit na lage niyang sinusuot kapag nasa trabaho siya. Liningon niya ako at ngumiti bago siya magsalita.
"At.....bakit ganyan ang suot mo?"
"It's a long story but to make it short hindi nako ang namamahala ng BST."
Nagulat ako. "Ha? Pano nangyari yun?"
"Hahaha I resigned already, nakakabagot magtrabaho sa tao, namimiss ko kase yung kung ano ako noon" sabay tingin kina Jimin at Hoseok.
"So bakit mo ko gustong makita?" kunot-noong tanong ko.
Tumingin siya kay Namjoon.
"Ahhh..hindi ko ba pwedeng marinig?" tanong niya at tumango si Jungkook. "Sige...uuwi na nga lang ako" napakamot ng ulong pumasok si Namjoon sa kotse nito.
"Salamat!" sigaw ni Jungkook.
Lahat kami ay nakatingin kay Namjoon na pumasok na sa village.
"Ano yun?" tanong ko.
"Let's go to some place safe"
"Bakit di nalang dito?" tanong ko.
Liningon niya ang paligid. "Dito?" natatawang aniya. "Nasa labas tayo Fayre,.and besides hindi naman ako makakapasok sa village niyo"
"Bakit nga ba?"
"Alam kong may ginawa si Jinmichael para di makapasok ang tulad namin, pero bakit nga pala nakakapasok kayong dalawa Raziel?"
Walang sumagot.
"Nah nevermind,....tara sundan mo lang ako" pumasok na siya sa kotse nito.
Tinignan ko ang dalawa, alam kong pareho kaming naguguluhan kay Jungkook. Ano naman kayang sasabihin niya?
Sumunod ako sa kotse niya at natigil kami sa mismong tapat ng malaking bahay,...bahay siguro niya.
"Bahay mo?" tanong ko ng makalabas kami.
"Oo"
"Mag-isa ka lang?" tanong ko at tumango siya. "Anlaki naman"
"Oo bigay ng chairman na yun" nakangiwing sabi niya. "Pasok"
Pumasok kami sa mala palasyong bahay niya, kakaiba ang bahay niya, mararamdaman mo talaga na kakaiba ang nakatira dito. Kulay black at brown ang kadalasang furniture niya,...basta kakaiba.
Pinapasok kami sa isang malaking room kung saan may mataas na lamesa sa gitna na napapaligiran ng mga silya.
"Bat may ganito ka? Eh diba mag-isa ka lang?" pagtataka ko pero natawa lang siya.
Naupo kaming tatlo habang si Jungkook ay nanatiling nakatayo,..nakatingin samin.
"Ano to Penemuel?" pagtataka na din ni Jimin.
Isinandal ni Jungkook ang mga siko nito sa mesa at diretsong nakatingin sakin.
"Nakapasok ako sa impyerno nung nakaraang araw" bigla siyang sumeryoso.
Bigla namang nagsintindigan ang mga balahibo ko ng marinig ang salitang yun.
"Sinubukan kong magtago sa kanila pero nang mahanap nila ako di nako nanlaban,....alam nilang tinutulungan kita Fayre"
"Anong ginawa nila sayo?" tanong ni Jimin.
"Muntik na nila akong patayin, pero nagmakaawa ako kaya nakatakas ako."
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018