"Peeep! Peeep! Peep!" patuloy kong binubusina ito dahil ayaw talagang umandar.
"Damn it!" sigaw ko pa.
Nawala unti unti ang mga luha at pumalit ang takot sa buong pagkatao ko.
Bakit ba walang tao sa kalsada na to? Hindi na gaanong madilim at alam kong sisikat na ang araw mamaya. Pero bakit ganito ngayon?
Papalakad siya sa harapan ng kotse ko at kung may anong enerhiya o puwersa naman akong naramdaman bigla sa buong katawan ko, may kung anong kumukontrol sakin...gaya na lang nung nangyari minsan sa panaginip ko. Hindi ko maiwas ang paningin ko dahil kusang tumitingin ito sa kanya.
Pilit kong pinapatatag ang sarili ko at...
*Bogssssh!!!!!!!*
"Ahhhhh!" sigaw ko ng biglang may kung anong sumalubong sa kanya dahilan para mapatapon siya sa malayo. Isang napakalakas na puwersa iyon!
Ewan ko pero ramdam ko na kung sino yun kaya dali dali akong lumabas ng kotse para tignan siya!
"Jimin!" sigaw ko. Nakatalikod siya at nakatingin doon sa nakahood.
Kitang kita sa mga mata ko ang malalapad na pakpak niya na nakabuka kaharap ang isang....demonyo... Tama nga ako, demonyo nga ang pumatay sa buong pamilya ko! Nalaman ko ng biglang tanggalin ang hood niya at nakita ang kanyang...sungay
"Tumakas ka na!" sigaw ni Jimin dahilan para magulat ako.
Lumingon siya sakin at nakita ko ang galit sa buong mukha niya. Pinilit kong wag tumingin sa isa pero nahagip padin siya ng mata ko. Nakangiti siyang nakatingin sakin.
"Tumakas ka na!" sigaw ni Jimin pero nakatingin na siya sa nakangising demonyo.
"Pero Jimin pano--
" Elise."
Nagulat pa ako ng bigla niyang tinawag ang apiledo ko. Pano niya alam na Elise ang apiledo ko?
"Kaya ko ang sa--
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sumugod na ang demonyo sa kanya na agad naman niyang naiwasan at mabilis na hinablot ang espada niya.
Hindi na rin ako nagsalita pa at damang dama ko na ang tensyon sa kanila. Pero tao lang ako..pano ko siya matutulungan?!
Wala akong nagawa at pilit na pinaandar ang sasakyan ko, nagulat ako ng umandar naman ito agad!
Mabilis ko tong pinaandar at tumingin ako sa side mirror kung saan sila ay naglaban. Bat wala si Hoseok? Ano ang ginagawa ni Jimin dito? Ng mag isa?
'Ang gulo na ng isip ko!
Humarurot ako dahil walang sasakyan sa kalsada dahilan para mag iba na naman ang pakiramdam ko. Bat ba sa twing mangyayari to wala ni isang tao sa buong paligid? Ako lang ba talaga ang target nila? Tao din sila pero bakit ako lang!
Hanggang sa makapasok na ako sa village at tumigil sa harap ng bahay ko. Madali akong pumasok sa loob at nakita ko si Hoseok na mabilis na sinalubong ako.
"Nakita mo si J-Jimin?" nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at mabilis akong napaupo sa sofa.
Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko at hindi ko na mapigilang UMIYAK.
"N-Nilalang" lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. "Nasan si Jimin?"
Pero hindi ako sumagot, pilit ko man pakalmahin ang sarili ko pero di ko magawa. Halo halo na ang nararamdaman ko at sobrang nag aalala ako!
"Puntahan mo s-siya...may nakalaban s-siya.." mahinang sabi ko habang nakayuko. Ramdam ko naman ang luhang tumutulo sa mga mata ko.
"Pano ka? Hindi kita pwedeng iwan" malungkot na sabi niya.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018