CHAPTER 51

33 2 0
                                    

HOSEOK'S POV

Kinabukasan...

"Gising na ba si Fayre?" tanong agad ni Jimin pagkababa ko sa kwarto.

"Bakit?" tanong ko.

"Nasa labas na si Namjoon, gisingin mo na siya pupunta lang ako sa labas"

"S-Sige"

Sinundan ko muna siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya bago ako aakyat pero pababa na pala si Fayre. Tinitigan ko siya ng diretso.

"B-Bakit?" pagtataka niya.

Hindi ako sumagot sa halip ay tinitigan ko lang siya.

"Anong bang problema mo?"

"Bakit ka lumabas kagabi?"seryosong tanong ko.

" Ano bang pinagsasabi mo--

"May nakakita sayo" sapaw ko

Umiwas siya ng tingin. "Eh ikaw bakit ka din umalis?"

"Wag mong ibalik ang tanong sakin Fayre"

"Parehas lang naman tayo ng ginawa 'Hoseok" pagdidiin niya.

"Alam mong delikado"

"Alam mo ding delikado."

"Delikado para sayo Fayre" pagpapaintindi ko sumama naman ang tingin niya.

"Alam ko" sagot niya. "Pero nakauwi naman ako ng maayos diba?"

"Fayre hindi yun ang punto ko,..pano kung may sumunod sayo pauwi?, pano kung may nangyari sayo?"

"Heto nga ako diba?" inis na aniya. "At tsaka maklaro ko lang ha, tayong dalawa yung lumabag wokey? Eh ano yung ginawa mo kagabi? Bakit ka nandun?"

"Kaibigan ko si Angel" sagot ko

"Kaibigan ko din siya at kasalanan ko ang nangyari sa kanila,..naintindihan mo ba yun?"

"Fayre"

"Alam ba to ni Jimin?"

Umiling ako. "Hindi"

"Wag mo nang sabihin sa kanya please?"

Nag-iwas ako ng tingin."Hindi makakaabot sa kanya ang ginawa mo basta ipangako mong di mo na uulitin yung ginawa mo pag-alis wokey?"

Ngumiti siya at lumapit sakin." Promise...pero may kasalanan ka din kaya wag mo na ding uulitin yun" tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Payts na tayo,..sige mag-aayos lang ako" kindat pa nito sabay alis.

Umiling-iling at nasapo ko ang noo ko."May kasalanan ka din Hadraniel tsk tsk"


Nung sabihin ni Angel kagabi na pumunta si Fayre doon,nagmadali agad akong hanapin siya buti nalang at nakita ko siya agad.

Pero bumalik padin ako para samahan si Angel, naaawa ako para sa kanya.

"Hadraniel"

Natinag ako sa pagtawag ni Raziel.

"Nasan na siya?"

"Nandito ako"

Pareho kaming napalingon kay Fayre na nakapag-ayos na. Nakita ko naman ang pag-iiwas ng tingin ni Raziel sa kanya.

"Aalis na tayo" yun lang at nagpauna na siyang lumabas. Inilingan ko lang siya.

"Tara na" tapik ni Fayre sakin. "Wag kang ganyan,mahahalata ka, tsk"

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon