CHAPTER 2

99 15 0
                                    

KIM NAMJOON'S POV

'Annyeong

Habang nagbabasa ako ng novel malapit sa bintana nahagip sa peripheral view ko yung isang sasakyan. Napatigil ako sa pagbabasa at lumingon doon. Tumigil ang sasakyang yun dun sa bahay,..bahay na matagal na kong nacucurious.

Bumukas ang pinto ng driver's seat at may lumabas.....isang babae.

Tinitigan ko lang to at sinubukang klaruhin ang mukha niya,..medyo malabo kase paningin ko kahit naka eyeglass nako.

"Hmm yan pala ang mukha ng nakatira diyan"

Bigla siyang umupo sa harapan ng kotse niya na para bang may tinitingnan

Lumabas agad ako ng bahay at lumapit doon.

Nasa likod na niya ako,.di man lang ako napansin,.nakatunganga ata. Langya! Di ba niya ako nakikita?

"Yah!" sigaw ko dahilan para makatayo siya bigla at lumingon sa likod.

* yah means hey in Korea*

Tinitigan niya ako na para bang ganun nalang ito kagalit sakin. Kakaiba siya kung makatitig yung parang kakainin ka talaga ng buhay.

Hindi ito umimik at tumalikod.

Abay suplada pala to!

Hinawakan ko ang isang braso niya pero nagulat ako dahil sa lakas at mabilis na pagwawakli nito.

"Mianhe" pagsosorry ko agad

Tinitigan na naman niya ako ng masama,...nakakatakot dahilan ng pag atras ko.

"Ahm...i s-saw you...." utal utal ko pa

Di parin siya nagsalita,..pipi ba siya?! O baka di niya ko maintindihan hehe

"Matagal nakong nagtataka kung sinong nakatira dito at sa wakas nakita ko na yung tao dito. Ngayon lang kase kita nakitang lumabas ng bahay..." Kalmado kong sabi

Di parin siya nagsasalita,nakatitig parin to sakin.

Baka na offend ko siya...nakakaoffend ba yung sinabi ko? Eh totoo naman eh!

"Ahmm..I mean kung lalabas ka man,wala ako.....siguro..." Dagdag ko pa.

Halos ngumanganga nako sa kahihintay ng sagot niya. Malapit nako mainis ha!

"Hmm" sagot niya

Eh nagsasalita pala eh! Kala ko pa naman bingi at pipi gagamit sana ako ng sign language

'Magmumukha pakong baliw pag ginawa ko yun no!

"Halos mag iisang taon ka na atang nakatira dyan,...ngayon lang kase kita nakita.... sabi ko pa

Ganun pa din mukha niya,..loko

"Ahmm by the way I'm from the house nearby" nakangiting turo ko pa

Deep inside napipikon nako.

Dalawang bahay mula sa bahay nila,.dun ako nakatira.

"I see" sagot niya.

Sa boses nito alam kong wala siyang interesadong makipag usap sakin

"By the way I'm Namjoon.....Kim Namjoon." Alok ko pa ng kamay ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ito. Hoy! Kunin muna nangangawit na kamay ko eh. Tapos tumingin siya sakin

"Okay..."

At tumalikod agad,..binuksan niya ang gate at pumasok.

Tama ba tong narinig ko?

Ok lang ba siya?!

Sa dami ng sinabi ko...."ok" lang sagot niya?!

Naiinis man ako pero di ko nalang siya kinulit. Nakakatakot siya,..weird niya ha!

Umalis na ako doon at bumalik ng bahay. Akala ko pa naman magkakabati kami kase sa nakikita ko parang may pagkakatulad naman kami.

Pero not totally magkapareha kase atleast ako marunong makisama!

She's weird and mysterious,..hmm interesting....parang magiging magkaibigan kami nito hahaha!

Di ko man lang alam pangalan niya! Di Bali na,malalaman ko rin.

Nag padeliver ako ng kimchi sa isang famous korean restaurant malapit sa village. Kakapagod kase magluto.

Agad agad namang dumating yung order, ayos!

Kung gusto niyong itanong kung may kasama ako sa bahay, WALA! parehong busy sa trabaho ang parents ko at nasa ibang bansa sila. Wala akong kapatid kaya ayos na din yun,ayoko ng maingay at magulo for short gusto kong mag isa. Sa nakikita ko dun sa babaeng weirdo, mukhang mag isa na din siya.

Isusubo ko na sana yung kimchi kaso nakalimutan ko palang ibigay yung isang in-order ko sa weirdong yun. Ibinalot ko to sa plastic at lumabas ng bahay,.

Ng nasa harapan na ako,ewan ko kung sisigaw ba ako para marinig ako,buti nalang may bell pala sa may gate. Pinindot ko to ng dalawang beses.
Hinintay ko siyang lumabas,ang tagal naman,madaming lamok sa labas tsk!

Pipindutin ko na sana ulit pero bumukas na. Ganun parin yung mukha niya, I mean yung itsura ng mukha niya! Nakanguso parin.

'Parang may mabigat na dinadala tong babaeng to ah,

Pero ngumiti parin ako sa kanya pero nanginginig talaga labi ko eh,.ang hirap ngumiti ng peke! Eh kase naman tong kaharap ko masama parin ang titig sakin!

'Huwag ka magpadala Namjoon,ngumiti ka lang.

Naligaw ka ata?" tanong niya.

Pakiramdam ko inis na inis na talaga siya sakin.

"No...baka kase gusto mong tikman to,...its Kimchi from Korea" inalok ko sa kanya yung plastic na pinaglagyan ko.

Ngumiti parin ako sa kanya. Buti nalang ay kinuha niya ito.

"Thanks" pasasalamat pa niya.

Itatanong ko sana kung ano pangalan niya pero sinarado na niya yung gate.

"Tsss" ngiti ko nalang. Lumakad nako pabalik ng bahay.

Habang naglalakad, ramdam ko ang paglakas ng hangin,.sobrang lamig ng hangin at sa lakas nito ay parang madadala ka. Lumingon ako sa itaas,hmm di naman masama ang panahon ah,maaliwalas ang ulap at kinang na kinang ang bituin at ang buwan. Full moon pala ngayon,.

Natatawa nalang ako sa naiisip ko sa babaeng yun,.di naman siya mukhang aswang hahaha pero masungit talaga na parang pasan pasan niya ang bigat ng problema ng presidente.

Kung sino man siya interesado ako sa pagkatao nito.

"Woah!" sigaw ko bigla.

Teka ano yun? May biglang....may biglang,..tinanggal ko ang salamin na suot ko para maklaro ko.. May nakita ako, may biglang dumaan sa harapan ko. Itim! Oo itim! pero di ko maklaro eh! Anak ng! Ano yun?

"Kung ano kaseng iniisip mo eh! Full moon pa naman ngayon!" Sigaw ko.

Napatigil ako,oo nga noh! Full moon ngayon, teka...so it means...baka yung nakita ko ay....

Biglang tumayo balahibo ko. Baka kase....baka kase....MULTO!!!!. Kumaripas agad ako ng takbo.









Please don't forget to vote po.yieee kamsahamnida!

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon