CHAPTER 13

61 5 0
                                    


-JIMIN'S POV




Umaga na pero di parin lumalabas ng kwarto ang nilalang, baka hindi pa nagigising. Pero sa ganitong oras di pa nagigising? Imposible, masama na ang kutob ko.

"Busog na ata tong aso niya"

Lumingon ako kay Hoseok,nakaupo ito sa sahig,katabi ang aso.

"O saan ka pupunta kapatid?" tanong niya sakin.

"Papasok ako sa kwarto niya" sagot ko.

"Baka sigawan ka lang nun,alam mo naman ugali nun" sabi pa niya habang ang paningin nito ay nasa aso.

"Kapatid"

"Biro lang," sabi niya agad. "Tawagan mo lang ako pag sinigawan ka" dagdag pa niya.

Di nalang ako sumagot at lumakad na papunta sa kwarto niya. Natandaan ko pa sinabi niya kagabi.

"Huwag kang papasok sa kwarto ko,.alam kong kaya mong gawin ang lumusot sa pader pero binabalaan kita"

Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan yung parang isang bilog na iniikot niya para buksan ang pinto nato. Iikutin ko ba to o kakatok?

Kumatok nalang ako ng tatlong beses,.hinintayko ang sasabihin niya pero walang nagsasalita sa loob,.tulog pa ata talaga siya,.pero bakit parang iba na kutob ko.

Wala naman sigurong magagalit pag lumusot ako sa pader,tulog nga siya diba.

At nakita ko siyang nakahiga pa,.pero may napansin ako sa pagkakahiga niya.

Parang naninigas ito.

Agad akong lumapit sa kinahihigaan niya,.hinawakan ko ang mga kamay niya,.....sobrang lamig! Nanginginig siya, pero sobra ang pawis niya na tumutulo sa noo nito. Anong nangyayari sayo nilalang?

"F-Fayre.....F-Fayre g-gising" sabi ko habang pinipisil ang mga kamay niya. Anong gagawin ko? Anong nangyayari sa kanya? Nakaramdam ako ng pag aalala.

Tinawagan ko agad si Hoseok at sa isang iglap,nasa kwarto na siya.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong niya agad na bakas din ang pag aalala.

"Ewan ko,.nakita ko siya na ganyan na ang kondisyon" pag aalala ko.

Tinignan ko ang buong mukha ng nilalang,.kung hindi ako nagkakamali,binabangungot siya.

"Tingnan mo kapatid!"

Napatingin agad ako kay Hoseok ng sumigaw siya sabay turo sa paa ng nilalang.

MAY DUGO! Biglang may bumuong sugat sa isang paa niya at mabilis na umagos ang dugo nito.

"Anong nangyayari sa kanya?" pag aalala ko.

Hinawakan ko pa ang noo niya pero agad kong iniwakli ang kamay ko ng makaramdam ako ng kakaibang init...hindi isang simpleng init lang,.nakakapaso....parang kaseng init ng impyerno.

"Imposible!" galit na sigaw ko agad.

"Naberius" seryosong sabi ni Hoseok

Napatingin agad ako sa kanya,.nakatingin siya sa kamay ng nilalang. Nakita ko sa kamay nito ang isang pabaliktad na tatsulok at may mata sa gilid.

Isang hugis na alam namin kung ano ito.

"Kailangan nating pumasok sa panaginip niya" sabi ko agad.

"Delikado kapatid, alam mo naman kung anong mangyayari kapag pumasok tayo sa laro ni Naberius"

"At pababayaan lang natin ang nilalang na paglaruan niya?!" hindi ko mapigilang masigawan siya.

"Patawad" dagdag ko agad.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon