CHAPTER 39

31 4 0
                                    


JIMIN'S POV

PENEMUEL????

"Pasensya na sa pagpuputol ng sayawan..you may now continue..enjoy the night everyone!" huling sabi pa niya bago siya bumaba doon.

Hindi ko inaasahang makita siya ulit,.at sa puntong ito ay malalaman kong siya ang boss ni Fayre? Siya ang nagpapatakbo ng isang ganito?

Ibang Penemuel na ang nakikita ko ngayon. Parang isang tao siya kung kumilos,magsalita at makisalamuha sa mga tao.

Biglang umingay ang buong paligid, kakaiba ang tunog ngayon ng musika,masyadong maingay at nakakabingi.

Malakas na ang hiyawan ng mga tao habang sumasayaw.

"Woooohhhh!"

"Party! Party!"

Hindi ko na makayanan ang ingay,.kailangan kong makausap si Hadraniel, kailangan niyang malaman na nandito si Penemuel.

Nakita naman siguro niya kanina.

Hinawakan ko ang braso ni Fayre at gulat ang naging reaksyon niya.

"Umalis na tayo dito!" madiing sabi ko

"H-Ha? May problema ba?!" tanong nya

HINDI KO ALAM FAYRE PERO KAKAIBA ANG NARARAMDAMAN KO KANINA PA.

masama 'to...

*dug!*

Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw at pumalit ang patay sinding makukulay na mga ilaw.

"Ah" usal ko ng biglang may bumangga sakin kaya halos mawala ako sa balanse.

Kasabay noon ay patuloy na pagbangga sakin ng mga taong walang pakialam sa binabangga dahil lahat sila ay masayang sumasayaw!

Parang ganun nalang ang epekto ng tugtog sa kanilang mga utak at kilos..

Huli na ng maalala ko si Fayre! Hindi ko na siya hawak.

"Fayre!" sigaw ko. "Nasan ka?" tawag ko pa sa kanya.

Parang natatabunan ang pagsigaw ko,gusto ko mang lumipad para makita sa ere kung nasan si Fayre pero hindi ito ang tamang lugar. Wala sa isip kong magpakita ng ganun sa mga tao

"Fayre!" tawag ko ulit.

Kinakabahan ako ng sobra.

May isang babaeng lumapit sakin na animong lasing at ang mga tingin niya ay nagpapakaba sakin.

"Hey there handsome" malanding sabi niya.

Agad akong umiwas sa kanya at tinalikuran siya.

May nakita akong babaeng nakatalikod,kulay itim ang suot,mabilis ko yung sinundan at hinawakan ang braso.

"Fayre!" tawag ko pero nanlumo ako ng makitang hindi siya yun.

"Yes handsome?"

"Pasensya na" sabi ko at umalis.

Lahat ng nakaitim na makita ko ay sinusundan ko,nagbabasakaling siya yun. Sa laki ng lugar na to, hindi madaling hanapin siya lalo na't patay sindi ang ilaw.

"Nandito ka lang pala" usal ko pero bigo padin ako. HINDI SIYA.

"P-Pasensya" sagot ko.

Nagliwanag ang mga mata ko ng makita ang pwesto namin kung saan nandun sila Hadraniel at Namjoon, mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila..umaasang nandun na si Fayre.

"Si Fayre???" pareho naming tanong ni Hadraniel.

Nanghina ako sa katotohanang hinahanap niya sakin si Fayre.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon