º| P R O P H E C Y |º
SUGA'S POV
<|flashback|>
"Alam mo ba kung nasan siya?" tanong nung isang anghel.
Umiling ako. "Hindi" sagot ko. "Pero may naiisip akong lugar kung saan siya maaaring dinala"
"Saan?"
"Sa lugar kung saan pinatay ang pamilya niya" seryosong sagot ko
"Pano ka nakakasigurong dun nga siya dinala?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Walang kasiguraduhan, pero wala naman sigurong masama kung pupuntahan natin yun diba?" nawawalan ng pasensyang sagot ko.
"C-Can I come?"
Liningon ko si Namjoon na nakalimutan kong nandito rin pala.
"Hindi pwede" sagot ng Archangel.
"Dito ka lang Namjoon, delikado ang pupuntahan namin, siguro puntahan mo nalang si Danielle para di na ulit yun mangyari"
"Bakit anong nangyari kay Danielle" nilingon ko silang lahat. "May nangyari ba sa kanya?"
"Wala" sagot agad ni Namjoon. "She's safe no need to ask"
"Puntahan na natin si Fayre" sagot nung isa.
"Mag-iingat kayo Jimin" baling ni Namjoon sa kanya pero tinanguan lang siya nito.
Nagpaumuna nang lumabas si Jimin at sumunod na ko, ganun din ang dalawa pa,isa na dun ang archangel.
"Sumakay ka na,susundan ka namin" seryosong sabi ni Jimin at tumango naman ako habang mabilis na sinuot ang helmet.
Kung magiging Nephilim ako ora mismo, sana di nako magmomotor tsk!.
Pinausok ko ang tambutso ng motor at walang anu-ano'y binilisan ang pagmaneho, segundo nga lang ang nabilang ko ng makalabas kami ng village.
GABI na at napakatrapik! Mahigpit kong hinawakan ang hawakan ng motor at walang takot na nilusutan ang mga sasakyan!
Madalas ikwento sakin ni lolo ang tungkol sa lugar na yun kung saan pinatay ang pamilya ni Fayre na kung tawagin niya ay Pax Calibur, isang kalsada daw yun malapit sa kagubatan kaya di kataka-takang baka may sikretong lagusan dun papunta sa impyerno
"BROOM! BROOM! BROOM!" pinaingay ko ang motor ng huminto ako. Mabilis kong tinanggal ang helmet at nang matanggal yun ensaktong nagpakita na ang tatlo sa harapan ko.
"Pax Calibur,yun ang tawag ni lolo sa lugar na to" kwento ko.
Nilibot namin ng tingin ang buong lugar pero wala akong makitang kakaiba.
"Saan ka pupunta Raziel?" tanong nung isa kay Jimin.
"Maghiwa-hiwalay tayo, para madali nating mahanap ang lagusan--
" Di na kailangan" pigil ko sa kanya. "Nandun ang hinahanap natin" turo ko.
Kakaiba ang lagusan, hindi siya yung tipong nakikita niyo sa mga pelikulang may mahika, hindi ganun. Para lang siyang bumabagay sa paligid pero kapag tititigan mong mabuti,dun mo makikita ang pagkakaiba.
"Bakit hindi ka magsama ng mga anghel?" tanong ko kay Jinmichael. "Diba mas mabuti yun?"
"Hindi pwede" sagot niya. "Hindi ko pwedeng isaalang-alang sila dahil lang sa kapabayaan na ginawa ko.
"OK" ngumiwi ako. "Kunsabagay,...pumasok na tayo" nagpaumuna ako pero pinigilan ako ng braso ni Jimin. "Bakit?"
Kinunotan niya ko ng noo. "Alam mo ba kung saan tayo papasok?"
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018