CHAPTER 28

33 4 0
                                    

One week after...

NAMJOON'S POV

Jeoun achimnida!

Translate : *good morning*

Ewan ko pero pagbangon ko ngayong araw na to ay ang gaan-gaan sa pakiramdam. Binuksan ko agad ang glass window at lumanghap ng hangin.

"Hmm sarap!" sigaw ko habang nakangiti.

Bumaba agad ako at nakita ang aso kong natutulog pa kaya dumiretso ako sa kusina para magbreakfast. Ano kayang meron sa araw na to? At bakit parang ang sarap naman ng pag tanggap sakin?

'Nababaliw ka na Namjoon.

Mabilis kong dinala ang bowl na may cereal sa sala at binuksan ang speaker. Heto na naman ang paborito kong kanta! Hahaha. Pinalakasan ko pa ito at bahala na kung may magising! Tumalon pako sa pagkakaupo sa sofa at di namalayang gising na pala aso ko. Tumayo ako at kinuha ang pagkain niya at nilagay sa lalagyan nito

Habang ngumunguya ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, sa aso ko hanggang sa study table ko na nandun naman ang laptop. Tumayo ako at umupo doon dala ang bowl.

Binuksan ko ang laptop at nakita ko dun ang mga rinisearch ko these past days.

"Pag hindi ka nagpasalamat sa mga pinaggagawa ko babae ka ewan ko nalang kung may puso ka pa" natatawang bulong ko sa sarili ko

Habang nagsesearch di ko maiwasang di matawa sa mga ibang article na nabasa ko. Sa pagreresearch kase kailangang basahin mo lahat ang mga sites na related sa topic mo inorder for you to find out kung saan ang pinaka concrete na informations sa topic mo.

'Best In Research ata toh!hehe

May nababasa naman akong masasabi kong may connection sa sinabi niya pero mayroon pading mga nakakatawa at nonsense hahahaha.

Ng maubos na ang kinain ko ay tumayo na ako.

"Ang weird talaga ng babaeng yun mag isip! Hahaha" tawa ko. "Pero weird din naman ako hahaha pero di naman ganun ka lala hahaha"

Shut up myself

Tumahimik na ako sa katatawa at lumabas ng bahay.

"Alas 7 na ng umaga baka nakauwi na yun"

Napahinto ako sa paglalakad at nakita ang kotse niyang nakahinto sa tapat ng bahay niya. Mukhang nakauwi na nga talaga.

Naglakad na ako at huminto bigla ng maisip ko kung bakit pupunta ako sa bahay niya! Bakit nga ba?

Umatras ako at nag isip, ahh yung tungkol sa research Namjoon.

Nilampas ko sa gate ang paningin ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Oh...man.." bulong ko. Biglang nanginig ang binti ko at bigla akong kinabahan!

Biglang bumukas ang pinto sa loob pero wala naman akong nakitang nagbukas NITO!

Di ko magawang kumurap at nakatitig parin ako sa pintong yun! Pero mas tumalon ako sa kaba ng biglang...

NAGSARADO MAG ISA ANG PINTO! AT PADABOG PA!

"What's wrong with me, nasobrahan ba ko sa kain?" nanlulumong bulong ko sa sarili ko habang hindi parin mawala ang mata ko sa pintong yun!

"Am I hallucinating? Apayo.." naghihinang sabi ko.

*apayo means I feel sick*

Halos mapatalon ako sa kaba ng biglang nag bukas na naman ang pinto pero nakita kong may tao na talaga! Masungit siyang naglakad palapit sakin at binuksan ang gate!

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon