FAYRE'S POV
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm sumabay pa yung pag ring ng telepon na naman..Kainis! Gusto kong matulog maghapon ngayon eh.
"Shanks.....a-ano b-ba" naaalimpungatan parin ako pero pilit kong dinidilat ang mga mata ko,..heto na naman si Shanks dinidilian na naman yung mukha ko.
Hindi naman sa nandidiri ako sa laway niya,..nakakainis kase kahit sinabihan kong huwag na kase may alarm naman ako,.eh yun parin yung ginagawa niya araw araw. Nagigising talaga ako pag ginagawa niya yun.
"Tama na, hahaha Shanks ok na," nilayo ko yung mukha niya sa mukha ko. Bumangon na ko at tumalon naman sya sa kama.
"Hmm ano nagugutom ka na?" Tanong ko pa,.tumahol lang ito kaya naman tumayo na ko.
Ay teka nakalimutan kong sagutin yung tawag,.kanina pa to tumutunog eh.
"Hello?"
"I thought you won't answer the call,sayang naman kung sasayangin mo ang last slot." Mataray na sagot nito. Aba kilala ko ang boses na to eh,siya yung nag interview sakin nung isang araw....siguro
"What do you mean?.....po"
Sa dami pa namang inaplayan ko eh,.di ko na alam kung sino sa mga yun ang tatawag.
"Well congratulations! Your hired in the agency,..magsisimula ka bukas ng gabi,since pang gabi ang schedule mo.
" Ahm anong agency po?"
"Oh nakalimutan mo na? Hahaha siguro sa dami ng inaplayan mo di mo na alam kung sino ang tatanggap sayo noh" pang iinsulto nito
Letse! Kagigising ko lang sinisira na niya araw ko,sira na nga buhay ko.
"Hehe" tawa kong hilaw.
"BST Agency miss...its a famous call center here in the city,..di mo alam??Ahm one more thing,.kunin mo mamayang 1 pm ang uniform mo dito"
Ano bang paki ko kung peymos yun,
"Sige....po" sagot ko.
"Ok"
At binaba na niya ang linya. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Shanks,nakaabang na to sa may pintuan gutom na ata talaga.
Tumahol ito bigla kaya naman lumapit na ko sa kanya at bumaba na sa kusina.,sumunod naman to sakin
Di pako gutom kaya habang kumakain siya nakatingin lang ako sa kanya...naiisip ko na naman yung nangyari sa parking lot doon.
"Tss..ano kaya yun"
Di ko namalayang tapos na siya at nakaupo habang yung dila niya ay nasa labas ng bibig niya,..nakatingin sakin.
Napangiti ako at hinihimas himas siya.
"Gusto mo pang kumain?"
Pero bigla siyang tumayo at pumunta sa may pintuan palabas. Tumahol ito.
Gusto niya atang ipasyal ko siya sa labas."Shanks dito ka lang sa loob,di ka pwedeng lumabas" utos ko.
Pero di parin siya umaalis doon na para bang gusto niyang buksan yun.
Sa halos isang taon nakong nakatira dito,hindi pa siya nakakalabas ng bahay..di naman siya ganito kakulit eh.
Napabuntong hininga nalang ako,..siguro gusto niya talagang lumabas.
"Oo na! Oo na! kulit mo ha" inis inisan ko pang sagot sa kanya.
Kinuha ko muna yung tali kase baka mawala siya,isinuot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018